CHAPTER TWENTY

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagdadasal ko saka dumeretsyo papunta sa may Park mayroon ako naabutan sa kalsada na mga nag iinuman hindi ko na lang pinapansin pa dahil may pagkabastos sila.

Ilang minuto lang din ay nakarating ako sa Park iilan na lang ang mga tao at yung iba couple pa.

Tse ang sakit niyo sa mata atsaka maghihiwalay rin kayo sa huli charot lang stay strong sa kanila.

Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagpatuloy na ako sa paglalakad 'ko, pagdating sa may playground bigla na lang ako kinakabahan hindi ko rin alam paglapit ko roon ay nakita ko si Rose at Bailey na nag uusap so... ganoon hindi ko na pala kailangan sabihin saan ako galing kasi alam ko na yung sagot, magkasama na pala sila.

Edi kayo na magkasama dahil curious ako, oo curious lang talaga ako at wala rin akong balak istorbohin masaya sila magiging kontrabida pa ba ako sa eksena nila.

Nagtago ako sa puno banda sa likod nila for sure hindi nila ako makikita at para hindi ako mabuking nag-silent ako ng phone ko kasi alam ni Bailey ang ringtone ng cellphone ko.

"Alam mo gusto ko siya for you, she's nice after all tapos she look strong enough to handle a relationship right?" Sabi ni Rose.

"I admit it naman, alam mo na everytime nakikita ko siya masaya na 'ko, siya rin kasi nagbibigay ng inspirasyon sa akin sa araw araw sana kami na para akin na siya." Sabi ni Bailey.

Sino? Ang pinag uusapan nila hindi ako maka-relate infairness paano ko kaya malalaman sino yun, okay try ko mag-text kung nag-re-reply siya.

Sasapakin ko siya kapag hindi siya nag-reply akala mo may takas ka sa 'kin lol.

To: Bailey

Sorryyyyy, ngayon lang nakapag-text nagpapahinga na ako ngayon.

Then I send it, tiningnan ko siya kinuha niya ang phone niya at halata naman na nag-re-reply 'to.

From: Bailey

Good, hindi pa ako nakakauwi may kausap pa ako na kaibigan ko malapit lang sa inyo, puntahan kita sa inyo.

Reply niya, infairness loyal siya okay wala na dapat pa ako gawin dito at ayos lang siya hindi ko na kailangan pa na mag alala safe na siya pauwi na dapat ako ng bigla na lang may tumama na bola sa ulo ko kaya naman nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako na sumasakit ang ulo ko, jusko ano ba nangyari bakit ang sakit? I will kill that person na nakatama sa ulo ko ng bola na yun kakainis naman kasi paggising ko nagulat ako anong ginagawa ko rito kuwarto ng lalaki ata siya kasi amoy lalaki don't tell me na-rape ako no way!

"TULONNNNNNGGGGGGGGGG MGA KAPITBAHAYYYYYYY." Sigaw ko.

Nagulat na lang ako ng may pumasok sa loob ng kuwarto at tinakpan ang bibig ko kaya hindi ako na kapag salita anong nangyari sa akin juskoo may pangarap pa po ako Lord.

"Can you please don't shout, tinulungan na kita tapos sumisigaw ka pa riyan wala ka talagang utang na loob." Sabi ni kuya.

"Okay, malay ko ba baka na kidnap ako o kaya na-rape mas maganda na ang siguro iba na ang panahon ngayon, anyway anong oras na ba?" Sabi ko.

"Alas tres ang aga aga pa miss," sabi nito na halatang inaantok pa.

"WHATT!? HINAHANAP NA AKO NG MAMA KO SA BAHAY NAG AALALA NA SILA SA AKIN UUWI NA AKO." Sabi ko sabay tayo.

"Kumalma ka hindi ba uso sa'yo ang hinahan ang boses nasa may condo tayo puwede, nagsabi na ako sa mama mo na rito ka para hindi na mag alala sinabi ko sa kaniya natulog ka sa kaibigan mo para hindi mag alala sa'yo."

"Kasalan 'to nung nakatama ng bola sa ulo ko, buwisit na yan ang sakit kaya. Paano ka hindi mahihilo akala ko pa naman oras ko na ngayon pero anyway salamat." Sabi ko

"Okay, bago yan matutulog muna ako may pasok ka ba mamaya?" Tanong nito.

"Yes, 9am pa naman pero 6 uuwi na ako kasi basta may aayusin pa ako na importante wag mo na ako ihatid ako na lang uuwi sa bahay." Sabi ko.

"No, ihahatid kita to make sure that your okay, anyway may tumawag sa'yo si Bailey boyfriend mo?" Tanong niya.

Chismoso, kalalaking tao eh. Infairness nag aalala si Bailey sa akin sana lahat charot.

"Chismoso mo, kaibigan ko lang yun go na matulog ka na wag ka na magtaka pag wala na ako meaning nakauwi na ako sa amin." Sabi ko.

"Sige ikaw bahala, ayaw na kita pilitin sa bagay na ayaw mo. Sige na matutulog na ulit ako okay ka na ba?"

"Yeah, sige salamat."

Ngumiti siya sa akin ako naman ngumiti na lang din paglabas niya ay umupo na ako ng maayos sa kama niya I miss my mama.

Naisipan ko tawagan si Bailey feeling ko magtatampo siya sa 'kin, awtsss sana hindi naman sa gano'n ayoko ng may kaaway o kahit katampuhan lang.

Dinial ko ang number niya tatlong ring pa lang ay sinagot niya hindi pa ako sumagot kaya siya na ang nauna.

Hello, are you okay? Nag alala ako sa'yo ng sobra nasaan ka na ba ngayon? Nakauwi ka na ba?

Hindi pa rin ako nagsasalita halata rito ang sobrang pag aalala.

Uy? Okay ka lang magsalita ka naman pinag aalala mo ako Iya eh.

Hello, sorry na pag alala pa ata kita, ayos na ako ngayon makikita mo ako mamaya wag ka mag alala.

Good, akala ko ano na nangyari sa'yo ano nasaan ka na ba ngayon?

Nasa kaibigan ko lang, wag ka na mag alala ayos na ako at walang masama na nangyari sa akin salamat sa'yo.

Good, sige na safe ka na pala magkita tayo mamaya dahil mag uusap tayo.

Oo, sige.

Bye, mahal na mahal kita

Lol, I hate you too.

Pinatay ko na yung tawag niya at natulog ulit nag alarm na lang ako para mamaya makagising at makauwi ng maaga.

"Buti na lang hindi ako madali maniwala, para sa akin mas gusto ko yung action kaysa sa words."

"Nakaka-stress ka Bailey," sabi ko bago nag umpisa sa pagtulog.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon