CHAPTER EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakalimutan ko na yung mga nangyari noon atsaka nakapagpatawad na ako Christine napatawad na kita kaya ikaw patawarin mo na rin ang sarili mo." Sabi ko.

"Salamat, puwede pa naman din tayong maging magkaibigan after all, kahit pangit yung ganap sa past natin." Iniabot niya ang kamay nito sa akin.

Nakipag-shake hands ako sa kaniya.

"Friends,"

Nagkumustahan lang kami at nabalitaan ko na maaga siya nabuntis 17 pa lang siya nabuntis na pero iniwan din siya nung nakabuntis sa kaniya kaya ngayon 3rd year pa lang siya 19 na siya ngayon samantalang yung anak niya ay 2 years old na rin.

"Kamusta lovelife?" Tanong niya sa akin.

"Wala pa, after ng break up namin ni Mark 2 years na akong single." Sagot ko.

"Baka may pag asa sa pangalawang pagkakataon ang story ng pagmamahalan niyo." Sagot niya.

"Wala na be, wag na tayo umasa sa second chance. Anyway ikaw kamusta ka na ngayon after ng mga pinagdaanan mo?"

"Nagsisi ako pero may natutunan din naman akong aral, 'yon siguro ang makuntento tayo sa kung anong mayroon tayo. Anyway, nakalimutan ko na yun nagsisimula na ulit ako para sa panibagong buhay ko."

Natuwa ako sa kaniya ilang minuto lang din ay nauna na ako umuwi marami pa pala akong kailangan gawin at tapusin ngayon, kaya naman naghanap na ako ng masasakyan pauwi sa amin.

Nandito ako ngayon sa may sala at binabasa yung module na binigay sa amin na talaga naman ay ubod ng haba kaya naman balak ko na 'to simulan pero natigil ako ng mag-ring ang cellphone ko at dahil alam ko naman 'to sagutin kahit walang tinginan ay sinagot ko na lang.

Hello

Kakauwi ko lang ngayon may dinaanan pa kasi ako.

Buti nakauwi ka ng safe, nakakain ka na ba?

Hindi pa mamaya papahinga pa ako ikaw ba?

Nakakatamad hindi pa rin, ang dami ko kasi kailangan tapusin.

Pahinga ka muna, atsaka kumain ka na kaya ang payat mo.

Harsh mo akala mo sa'yo hindi mapayat

Destiny tayo.

Ulo mo destiny, sige na nga bye na marami pa akong ginagawa.

Sige na kumain ka riyan ng mabuti, bye.

Ikaw rin bye.

Bye.

Nilapag ko ng cellphone ko ng mapansin na pinatay niya 'to kaya napagdesisyunan ko muna ang kumain kaya tumayo na ako kahit tinatamad akong kumain ay naglakad na 'ko papunta sa kusina para kumain dahil ang mga kasama ko ay nagpapahinga na ako na lang mag isa ang hindi nakakakain dahil naging busy pa.

Nagsisimula na ako sa pagkain habang nag-me-memorize ako para sa isa kung subject.

Makalipas ang kalahating oras ay natapos na ako sa pagkain kaya naman inayos ko yung pinagkainan ko. Makalipas ang ilang minuto lang ay natapos na ako kaya naglakad na ako paalis para ituloy ang ginagawa ko.

Kasalukuyang 11 pm na kaya napagdesisyunan kung sa kuwarto ko na lang ituloy para kapag inantok na 'ko at balakin ko na matulog ay makakatulog agad ako ililigpit ko lang mga gamit ko.

Naramdaman ko ang antok nung mag ala una kaya naman inumpisahan ko ng iligpit ang mga gamit ko.

"Goodnight self wala naman kasi magsasabi sa'yo bukod sa sarili mo," sabi ko sa sarili ko.

"Sana all may jowa," iyon ang huling sinabi ko bago ipikit ang mata.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon