Chapter 11: Red vs. Yohann

Start from the beginning
                                    

"Eh, kasi naman, sa 'kin ka naman talaga sasabay 'di ba?" Yohann

"Sinabi na ngang sa'kin." Red

"Hyst! Enough, okay? Ganito nalang, para walang away, 'yong kotse ko nalang ang gamitin nating tatlo. Wag na kayong umangal, ah."

"Wait lang ipapalabas ko sa driver."

Pumasok na ako sa loob at sinabi sa driver namin na ilabas ang kotse ko.

Nang mailabas na 'yon ay...

"Ako na'ng magd-drive." sabay na naman na sambit nila at sabay din nilang hinawakan ang door ng driver seat.

*Sigh*

Ano bang problema ng dalawang 'to?

"Ako nalang." Red sabay hila para buksan ang pinto ng driver seat.

"Ako na." Yohann

"Ako na nga sinabi!" Red

"Ang sabi ko ako na!" Yohann

"Ano ba kayong dalawa?! Kanina pa kayo, ah! Do'n na nga kayo sa back seat. Ako nalang ang magd-drive. Alis nga kayo dyan! Tabi!"

Maguunahan pa sana silang buksan ang pinto ng shotgun seat pero...

"Oh, maguunahan na naman kayo. Kasasabi ko lang, right? Do'n kayo sa backseat!"

Parehas pa silang napa-buntong hininga at walang nagawa kundi ang sumakay do'n.

At alam nyo ba? Nang magkalapit sila kanina pagkapasok sa backseat eh, nagsisikuhan pa sila.

*Sigh*

Napailing nalang ako.
.
.
.
.
.
________________

*CHURCH*

Magkakasigbay kaming lahat sa isang mahabang upuan dito habang nakikinig ng misa.

Ganito ang pwesto nmin

(Red - Sandra -Yohann- Liam- Jhoann- Faye- Ian)

Itong dalawa ni Red at Yohann, imbis na makinig ng misa ay walang ginawa kundi ang matulog hanggang matapos ang misa.

Hayy, nako.
.
.
.
.
.
__________

Habang naglalakad kami papunta sa mga kotse namin ay biglang lumapit sakin si Faye at Jhoann.

"Hoy, babae." Faye

"Oh?"

"Haba ng hair mo, ah."jhoann

"Pinagsasasabi mo?"

"Hindi mo ba nahahalata?" Faye

"Ang ano?"

"Mukhang parehas may gusto sa 'yo 'yong dalawa. Tingnan mo nga oh, kanina ka pa pinagaagawan. I don't think na trip lang ni Yohann ang pangliligaw niya sa 'yo." Jhoann

Bahagya pa silang tumawa.

"Tsk, tumigil nga kayo. Friend ko lang si Red at saka ano bang sinasabi mo d'yan na hindi 'yon trip ni Yohann? Eh, hindi nga ako type ng lalaking 'yan eh, at gano'n din ako."

"Sus, if hindi ka niya type, bakit gano'n nalang siyang makipagtalo kay Red?" Faye

"Aba, malay ko. Alam niyo naman na malakas ang trip no'n, eh. Tara na nga umalis na tayo."

Ngayon naman ay pupunta kami ng mall. Napag-desisyonan namin na do'n nalang kami kakain.

Magsho-shopping na rin kami nila Faye.

Makalipas ang ilang minuto ay nandito na kami.

Dumeretso nalang sa isang korean resto dito malapit sa may entrance since nagugutom na rin kami.

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now