Chapter 18

295 5 0
                                    

Beginning

Warning: Reader's discretion is advised.


"Lawrence believed that my own brother is in love with me..."

"At first, I laughed pero seryoso siya sa mga sinasabi niya. Sinabi niya sa akin na hindi na niya nanaisin pang manatili sa relasyon namin kung hindi ko puputulin ang anumang ugnayan ko sa aking kapatid. He even called me a cheater and a liar. Hindi ko naintindihan ang mga bagay na sinasabi niya. In the end, hindi siya bumalik sa akin at natagpuan ko ang sarili kong umiiyak sa harapan ng kuya ko."

"It's one of the biggest mistakes in my life. I shouldn't have come to him. I shouldn't have allowed myself to cry in front of him. I didn't know how much it must have hurt him as well. But I was selfish. I keep on crying. I keep on saying how much I love Lawrence. I didn't know he is hurting too."

"That was the last time I saw him. He went on the camping trip, alone. We were supposed to go together. I made plans for that pero dahil kay Lawrence, hindi ko magawang ituloy ang plano. I was so wrapped up with my own heartbreak that I didn't know that... That was the last time I will ever see him...alive..."

"He never came home. Akala ng lahat extended lang ang vacation niya at hindi siya tumuloy sa camping. May dumating kasing bagyo noon, ipinagbabawal ang pag-akyat ng bundok sa kasagsagan ng bagyo. Pero tumuloy pa rin siya. Ayon sa mga authorities, umakyat ang kapatid ko bago pa ang pagdating ng anunsyo ng paparating na bagyo. Ginawa nila ang lahat upang mahanap ang kapatid ko. Pero walang sinoman ang nakakita sa kanya. Hindi rin siya dumaan sa mga camp station na nakatalaga sa kabundukan. Walang nakakita sa kanya. Bigla-bigla na lang siyang naglaho."

"Of course, gumawa ng paraan ang lolo para makita siya, buhay man o patay. Pero walang nangyari, hanggang sa natagpuan nila ang ilang gamit nito sa gilid ng bangin. Ayon sa mga authorities, malaki ang posibilidad na patay na ang kapatid ko. Walang nagawa ang buong pamilya namin kung hindi tanggapin ang balita. Hindi ko nais maniwala pero hindi ko kayang ipagkaila,hindi ko kayang sabihin na hindi gamit ng kapatid ko ang nakita sa gilid ng bangin. Sa akin nanggaling ang mga iyon. Ini-regalo ko sa kanya iyon noong graduation niya."

"The most painful thing is, there's a letter found inside the bag. Naka-address iyon sa akin. And in that letter, sinabi niya sa akin na maging masaya ako. Masakit man para sa kanya, pero pipilitin niya din na maging masaya para sa akin. In that moment, I knew what Lawrence told me is true. My brother is in love with me and I hurt him, in every way in every single day of his life."

Muli siyang humagulgol sa mga bisig ni Aleck. Matagal bago niya muli napigilan ang sarili at marahang humikbi.
"I found out later na hindi tunay na Alcantara ang kapatid ko. He's adopted. Hindi talaga kami tunay na magkapatid. Nalaman ko rin na kaya tutol noon ang lolo sa relasyon namin ni Lawrence ay dahil sa nakatakdang engagement ko kay Kuya. Lolo have chosen my brother to be his successor. Gusto niyang magpakasal kami ng kapatid ko sa takdang panahon. Pero dahil sa kagustuhan kong ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Lawrence, nagawang isantabi ng kuya ko ang damdamin niya para sa akin at nangako sa lolo ko na gagawin ang lahat ng nais nito pahintulutan lamang ako sa aking nais."

"Batid ng Lolo ko ang tunay na nararamdaman ni kuya para sa akin, kaya niya ninais na ipagkasundo kaming dalawa. Magkaganon pa man, huli na. Wala na ang kapatid ko. Hindi ko na nagawa pang humingi ng tawad sa kanya."

"Pagkatapos ng trahedyang iyon. Napagkasunduan ng buong pamilya na hindi na lamang banggitin ang kahit na pangalan niya. Masyadong masakit ang mga naging pangyayari para sa lahat. In time, lahat sila unti-unting nakalimot at natanggap ang pagkawala niya. Pero hindi ako. Hanggang ngayon, hindi ko magawang tanggapin na wala na siya. Buo ang paniniwala kong buhay siya. Kahit ano pa ang sabihin ng karamihan, alam kong buhay siya."

AleckWhere stories live. Discover now