chapter 1: First meet

Start from the beginning
                                    

“Hayop ka! Talaga bang sinusubukan mo ako!?” Sambit ko at agad na kinwelyuhan siya.

“Yohann, tama na 'yan--” Ian

“Okay, deal! 'yon lang naman ang gusto mong marinig, hindi ba?” sambit ni Liam dahilan para mapatingin kami sa kan'ya.

“What? Liam, sigurado ka ba? Ni hindi mo manlang hiningi ang opinion ni Yohann.” Ian

“Hahahahaha! Liam, Liam, 'yan naman ang gusto ko sa 'yo eh, madali kang kausap.”

“Paano ba 'yan, Yohann? Good luck na lang, magkikita pa tayong muli pag-dating ng araw na mangyari ang pinakahihintay ko. Hahahahaha!” baling pa niya sa 'kin at tinapik ang balikat ko bago sumakay sa kotse niya at umalis kasama ang mga tauhan niya.

“Aish! Darn it!” singhal ko kasabay ng pag-sipa at pag-hampas ko sa kotse ko.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko.

“Bro, relax lang.” Liam

“Paano ako magre-relax? Pinagmu-mukha nila tayong uto-uto! Hindi dapat kayo basta-basta pumayag sa gusto nila!”

“Let's just do the deal, bro. Wala na tayong magagawa. Marami silang nalalaman tungkol sa totoong identity natin, kung hindi natin gagawin ang dare, tayo ang mapapahamak sa buong G.W.” Ian

























CASSANDRA's POV

(*toot,toot,toot,toot*-alarm's sound)

GOOD MORNING WORLD! Hahaha!

Ang ganda ng gising ko. Excited na kasi akong pumasok dahil tapos na ang vacation and... Makikita ko na ang mga kaibigan ko! Yehey! Okay, sabi ko nga masyado akong hyper ngayon eh.

Bumangon na ako at ginawa ang daily routine ko, ano pa nga ba?

Matapos 'yon ay agad na rin akong bumaba at pumunta sa dining area.

“Good morning kuya Nate, kuya Kean!” masiglang bati ko sa kanila.

“Good morning, lil' sis.” bati rin nila sa 'kin.

Si kuya Nate ang panganay sa 'ming tatlo.

“Kumain kana muna bago pumasok.” sambit ni kuya Kean.

“Ah, hindi na kuya. Sa school nalang ako kakain. Sige na, bye byeee!” sambit ko sabay kiss sa pisngi nilang dalawa.

Hindi ko na sila inantay pang magsalita at tuluyan ng umalis.

Wala nga pala ang parents namin, nasa ibang bansa dahil sa business.

__________
-SCHOOL-

Pagkarating ko sa school ay nakita ko na agad ang dalawang kaibigan ko.

“Sandra!” sigaw nila habang papunta sa 'kin at kumakaway.

Agad nila akong niyakap ng makalapit sila sa 'kin.

“Hi! I miss you!”

“We miss you too, girl!” sambit nila.

Sila nga pala si Faye at Jhoann. Bestfriends ko na sila since first year high school.

“Kamusta ang vacation? Matagal-tagal din tayong hindi nakapagkita, ah.”

“Ayon, it's kinda boring kasi hindi ko kayo nakakasama no'ng nasa states ako nitong vacation. At saka isa pa, wala akong ginawa kundi ang mag-shopping at makipag-chikahan sa mga relatives namin do'n.” Jhoann

“Same, girl. Since nag-start ang vacation, hindi na ulit tayo nakapagkita-kita. Puro family gatherings lang ang madalas kong puntahan no'ng vacation at hindi ko gusto 'yon! Like-- nakakainis kasi nakakaumay magpakilala sa mga relatives mo na nakikita mo na nga every year but still, hindi ka pa rin nila matandaan. I was like-- b*tch?, required ba na every year ako nagpapakilala sa kanila? Then, they will just end up na hindi nila 'ko kilala?” Faye

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now