Pagkatapos ko sa pagpapahinga ay nag ayos na 'ko para makatulog na rin habang nag aayos ay bigla kung naalala yung nangyari sa akin ngayon masyado na akong naguguluhan pero iisa lang ang nasa isip ko crush ko si Bailey kasi ideal talaga ang ugali niya nakakainlove tuloy siya.

Humiga na ako sa kama at pinatay ang cellphone ko para wala ng tumawag sa akin para hindi rin naaabala ang pagtulog ko. Nagsimula na akong ipikit ang mata ko.


Kasalukuyan akong papasok sa unang klase ko ng makasabay ko si Joaquin siya yung destiny ni Jasmine actually hindi ko dapat makakasabay kaso nakabanggaan ko kaya ang ending naging magkasabay kami papasok.

I already know him famous din kasi eh.

"Kamusta na pala kayo after ng nangyari sa inyo kahapon?" Tanong niya sa akin habang magkasabay kaming naglalakad.

"Ayos na kami, hindi lang siguro talaga kinaya ng katawan namin kahapon kaya nawalan na talaga ng malay. Atsaka thank you sa pagdala niyo sa amin sa clinic." Sabi ko.

"Wala yun. Welcome as always, baka kami kasi ang night in shining armor niyo." Sabi ni Joaquin.

Bigla na lang ako natawa sa sinabi niya seriously naniniwala siya sa ganoon na hindi halata sa kaniya.

"Bakit ka tumatawa? Wala naman nakakatawa sa sinabi ko di ba?" Sabi niya.

"Okay, natawa ako sa night in shining armor ang korni lang kasi pakinggan kapag sa mga boys ko naririnig." Sabi ko.

"Grabe siya so... meaning hindi na kami puwede magsabi ng ganoon pareho lang naman yun." Sabi pa niya sa akin.

"Baliw ka, sige na rito na pala ako kita na lang tayo." Sabi ko.

"Sige, ingat ka na lang." Sabi niya.

Nag-wave na lang ako at naglakad na papunta sa una kung klase, wala na naman akong kausap nito ewan ko ba kasi naman si Aubrey.

Sasapakin ko na talaga siya kapag ako nainis sa kaniya bahala siya hindi ko talaga siya papansinin kahit magmakaawa pa siya sa harapan ko iniiwan ako kapag may boyfriend kapag wala yung jowa sa akin din babagsak bahala na siya sa sarili niya.

Hindi na rin ako tumabi sa kaniya nakangiti pa siya pagkapasok ko akala niya kasi roon ako uupo kasi bigla na lang siya nalungkot kasi hindi ako roon umupo hindi laging nandyan ang kaibigan mo minsan nasasaktan din kami sana nararamdaman mo yun tapos kapag magkasama kayo ang usapan niyo puro sa kanilang dalawa.

Aba! Nakakasawa kaya ang sakit sa ears mga besh.

Nakita ko sa peripheral vision ko na palapit siya sa akin kaya naman kinuha ko ang earphone ko at cellphone ko at kunwari nagpapatugtog, balak ko lang talaga pakinggan anong sasabihin niya sa akin. Ayun nga tama nga ako umupo siya sa harap ko ako naman ay deadma lang wag ka palaging magpapauto.

Taliyah... tama na yng minsan ka naging option wag naman sana araw araw na option ka minsan ka na naging option wag naman sana sa pangalawang pagkakataon.

"Be, bakit hindi ka na sa tabi ko umuupo nakakatampo ka naman." Sabi niya.

Naririnig ko pero hindi ko pinapansin para naman magsawa siya at maisipan na umalis na lang.

"Uy, para naman tanga. Ano ba kasi ang problema mo? Uso naman kasi magsabi." Sabi pa niya.

Taliyah come on focus ka lang kaya mo yan.

Nagulat ako ng tanggalin niya yung isa kung earphone habang yung itsura ko ay ganoon pa rin ayoko tumawa dahil hindi magiging makatotohan ang drama ko mga besh.

"Ano ba yun, may kailangan ka ba?" Maang maangan kung tanong.

"May problema ba tayo?" Sabi niya.

"Huh!?" Sabi ko na kunwari gulat.

"Kahapon ka pa hindi namamansin, alam ko naman na may sakit ka kaya hinayahan ko na lang pero ngayon hindi na kita maintindihan bigla bigla ka na lang umiiwas wala naman akong maalala na nag away tayo o magkaaway tayo." Sabi pa niya.

"Ano pinagsasabi mo riyan, nananahimik ako rito bigla ka pupunta para awayin ako rito. Puwede ba bumalik ka na sa upuan mo wala akong panahon makipag away please lang, nakikiusap ako Aubrey isa pa sa unahan ka naman talaga umuupo habang ako rito sa likod anong issue mo?" Sabi ko pa sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo ang gulo mo kausap bahala ka nga sa buhay mo hahayaan na kita sa desisyon mo." Sabi niya.

Padabog 'tong umalis kaya naman hindi ko na lang pinansin pa. Nilagay ko sa bag ang phone at cellphone ko at maayos na umupo. Hindi naman sa galit ka or what pero hindi naman masama na minsan kailangan natin sila bigyan ng lesson, hindi kasi puwede yung ginawa ka lang option dahil ikaw lang yung nandyan. Paano kapag nandyan ka pero hindi ikaw yung pinili masakit naman 'yon. Gusto ko lang ma-realize niya na may kaibigan pa siya kailangan may time kami hindi yung lalapitan ka dahil wala yung bebe.

Mali yun hindi tama yung gano'n klase ng mindset.

Napabuntong hininga na lang ako sa frustration na naramdaman ko, pagkapasok ng prof ay tinuon kung atensyon ko sa pakikinig.

Buong morning class ko ay wala ako sa sarili dahil iniisip ko pa rin hanggang ngayon si Aubrey alam ko na galit na galit siya sa akin after ng ginawa ko sa kaniya ayoko naman talaga maging harsh sa kaniya pero wala ganoon yung tingin kung iniisip niya wala na akong magagawa kung hindi ang panindigan ang naumpisahan ko na bahala na sa paglipas din naman ng panahon ay magkakaayos na kami mauunawan ko rin yung dahilan niya sana valid yun. Ilang minuto lang ay nag-bell na sign tapos na ang morning class namin at oras na ng luch break,  nakita ko si Aubrey na nagmamadali magligpit pagkatapos niya ay umalis na rin siya samantalang ako naman ay nag ayos na rin ng gamit at hindi na lang siya pinansin pa.

Focus Taliyah kayanin mo yan.

Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas na ako at bumaba papunta sa canteen.

Nagutom ako kanina kakaisip sa naramdaman ni Aubrey wag ko na isipin muna yun hindi rin naman niya ako matitiis ng isang 'yon.

Isa pa magkakaayos din kami pero ang kailangan ko ngayon ay ang mabusog dahil mahaba haba pa ang klase ko sa afternoon class.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now