CHAPTER TWENTY-TWO

Start from the beginning
                                    

Okay, sana'y naman ako mag isa charot drama natin self.

Anyway, nag-pe-prepared na ako para sa pagpasok ko, kumain muna ako pagkatapos ay nagsimula naman ako magpunta sa kuwarto para kumuha ng tuwalya para maligo at ugali ko na yung pagkanta habang naliligo ako, alam kung karamihan gawain 'to, ako lang 'to wag na kayo mahiya sabihin 'to sa akin.

Makalipas ang isang oras ay natapos na ako, pababa na ako ng may marinig akong bumubusina kaya naman bumalik ako sa kuwarto para tingnan 'to gan'on na lang ang gulat ko ng makita ko siya sa harapan ng gate.

Anak ng anong ginagawa nito rito sa bahay pagkatapos ako hindi patulugin ng maayos pupunta rito.

Okay fine hindi na ako mag-de-deny gusto ko rin talaga may kasabay kahit naman naiinis ako sa kaniya ay bestfriend ko pa rin siya, pero syempre gagantihan ko pa rin siya pagkatapos ng ginawa niya sa akin kaya naman dali dali akong bumaba para puntahan siya sa labas.

Pagkalabas ko ay nakita ko siya na nakaupo sa motor habang nakangiti sa akin kaya agad ko 'tong tinarayan.

"Goodmorning friend," bati niya sa akin.

"Walang good sa morning ko," mataray kung sagot.

"Sorry na sa nangyari may sasabihin sana ako sa'yo kaso nga lang pinatayan mo agad ako, nakaka-hurt ka ng feeling eh." Sabi niya pa na akala mo ay nalugi dahil sa itsura nito.

"Tigilan mo ako, ano ba yung i-she-share mo? Importante ba yan kapag yan kalokohan lang wag mo na ituloy sasapakin talaga kita." Sabi ko sa kaniya.

"Kapag luch break ko na lang ikukuwento, tara na baka mahuli ka na sa klase mo." Sabi pa niya.

Umoo na ako naloloka ako sa taong 'to minsan talaga hindi ko maintindihan ang trip ni Bailey may time talaga na yung tipong ang bait niya. Oo, I admit mabait naman siya tapos gentleman kaso iba ibang level naman yun basta hirap niya ipaliwanag. Pasakay na dapat ako ng hawakan niya ako sa kamay kaya bigla akong napatingin sa kaniya at napatigil sa pagsakay.

"Sandali may ibibigay ako sa'yo." Sabi niya pagtapos ay may inabot siya sa aking red rose na may kasamang paper bag na medyo malaki.

Anong mayroon? Birthday ko ba? Wala akong kaalam alam na napalitan na pala yung birthday ko. Hmm...

"Ano mayroon? Hindi ko naman birthday 'di ba? Hmm... baka papahawak mo lang 'to sa akin." Sabi ko.

"Baliw ba ako para ipahawak ko lang sa'yo yan, sa'yo yan happy first monthsary of friendship." Sabi niya.

Napakunot bigla ako ng noo. Wow! Tanda niya pa yun samantalang ako, nakalimutan na yun. This is just an unexpected friendship after all.

"Huh!? Bakit may gano'n na ganap bago yun pauso ka na naman eh." Sabi ko.

"Appreciate it na lang, tara na wala man lang kahit thank you nag effort pa naman ako eh."

"Okay fine, baka magwala ka pa tapos maisipan mo pa 'tong bawiin sayang, kaya sige thanks for this and happy friendsary more months or even years para sa friendship natin na dalawa." Sabi ko pa.

Pagkatapos ng bigayan portion ay tumuloy na ako sa pagsakay sa motor niya kaya naman umalis na kami medyo naguguluhan pa rin ako sa kaniya, monthsary namin so... Meaning isang buwan na pala ang nakalipas.

Bakit hindi ko matandaan?

Ang bilis talaga ng panahon kaya hindi mo na namamalayan ang paglipas ng panahon.

Haist... Sana matapos na rin ako para makatulong na ako kay mama at hindi na siya mahirapan pa. Parang kailan lang nung nakilala ko siya month na rin pala ang lumipas well enjoy ko na lang siya, sabi nga nila ang buhay ine-enjoy yan kasi temporary lang ang buhay hindi natin alam kailan ang panahon na mawawala na tayo sa mundo kaya habang nandito pa tayo magpakasaya tayo yun nga ang ginawa ko ngayon.

Kararating lang namin ni Bailey sa school ng bigla na lang magchismisan yung mga students, iniisip ata nila na kami na ni Bailey kasi may dala akong bulaklak tapos magkasabay pa kami papasok, heto kasi si Bailey ihahatid pa ako sa room, samantalang kaya ko naman atsaka isa pa nakakahiya talaga. By the way, nakapag usap na kami ni Aubrey ang saya ko lang na wala na akong problema pa sa wakas nakarating na kami hindi ko na rin kasi kinaya maglakad na kasama siya, isa p nakakahiya talaga as in pagpunta roon kinuha ko na yung bigay niya sa akin naisip ko bigla na dapat pala sana nilagay ko na lang sa locker para hindi ako nahihirapan siguro later ko na ilalagay yun.

"Thank you rito, sige na salamat mamaya na ulit tayo magsama," sabi ko.

"Sige mamaya na lang,"

Tumango ako sa kaniya at pumasok na sa klase, nakita ko rin si Aubrey na nakangiti sa akin, broken kasi yan nakipaghiwalay na siya sa boyfriend este manliligaw lang pala niya.

Naawa nga ako kaso wala naman akong magagawa kung hindi samahan siya at the same time magbigay ng advice.

"Kahit tanga siya mahal na mahal ko yan, gano'n ang tunay na kaibigan." Bulong ko sa sarili ko.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now