CHAPTER 2

2.9K 37 0
                                    

IVAN POV

Pinilit kong tapusin ang lahat ng trabaho ko. Aftet 6 years na pagtatrabaho nakakapagod din. Isa pa namimis ko na si Dea. Sa phone lang kami nagkakausap. At base sa mga kwento niya ang laki na ng pinagbago niya. Nang makahanap ako ng tamang pagkakataon nagpasya akong magbakasyon sa canada. Hindi ko pinaalam sa kanya. Surprise nga eh.

Pagkalapag ng eroplanong sinakyan ko. Nagmamadali akong bumaba. Umupo muna ako sa waiting area at dinial ang numero niya. Nagulat ako ng hindi niya makilala ang boses ko. Ilang minito siyang hindi nagsalita. Mayamaya humingi na siya ng sorry. Haha. Hindi kasi tinitingnan kong sinong tumatawag eh. Sinabi ko sa kanya na kung pwede sunduin niya ako. Ang totoo magpapasundo talaga ako. Haha. Ilang minuto palang ang nakakalipas naiinip na ako. Ilang sandali pa may naramdaman akong nagtakip sa mga mata ko. Napangiti ako. Kilala ko to. Yung mga palad niya. Yung amoy niya. Tama na nga baka saan pa mapunta. Tinanggal ko na yung kamay niya. Medyo nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Napailing nalang ako. Tinulak ko siya ng kaunti hindi na nahiya ang babaeng to. Sinamaan niya ako ng tingin bago nagsalita.

"Tss. Pasalamat ka nga namis pa kita" sabi pa niya. Sus. Nagtampo naman. Inakbayan ko siya. Hinanap ko yung kotse niya. Habang naglalakad kami sinabi kong nagugutom na ako. Namimis ko na kasi yung luto niya. Kaya lang pagod daw siya. Kaya kumain nalang kami sa labas. Nangako naman siyang ipagluluto niya ako kaya okay narin.

Nang makarating na kami sa unit niya. Agad akong pumasok sa loob ng guest room. Naramdaman kong umalis na si Dea at marahang sinara ang pinto. I sighed. Ang totoo hindi lang dahil gusto ko magbakasyon kaya nandito ako ngayon.

FLASHBACK
Ilang araw simula ng makaalis si Dea ng pilipinas sinugod ako ni Cloud sa condo ko. Pinagbintangan pa niya ako na tinago ko si Dea. Ang kapal ng mukha. Alam ko kung bakit siya nandito. Obvious naman. Nakatitig lang siya sakin. Mayamaya nagsalita siya.

Nasaan si Dea? Ilabas mo siya!! Sigaw niya sakin. Hinarap ko siya. Nangako ako kay Dea na hindi ko sasabihin kong nasaan siya.

Hindi ko alam. At kung alam ko man hindi ko sasabihin sayo. Mariing sabi ko sa kanya. Naglakad siya papalapit sakin at sinuntok ako. Napangisi ako sa ginawa niya. Sya pa talaga ang may karapatan na suntukin ako? Oo hindi sinasadya ni Dea na si Cloud ang mas minahal niya. Pero pakiramdam ko sinulot niya sakin ang babaeng mahal ko. Inagaw niya sakin. Nang makabawi ako sinuntok ko din siya. Napaupo siya sa ginawa ko. Ilang minuto pa ang nakalipas bago siya naupo ng maayos. Nagulat ako ng makitang umiiyak siya.

Nagmamakaawa ako sayo. Sabihin mo na sakin kung nasaan siya. Hindi ko kayang mawala siya sakin. Alam kong pareho ka naming nasaktan. Hindi naman namin sinasadya yun. Please, Ivan. Lahat ng gusto mo gagawin ko sabihin mo lang kung nasaan siya.
Hindi ko gustong nakikita siyang ganito. Kahit anong mangyari kaibigan ko pa din siya. Pero sa tingin ko sa itsura niya ngayon hindi pa sila pwedeng magkita. Isa pa kaya lumayo si Dea para makapagpahinga. Umupo ako habang siya nananatiling nakaupo sa sahig. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Cloud, alam mo ba kung bakit siya umalis? Nakayuko parin siya. Pero alam kong nakikinig siya.
Gusto niyang makapagpahinga sa lahat. Hindi mo ba alam na masyado siyang nasaktan. Isa pa nagparaya siya. Alam mo din ba kung gaano kahirap yun? Parepareho lang tayong nasaktan. Isa pa nagaaral si Dea dun. Hayaan na muna natin siya. After kong sabihin yun tiningnan niya ako. Nakikita ko sa mukha niya ang paghihirap. Ang pangungulila. Damn. Gustuhin ko man na ipaglaban ang pagmamahal na to mukhang hindi na lang. Sa nakikita ko, parehas nilang mahal ang isat isa paano ako lalaban kung obvious naman na hindi ako ang pipiliin. Paano ako lalaban kung alam kong talo na ako. I sighed.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Where stories live. Discover now