"Ate kapag ba na-inlove ka magbabago yung pananaw mo sa buhay o kaya sa love?" Tanong sa akin ni Nathalie.

Nagbabanlaw na 'ko ngayon kaya naman tumingin ako sandali para makita ang ginagawa niya kumakain siya ng chichirya.

Jusme hindi pa nabusog sa kinain namin, takaw talaga. Pagkatapos ko ay tumingin ako sandali at bumalik sa ginagawa ko.

Hindi yan nandito para tulungan ako, nandito siya para tumambay sabay food trip samantalang kakain lang din namin.

Anaconda ata alaga ng isang 'to. Walang kabusugan.

"Syempre oo, kasi kapag ikaw na yung naka-experience magbabago na yung pananaw mo tungkol doon tingnan mo na lang ako." Sabi ko sa kaniya habang nagbabanlaw pa rin.

"Ahh... oo yung sabi mo forever mo na pero hindi pala tapos ang akala mo kapag nakapagpalit ka ng bago masaya na tapos kayo na pero katulad sa mga nauna laging ang ending hindi maganda."

"Naalala mo pa pala yun? Magaling ka pala sa memorization mag-artista ka kaya sis." Pabiro kung sabi.

"Wag na ate stress lang aabutin ko sa ganoon eh, mapupuyat pa ako baka pumangit pa ako at mapadali pa ang buhay ko." Sabi nito kaya napailing na lang ako.

"Masyado ka naman advance mag isip sis, maaga ka talaga mawawala sa ginagawa mo riyan. Anyway may boyfriend ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.

Napatingin ako rito sandali para makita ang reaksyon nito.

"Wala pa naman siguro kapag grade 11 na ako mag-bo-boyfriend para naman medyo matured na ako ng ka-onti sa ngayon ay wag na muna kasi basta." Sabi pa nito with matching pailing iling kaya natawa ako sa kaniya.

Tapos na ako sa paghuhugas kaya naman nagpunas na ako ng kamay at humarap na sa kaniya ng tuluyan.

"Naks sis, aral is life baka ikaw na maging valedictorian niyan."

"Si Nathalia ate ang valedictorian tapos salutatorian si Lawrence nagkakagusto kay bal tapos ako sa first honorable mas matalino talaga si bal sa akin." Sabi niya habang nakapangalumbaba.

"Baliw ka talaga sadyang lamang lang siya pero matalino ka rin, atsaka isa pa maganda ka rin tandaan mo yan walang panget sa pamilya ng Agustin." Sabi ko sa kaniya pampagaan ng kalooban.

"Ate naman masyado lumalaki ulo ko sa'yo, matulog na tayo ate kasi maaga pa tayo mamimili ng mga gamit natin bukas para sa unang pasukan."

"Baka naman mabago yun kapag nag-moving up kayo tapos yung ranking niyo ay magbago at ikaw na yung maging salutatorian. May panahon pa para bumawi."

Umiling na lang siya at nagpaalam ng aakayat na sa kuwarto niya habang ako naman ay sinarado nang pinto ng maayos at mga bintana at ng masiguro na sarado na 'to saka ako umakyat ng kuwarto ko para maghanap ng pamalit. Pagkahanap ko ng masusuot ay pumunta na ako sa banyo para maghugas.

Ilang minuto lang din natapos na ako kaya naman humiga na ako sa aking kama at nag umpisa na matulog.

Kinabukasan pagkatapos ko kumain ng almusal ay umakyat ako ulit sa kuwarto ko para simulan basahin yung ibang books na binili sa akin.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon