Chapter 25

192 7 0
                                    

Several weeks later...

Nagising si El ng mag-isa sa kama. Nilingon niya ang bahagi ng kama na inuukupa ng kanyang asawa. Medyo mainit pa ang bahaging iyon na kaagad nagtukoy na kababangon lang nito. Dahan-dahan siyang umupo at pinakinggan ang katahimikan ng buong paligid.

Nang may marinig siyang mahinang kaluskos, alam niyang nasa isang bahagi lamang ng apartment si Aleck at natitiyak niyang nasa kusina ito. Iyon ang parating ginagawa nito pagkagising sa umaga, ang ihanda siya ng almusal.

Mabilis siyang kumilos sa abot ng kanyang makakaya. Malaki na tiyan niya, at pakiramdam niya'y manganganak na siya anytime dahil sa laki nito kahit pa kulang walong buwan pa lamang ang tiyan niya.

Maingat siyang kumilos upang ayusin ang kanilang kama. Pagkatapos noon ay nagtungo siya sa banyo para i-refresh ang sarili. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at halos mapaiyak siya. Pakiramdam niya kasi ang pangit-pangit niya.

Uh..Hormones...

Umiwas kaagad siya ng tingin sa sariling mukha at itinuon ang pansin sa kanyang sinapupunan. Marahan niya itong hinaplos bago tuluyang nilisan ang banyo.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya saka lumabas ng kanilang silid at tinungo ang kusina. Doon nakita niya ang asawa na abala sa pagpiga ng orange para sa kanyang juice. She stared at him and found herself hungry but not for food.

He is wearing his usual gray sweat pants and white shirt. It's nothing new but still manage to make him more handsome in her eyes. She bit her lip as she watches him flex the muscles of those powerful arms.

My god! She's getting horny. Her hormones is everywhere. The ache between her legs is growing. One minute she wanted to cry because she felt ugly and now, she's horny??!

Napansin niya ang repleksyon niya sa makintab na pinto ng refrigerator. Nakita niya muli ang kanyang anyo at kaagad siyang sumimangot.

She's as big as a whale. Mali, mukhang mas malaki pa siya sa whale. Pakiramdam niya ay para siyang nakalunok ng sandamakmak na pakwan. No wonder Aleck won't touch her anymore. Lalong sumimangot ang kanyang mukha sa tinatakbo ng kanyang isip. Kahit sinong lalaki nga naman siguro ay hindi gaganahan sa itsura niya. Ang pangit-pangit niya sa kanyang palagay.

"Good Morning, gorgeous!" masayang bati nito sa kanya habang inilalagay sa baso ang kanyang inumin. Lumapit siya at dinaluhan ang asawa. Naka-ngiti ito habang pinagsisilbihan siya. Samantalang nananatiling tahimik at walang kibo siya habang kumakain.

Kung napansin man iyon ng asawa niya, hindi ito kumibo. Bagay na ipinagtataka niya, dati naman kapag may saloobin siya na hindi magawang sabihin nararamdaman nito pero ngayon parang wala itong pakialam.

Ilang saglit pa, tumayo ang asawa niya mula sa hapag at nagligpit ng kinainan. Nagtatakang napatingin siya dito, hindi pa kasi siya tapos kumain pero nagliligpit na ito ng sariling pinagkainan.

His smile is apologetic.
"Something important came up. Kailangan ako sa office." sabi nito. She tried looking into his eyes pero nandoon ang pag-iwas nito ng tingin.

Pero weekend ngayon

Hindi niya maisatinig ang bagay na iyon. Dahil alam niya, ramdam niya, may itinatago ang asawa niya.

Tahimik niyang tinapos ang pagkain, nililigpit na niya ang pinagkainan ng marinig niya ang mahinang boses ng asawa na may kausap sa cellphone. Curious, tinungo niya ang kinaroroonan nito.

Nang makita siya nito ay kaagad nitong ibinaba ang tawag. She took note of that knowing her husband doesn't mind talking to the phone even when she's around. They have no secrets at all. But this time, he seems anxious of her presence.

AleckWhere stories live. Discover now