Kaya naman naglakad na ako palabas ng bigla na lang ako makabangga ng hindi ko alam kung kasalanan ko o kasalanan niya pagkatingin ko yung kasama pala ni Bailey.

"ANOOOO BA TATANGA TANGA KA HINDI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!" Sigaw niya.

Bigla na lang napatingin sa amin yung mga customer sa coffee shop nakakahiya pa naman at nakasuot ako ng school uniform pero hindi ko yun inisip pa, bahala na hindi ako puwedeng tumunganga lang dito kailagan ko depensahan ang sarili ko.

"So... Sinisisi mo ako na ako yung may kasalanan pero hindi mo alam na mas tanga ka kasi nakita mo na nga hindi ka pa umiwas." Inis kung singhal.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihan ako ng tanga, samantalang ikaw naman ang mas tanga sa ating dalawa akala mo naman maganda ka." Sabi niya.

"Pareho lang tayo sadyang mas lamang lang ako sa'yo kasi hindi ako maganda mas maganda ako sa'yo."

"Ang kapal ng mukha mo!? How dare you para sabihin yan sa akin ng harap harapan." Sabi niya.

Sasampalin niya na dapat ako ng hawakan ni Bailey ang kamay niya kaya naman hindi tumama yung kamay niya sa mukha ko hindi rin naman ako papayag na madampihan ng kamay niya ang mukha ko baka mag-ka-virus pa 'to.

"Kailangan ko na umalis nasisira ang pagiging edukado ko dahil sa'yo, you're so immature simpleng bagay pinapalaki mo." Sabi ko bago ko sila talikuran.

Lumabas na ako sa Coffe shop at dumeretsyo na papasok sa unang klase ko kahit papaano pala hindi ako late buti na lang talaga.

Nandito ako sa unang klase ko habang lumilipad ang utak ko at hindi na na-absorb ng utak ko yung sinasabi ng prof dahil iniisip ko pa rin yung nangyari sa amin nung babae na yun naiinis pa rin ako hanggang ngayon.

Hindi ko na namalayan na nakatingin na pala sa akin si Ms. Sy ganoon din ang mga kaklase ko.

Masyado ba akong halata? Hala! Nakakahiya.

"Ms. Agustin is there a problem? Bakit tila wala ka sa sarili mo." Sabi sa akin ni Ms. Sy

Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"I'm sorry Ms. Sy may iniisip lang po talaga ako puwede po ba ako mag excuse." Sabi ko.

"Okay, pakiayos ang sarili mo para kapag bumalik ka maging maayos ka na Ms. Agustin." Halata sa tono nito ang pag aalala pero nagkibit balikat lang ako.

Ngumiti ako sa kaniya bilang sagot at tumayo na para lumabas sa may room sabay lakad papunta sa cr at pagkapasok ko ay humarap agad ako sa salamin.

"ANO BA TALIYAH OKAY KA NAMAN DI BA? ANO PA BA ANG GINAGAWA MO SA BUHAY MO HINDI KA PA RIN BA NAKAKALIMOT HINDI KA PA BA NAKAKA-MOVE ON 2 YEARS NA YUN ANO PA BA YUNG SINASABI MO NA PAST IS PAST KUNG HANGGANG NGAYON APEKTADO KA PA RIN SA NAKARAAN IWANAN MO NA ANG PAST MO SA PAST AT BAGUHIN MO ANG SARILI MO MINSAN KA NA NASAKTAN WAG NAMAN SANA SA PAGKAKATAON 'TO DAHIL ANG KAILANGAN MO NGAYON AY HINTAYIN YUNG TAO NA DESERVING SA 'YO AT SA PAGMAMAHAL MO."

Sabi ko sa sarili ko kailangan ko pa kalmahin ang sarili ko, kailangan ko magpahinga physically at mentally ilang minuto lang ang ginugol ko at inayos ko ng aking sarili pagkatapos ay lumabas na ulit ako at pumunta na sa room, naabutan ko pa ang Prof na nag-di-discuss kaya naman nakinig na lang ako sa discussion at iniwasan muna ang masyadong pag iisip sa problema na kinakaharap ko.

Natapos ang unang klase ko na naging okay ang daloy nasaulo ko rin ang mga topic namin at sa awa ng Diyos nakaraos din kaso palabas na dapat sana ako ng tingnan ako ni Ms. Sy kaya napatingin ako rito.

"Ms. Agustin please follow me," Sabi niya sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at nagsimula na akong maglakad palabas kaya naabutan ko si Ms. Sy na nakatayo sa may gilid kaya lumapit ako palapit dito.

"Anong problema Ms.Agustin related ba yan sa topic ko?" Mahinahon nitong tanong.

"Hindi po subject niyo Miss, hmmm... Past problem lang po sa relationship ko." Nahihiya kung sabi.

Nakakahiya man sabihin pero wala akong magawa kung hindi ang sabihin ang totoong rason.

"You are matured enough kaya alam ko na malalagpasan mo yan, sana lang ay malinawan ka sa mga bagay bagay. Tandaan mo na kapag nagmamahal ka hindi lang dapat ang puso yung susundin mo dapat pati yung isip mo kumbaga balance dapat hindi lang one side at naniniwala akong makakayanan mo yan basta tiwala lang." Sabi niya.

"Kaya nga po Ms. Sy, puwede po ba ako humingi ng advice para po bang friendly advice sana kung okay lang po sa inyo." Nahihiyang tanong ko.

"Sure you can approach me, anyway I have to go my next class pa ako see you on thursday." Sabi niya

"Thank you Ms. Sy,"

Ngumiti lang siya sa akin samantalang ako naman ay bumalik papasok sa loob para kunin ang mga gamit ko para sa susunod kung klase habang dala ang mga gamit ko ay naglakad na ako papunta sa susunod kung klase.

Tandaan mo Taliyah everything will be okay, tandaan mo yan tiwala lang at makakaya mo yan at malalagpasan mo 'to self.

Laban lang tayo self.

"Magiging okay rin ako balang araw, tiwala lang malalagpasan natin 'to self."

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now