Chapter 8

306 4 0
                                    

Summit

Pinagmasdan ni El ang karagatan ng ulap na kanyang natatanaw. Andito siya ngayon sa itaas ng bundok. Sa tinatawag ng karamihan na Tarak Ridge, isang bahagi ng kabundukan ng Mariveles. Kakatapos niya lang i-set up ang tent. Dito siya magpapalipas ng gabi. Nagsimula siyang mag-trek kaninang alas singko ng hapon. Narating niya ang summit ng bandang alas siete ng gabi, muli siyang bumaba ng ridges para mag-set up ng tent. Na-miss niya din ang pag-akyat. Halos dalawang buwan na noong huli siyang umakyat ng bundok. Mas madalas noon dahil ito ang bonding nila ni Raye.

Raye...

Naiyak matapos maalala ito. Miss na miss na niya ang binata. Dinadasal niya na sana ay kasama niya ito ngayon. Si Raye lang ang nakakaintindi sa kanya kapag ganitong gulung-gulo ang isip niya. Kaya kahit wala na ang binata, palagi pa rin siyang umaakyat ng bundok pakiramdam niya kasi parang lagi niya itong kasama sa bawat summit na nararating niya.

She miss him so badly. Namuo ang luha sa kanyang mga mata. Tumingala siya at pinagmasdan ang maulap na kalangitan. Makulimlim ngayon, may panaka-nakang pag-ulan at malamig ang panahon. She doesn't mind. Sanay naman siya sa ganitong klima tuwing umaakyat sila ni Raye. Makapal din ang hamog na kanyang natatanaw at nagmistulang dagat ito ng ulap. Binabalot nito ang ibabang bahagi ng kabundukan at natatakpan ang ilang mga bayan.

Wala masyadong nag-hike ngayon. Off season din kasi dahil maulan na. Mas gusto niya iyon dahil kahit papaano ay mas tahimik at may privacy siya. Tamang tama, nais niyang mapag-isa at makapag-isip-isip.

Napangiti siya sa kawalan. Nakaupo siya ngayon sa bukana ng kanyang tent habang nakaharap sa bonfire.
"Kumakanta ka siguro ngayon ng wala sa tono." wika niya, iniisip na kaharap ang binata. Nai-imagine niya itong kumakanta ng wala sa tono habang siya naman ang nagpapatugtog ang gitara.

Hindi mahusay umawit si Raye, pero mahilig ito sa music. Kaya kahit hindi binayayaan ng musical talent hindi pa rin iyon naging hadlang sa hilig nitong pagkanta. Okay lang naman kahit wala sa tono, ang cute naman kasi nitong panoorin. Siya yung tipo na tao na kahit magwala sa harapan ng videoke ay walang kahit sinong magrereklamo. Sa halip ay kikiligin at katutuwaan pa ito ng sinomang manonood o makikinig. Ang gwapo kasi nito, sa tindig at kilos pa lang kotang-kota na kahit sinong babae.

Raye is a very charming person with a big warm heart. Wala siyang kilalang may galit dito o kaaway man lang. Likas na pala-kaibigan ito. Siya ang klase ng taong mapagkalinga sa lahat. Kaya akma sa kanya ang propesyong napili.

Isang doktor si Raye. Neurosurgeon to be exact. Matalino at nagtapos sa kursong medisina sa pinakamurang edad. He's a prodigy. Genius na maituturing. Nagpaka-dalubhasa sa ibang bansa. May napakagandang kinabukasan ang naghihintay dito kung hindi lang nangyari ang isang trahedya na kumitil sa buhay nito. Isang pangyayari na habang buhay niyang dadalhin.

"I'm so sorry... " humagulhol siya. Ibinuhos niya sa pag-iyak ang lahat ng nararamdaman. Parang nakikita niya ang imahe nitong nakatingin sa kanya, nakakunot ang noo at nag-aalala.

Kaagad niyang pinahid ang luhaang mga mata at pinilit na ngumiti.
"I know, hindi mo gustong umiiyak ako ngayon pero hindi ko mapigilan. Sana talaga nandito ka sa tabi ko. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Nakita ko siya kanina, at ang sakit-sakit. Sobrang sakit." humikbi muli siya.
"Alam mo higit kanino man kung gaano ko siya kamahal. Ipinaglaban ko pa siya saiyo. Umabot sa puntong pinili ko pa siya kaysa saiyo which so stupid kasi in the end he have chosen to leave me. I can see how hurt you were that time but you never said a word. Then, all of a sudden, you're gone."

AleckWhere stories live. Discover now