CHAPTER TWENTY-FOUR

Start bij het begin
                                    

"Ano raw mayroon bess? May event na ganap." Tanong ni Jasmine.

"True, isang pageant na gaganapin next month. Isa pa hindi naman ako interesado do'n." Sabi ko.

"Hala!? Sali tayo bess, gusto ko yan ikaw mag representative ng BSA course." Sabi ni Jasmine.

"Ayoko! mag aaral na lang ako atsaka gastos lang yan tapos wala akong hilig sa mga ganyan si Aubrey na lang ayain mong sumali." Sabi ko.

"Ayokoooo!? Hindi ako puwede ikaw na lang kasi  iboboto kita." Sabi ni Aubrey.

"Ewan ko sa inyo, tara na gutom na ako guys," sabi ko.

Nauna na 'ko sa kanila sa paglalakad habang kasabay ko si Bailey dahil tutal sanay naman na ako sa kaniya, nothing new sanay na rin ang barkada sa kaniya kaya wala na sa kanila hindi lang talaga maiwasan na asarin kami dahil mga baliw at madudumi lang ang mga utak nila kaya gano'n.

Nandito na kaming lima sa canteen habang yung dalawang lalaki ang nag order, sila na bahala kasi sure naman kami na knows na nila yung gusto namin.

Actually sila kasi yung gusto namin charot.

Since, months na kami halos nagkakasama impossible naman na hindi pa nila alam mga gusto namin sa pagkain.

Kaming tatlo ang naiwan  dito sa table, nag uusap lang kami ay mali sila since nakikinig lang naman ako sa kanila pinag uusapan nila dahil may ine-enternalize talaga ako about sa hmmmm?

Nothing guys nevermind it. Malalaman niyo rin, wag kayo excited.

"Nakakainis, yung ex suitor ko sila na nung crush niya." Sabi ni Aubrey kaya napatingin agad ako sa kaniya para tingnan ang reaksyon nito.

"Madali kasi maka-pag-move on ang lalaki, alam mo yun nakakahanap kasi agad sila kasi syempre sila 'tong nanliligaw." Sabi ni Jasmine.

"Kaya nga, sana lahat gano'n kadali minsan talaga kahit ayaw mo na at sawa ka na hindi pa rin talaga maiwasan kainis." Sabi naman ni Aubrey.

"Come on, move on na be. Hello! Months na nakalipas ano bitter ka pa rin sa kaniya, maganda ka okay hindi lang siguro kayo ang para sa isa't isa." Sabi ni Jasmine.

"Alam ko naman na yun, pero basta wag na natin pag usapan yun naka-move on na ako kahit masakit pa rin wala na naman akong dahilan di ba para magpakatanga." Sabi ni Aubrey.

Sampalin ko kaya 'to si Aubrey. Buwisit na babae ang drama niya naka-move on na raw siya tapos magdadrama.

Gulo mo besh sakit mo sa bangs kahit wala akong bangs.

Busy ako sa pag iisip rito at makikipag usap sa isip ko ng marinig ko ang pangalan ko.

"Si Cous Iya, paano naka-move on ng walang sakit?" Sabi ni Aubrey.

"Cousin, hindi ganoon yun mahirap din for me kasi umasa rin ako na magiging kami at the end kaso wala rin kaya dapat hindi agad tayo nag-co-conclude ng ending ng story natin kasi super sakit umasa sa huli." Sabi ko.

"So true, dapat siguro ay go with the flow ka lang talaga, iyong tipong kung ano yung nandiyan maging handa ka, wag ka munang advance mag isip at gawin agad ang ending o happy yan kasi yung story natin wala sa libro na nababago o kaya naman sa palabas na scripted nasa real life tayo at-e-exist ang mga manloloko." Sabi ni Jasmine.

"Kaya nga, tama na yan pag uusap natin at baka kung saan pa mapunta sa topic gutom na rin talaga 'ko." Sabi ni Aubrey.

Hindi na kami nag-react pa kasi papunta na rito sila Joaquin siguro tama talaga si Jasmine dapat hindi natin agad ginagawan ng ending ang love story kasi hindi naman siya scripted at wala sa palabas nasa reality tayo ng full ng sakit at paghihirap so dapat go with the flow lang tayo, isa pa lahat ng pumapasok sa isang relationship ay dapat maging ready sa sakit at sa hirap syempre parte yun ng buhay ang kailangan mo lang maging matatag na humarap sa hamon sa atin ng diyos at ng tadhana. Atsaka, kakambal ng pagmamahal ang sakit.

Hindi na ako nag isip isip pa at nagsimula na kami kumain habang nag usap usap about sa mga school activity sawa na ako sa mga lovestory minsan pala nakakaumay rin kapag laging gano'n ang usapan niyo feel niyo? Okay fine.

Nakauwi na kaming lima sa kaniya kaniya namin na bahay.

Ako heto nagpapahinga na for what happen sa amin atsaka sa mga napag usapan namin nakakapagod na talaga at hindi ko na rin talaga kaya.

Hindi na rin ako nakakain ng gabihan kasi nabusog ako kanina para naman kasi ewan si Bailey ang dami ng inorder sa amin sino kaya hindi mabubusog kaya ayun pakiramdam namin matatae kami literal mga besh, ramdam niyo yan pero deadma na lang masarap naman kasi siya kaya katakawan ang nagwagi.

Atsaka minsan lang sila manlibre lubusin na natin ang libre naka ipon pa ako.

Nakahiga na ako ngayon dahil balak ko ng tapusin yung binabasa ko sa wattpad, naloloka na talaga ako nagkakaroon pa rin ako ng time sa hobbies ko ganito kapag addict ka sa wattpad.

Hindi mo na kayang pigilin, shabu ba 'to?

T4ngina! Hindi ako natutuwa.

Ilang minuto lang din ay natapos na ako dahil nga sa dinalaw na rin ako ng antok kaya naman tinapos ko na kaagad ang pagbabasa.

"Goodnight self, bukas na lang ulit." Sabi ko bago pinikit ang mata.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu