Chapter 16

230 6 0
                                    

The Silent War


Honeymoon turned disaster.
Iyon ang resulta ng kanyang naging desisyon na makipagkita kay Ryan. But, hindi niya magawang pigilan ang sarili lalo pa't malapit na niyang matuklasan ang kinaroroonan ng nawawalang kapatid.

She wanted to tell Aleck everything, pero natatakot siyang hindi nito maunawaan ang sitwasyon.

Nakabalik na sila ng Manila at laking gulat niya ng malaman na nailipat na pala lahat ng gamit niya sa penthouse ni Aleck. Base sa ayos ng mga gamit, alam na niyang asawa niya ang nag-utos niyon.

Patapos na ang isang linggong nakalaan para sana sa honeymoon nila ngunit nananatiling malamig ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Maaaring iisang kwarto na ang pinagsasaluhan nila ngunit nananatiling pormal, sibil at walang kibo si Aleck.

Nauunawaan niya kung ganoon nga ang iaasal nito. Siya rin naman ang nagbigay ng dahilan para magkaganon ang asawa.

Hanggang ngayon, she find it hard to trust someone. After two failed relationships, masyado na siyang takot magbigay ng tiwala. Ang pagbibigay ng tiwala ay pagbibigay ng karapatan sa taong iyon upang ikaw ay saktan. Iyon ang naging pananaw niya.

She trusted Lawrence to understand. Of all the people, alam niyang ito ang higit na makakaunawa sa kanya. She loved Lawrence with everything she have. She trusted him with her heart. Nangarap na siya ng kasama ito. Umasa ng magandang kinabukasan sa piling nito. Pero katulad ng ibang lalaki, napuno ng selos at pagdududa ang relasyon nila. Nauwi iyon sa paghihiwalay na hanggang sa ngayon ay hindi niya malaman kung saan siya nagkamali gayong sinunod niya ang lahat ng nais nito. Naging mabuti siyang kasintahan dito.

Then, along came Maverick. She thought hindi na niya magagawang magmahal pang muli at ipagkatiwala ang puso sa iba. Again, she trusted him. She loved him, dream with him. Pero sa bandang huli, iniwan din siya nito at ipinagpalit sa iba.

Maybe, she have decided to trust someone again and that someone is Aleck. Pero hindi iyon ganoon kadali. Kahit ba alam ng puso niya na mahal niya si Aleck, naniniwala pa rin siya na isa sa mga araw na ito ay magagawa pa rin siyang ipagpalit nito at iwan. Ganoon naman di ba? Kaya ba hindi niya magawang sabihin dito ang mga salitang "I love you".

Natatakot siyang sa oras na banggitin niya ang mga salitang iyon, bigla na lamang ito magbabago ng pakikitungo at sa bandang huli, iiwan siya ng tuluyan.

So, sa kanyang palagay, tama lang na hindi niya ibigay ang buong tiwala niya. Sa kanyang palagay, tama lang na hindi niya sabihin ang mga salitang iyon, at tama lang na ipagpatuloy niya ang kanyang lihim. Nang sa ganoon, ay manatili ito sa tabi niya. Men loves mystery, di ba? They enjoy challenges as well, di ba?

If so, why does everything felt wrong? Bakit hindi siya mapalagay. Tama ba talaga ang ginagawa niya? Nalilito na siya. Bakit ba kasi napaka-kumplikado ng buhay?

Nilingon niya ang bedside clock. It's 11pm. Wala pa si Aleck.

Palagi na lang siya gabi kung umuwi.

Hindi niya nais bigyan ng kahulugan ang napapadalas na pag-uwi nito ng alanganing oras. Nakakalungkot man isipin, subalit wala pang isang linggo ang pagsasama nilang dalawa ay nakikitaan niya na ito ng kabiguan.

Madalas ay nagigising siya sa umaga na wala na ito. Nakakatulog siya sa gabi nang hindi pa ito dumadating. Para bang sinasadya nito na hindi sila magkita at magkausap.

Ano pa ba ang dapat niyang asahan? Hindi ba't hindi niya rin naman nais na magkaroon ng kumprontasyon? Hindi na niya nais pang madagdagan ang mga lihim na itinatago niya. Hindi man siya nagsisinungaling, pinapaniwala niya ito sa mga bagay na mula sa kasinungalingan at haka-haka. Hindi niya iyon itinuwid at pinatotohanan niya ang mga pinaniniwalaan nito. Maihahambing na rin iyon sa pagsisinungaling.

AleckWhere stories live. Discover now