Bonus Chapter

183 3 0
                                    

Maingay ang loob ng school canteen. Ang lahat ng mga estudyante ay abala sa kani-kanilang mga gawain. Samantalang ako, wala akong pakialam sa kanila.

I had a dream last night. At sa tingin ko, iyon na ang prince charming ko. Haay..
Sabi ng Mommy ko, lagi niya daw napapanaginipan noon ang prince charming niya, kaya noong makilala na niya si Daddy, alam niyang si Daddy na ang lalaki sa panaginip niya.

Bigla kong naalala ang tinig ng lalaki sa panaginip ko. Muli akong kinilig at napa-ngiti. Nang bigla kong naramdaman ang  pagbatok sa akin ng classmate kong si Pinkie.

"Hoy!" sabay batok niya sa akin na sa sobrang pagkabigla ko ay muntik na akong mapasubsob sa pinggan na naglalaman ng pinagkakainan ko.

"Pinkie! Ano ba?! Ang sakit naman eh! Tingnan mo, muntik ng matapon yung juice ko!"

Sa halip na humingi ng tawad tumawa lang ang bruha.
"Tigilan mo kasi yang pagdi-daydream mo. Look who's here. Hinahanap ka ng prince charming mo." 

Agad akong lumingon sa direksyon na iningunguso niya. At doon ko nakita ang boyfriend kong si Lawrence na naglalakad sa school canteen. Halatang may hinahanap ito. Nang magtama ang aming mga mata at kaagad na sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

Hindi ko maiwasan ang kiligin muli.
Doon ko napansin na kasama pala ni Lawrence ang kuya kong si Raye.

Hindi ko maiwasan ang magtaka, bakit parang di maipinta ang mukha ng kuya ko? Mukha na naman itong nakalunok ng maasim na mangga. Hindi ko maiwasan ang matawa nang maisip ko itsura nito kung sakaling nakalunok nga ito ng maasim na mangga. Hindi fan ng maasim ang kuya ko. 

Pero muling bumalik ang atensyon ko sa boyfriend ko, si Lawrence. Muli kinilig na naman ako lalo pa ng maalala ko ang ilang detalye sa nagdaang panaginip ko. 

Sa aking dreamland, nakita ko ang aking sarli na naglalakad patungo sa altar ng isang malaki at malawak na simbahan. Suot ko ang aking wedding gown, hawak ko sa aking mga kamay ang isang bouquet ng bulaklak. Sa unahan ng altar, naghihintay ang isang lalaki. Pinagmasdan ko ang aking sariling anyo na naka-ngiti ang buong tamis at saya. Nakatanaw sa lalaking naghihintay sa harap ng dambana. 

Sumilay muli ang ngiti sa labi ng aking kawangis, ibinulong nito ang pangalan ng lalaki. 

"Lecki" 

Napa-kunot ako ng noo. Nilingon ko ang bahagi ng altar kung saan nakatayo at naghihintay ang tinatawag ang aking sarili na "lecki". Ngunit hindi ko maaininag ang mukha nito. Nagmadali akong lumapit sa lalaki. 

Oh my.. Ang gwapo niya. Iyon ang una kong naisip. At hindi ko maiwasan ang humanga kaagad maging ang kiligin ng ngumiti ito sa akin. Sa akin siya nakatingin, hindi sa akin na naglalakad patungo sa altar. It's like we are communicating thru dreams and time. 

"Angel.." 

I love the way he whispered my name. I love the way it sounds coming from his lips. The way he is staring at me, with smoldering eyes that held so much more. 

I was confused for a moment, hindi ko kilala ang lalaking ito. In this dream I am getting married to this man. I looked around and saw my friends and family, all of them were smiling and with tears of joy in their eyes. Its a very happy and intimate event. 

In this dream , I am deeply in love with this man and I can tell that he feels the same way too. 

Then, out of the blue, may biglang tanong sa isipan ko: Nasaan si Lawrence? What happened to us? Why am I getting married to someone  I do not know? 

I watched myself get married to the mysterious Lecki. I saw the happiness in her eyes na para bang ang Lecki na ito ang katuparan sa mga pangarap namin. But then, I cannot forget the way he looks at me. His eyes are telling me that I belong to him. 

AleckWhere stories live. Discover now