CHAPTER TWENTY ONE

Começar do início
                                    

Pagkalabas ko ay nilapitan ko kaagad si Bailey at niyaya ng bumaba habang naglalakad ay nag uusap kami.

"Ano? Kumusta na kayo ni Aubrey ayos na ba kayo?"

"Hindi pa, hindi rin naman kami sira para ayusin." Biro ko kaya napailing siya.

"Failed, korni mo mag-joke." Sabi nito na halatang nang iinis.

"HAHAHAHAHA, edi wow." mataray kung sabi.

"Pero since supportive ako, sige tatawa ako sa joke mo mabenta rin." Sabi nito saka tumawa na halatang napipilitan.

"Sakalin kita, I hate you." Sabi ko.

Natawa na lang 'to sabay  akbay sa akin habang ako tahimik lang the usual naman na ginagawa niya 'to kaya sanay na talaga ako sa kaniya.

Nakasakay na naman ako ngayon sa motor niya mayaman sila pero naka-motor lang talaga siya. Na-realize ko bigla habang tumatagal mas nagiging close kami nila Joaquin at Bailey nawawala na yung hate ko sa mga ex ko na engineering okay I admit not all engineering student ay manloloko at mapanakit kasi si Bailey ang iniwan kaya hindi lahat siguro bilang lang sila, mali lang talaga ako ng napili na mamahalin noon at sa pagkakataon na 'to tama na ako ng pipiliin at last kami rin ang sa huli aral muna bago harot.

Nakarating kaming dalawa sa Jollibee hindi pa naman close atsaka treat niya na naman as usual, habang ako heto hindi nakakain ng lunch dahil problema ako plus wala rin ako sa mood kumain. Pansin ko rin yung madalas na panlilibre niya akin, nice! Natural ata pagiging galante niya.

Ako na ang naghanap ng mauupuan habang siya naman ang nag order. Nararamdaman ko na yung maraming order niya laging tumatama ang hula ko.

Nakarating na siya dala ang isang tray habang may tatlong crew na nagdala sa tatlong tray na naglalaman ng iba't ibang klase ng pagkain na inorder nito, napanganga na lang ako habang tinitingnan 'to na isa isang binababa ang laman ng tray, gagi mauubos ba namin ang mga 'to baka masuka o kaya matae kami kapag pinilit namin ubusin yung ganyan kadami na mga pagkain.

"Thank you mga pre," sabi nito sa tatlong lalaki na crew na may kasama na pagtapik sa balikat.

"Bakit ba ang dami mong inorder samantalang dalawa lang tayo, puwera na lang kung may darating pa bukod sa ating dalawa." Sabi ko pagkaalis ng mga crew.

"Alam kung dalawa tayo atsaka walang darating sadyang pinadami ko kasi hindi ka kumain kanina kahit mag-deny ka na busog ka gutom ka pa rin ganoon kasi ang mga babae di ba?" Sabi pa niya.

Umupo na siya sa harapan ko habang ako ay napailing na lang sa kaniya.

"Puwede na 'to i-content as mukbang, magiging title buying everything in the menu nahiya ka pa kasi bilhin yung buong nasa menu." Sabi ko habang pumipili ng puwede kainin.

Alin ba ang uunahin ko?

Kapag hindi 'to naubos sayang naman puwede naman siguro i-take out ko.

Ayun! Tama ka self, talino mo talaga.

"Hindi nila ako katulad gaya mo pa ako sa mga ex mo," dugtong ko pa saka nag umpisa kumain ng spaghetti.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora