Chapter 5

329 5 0
                                    

I kissed her and it's the most sweetest lips I've ever kissed. Well, it's not like I kiss every girl I see, I'm not that kind of guy. It's just that whenever I look at her, I couldn't resist the temptation of those lips. I never had that kind of urge before.

Those blushes on her cheeks looks good on her too. She's so cute. I smiled when I remember the way those lips moved as she talks. The frown on her face, the hint of irritation in her eyes as she tried her best to tell me to back away. Hell no, I'm not gonna back down. Not now, not ever.

Now that I have finally found her, I will do everything in my power to make her mine. That is a promise.

I found myself smiling sheepishly. I remember the look on her face after I kissed her. Those eyes mirrored a lot of things about her, of how confused she is. She might not be aware of it but her eyes changes the way her mood is. And I love watching those eyes. I can tell how much those kisses affected her. The way her eyes glazed after the kiss and looking into those eyes made all my rational thoughts fly.

If only I can make her mine.


Hindi mapakali si El. Nasa loob siya ngayon ng kanyang opisina, bilang president ng Heaven's Pot marami siyang trabaho na kailangang pagtuunan ng pansin pero hindi niya magawang mag-focus sa trabaho. Bukod sa kulang sa tulog, lumilipad ang isip niya sa isang lalaking may kagagawan ng lahat ng ito, si Aleck.

Hindi mawala sa isipan niya ang ginawang paghalik nito sa kanya ng nagdaang gabi. First kiss niya iyon. At hindi niya sukat akalain na ito mismo ang magnanakaw ng halik sa kanya. Naghihimutok ang damdamin niya. Naiinis siya. Pero ramdam niya sa sarili na kinikilig siya, bagay na lalong nakapagpa-init ng ulo niya. It's not supposed to be like that. Dapat magalit siya, pero hindi niya magawa. Naaalala niya pa ang ilang pagkakataon na muntik na siyang tumugon sa halik nito.

Nasapo niya ang kanyang ulo, at umiling-iling sa kawalan. Kung may nakakakita man sa kanya ngayon sa loob ng kanyang opisina, iisipin na nasisiraan na siya ng bait. Namula ang kanyang mga pisngi matapos magbalik tanaw ng kanyang kaisipan, napakagat siya ng labi.

"Wife daw? Ano kaya iyon? Hindi nga ako girlfriend, wife pa kaya? Ambisyoso din iyong isang iyon." saad niya, pero hindi mapalis ang ngiti sa labi niya. Napabuntong-hininga siya.

"Nababaliw na ata ako. Kasalanan mo 'to" malakas niyang bigkas, nai-imagine niyang kaharap si Lecki.
"You kissed me! And I'm not supposed to like it. Nakakainis ka."

"Is that so? Then I suppose I can kiss you all the time." sagot ng imaginary Lecki niya. Namilog ang mata niya.

Hala! Hindi siya imaginary. Siya yung totoo.

Napalingon siya malapit sa pinto, nandoon ito at nakatunghay sa kanya. Bakas sa mga ngiti nito ang katuwaan, at hindi niya maipagkakailang kanina pa ito nandoon.

Patay ka, El. Narinig ka.

Mabilis na umakyat ang init sa buong mukha niya, pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sabi ko naiinis ako sayo. "

Ngumiti muli ito, amusement played in his eyes.

Bwisit na ngiting yan. Nakakainis.

Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. At mas lalong nakakainis dahil tuwang-tuwa siya na makita ito, hindi niya rin matanggap ang bagay na iyon.

"Kung tama ang pagkakarinig ko. Nagustuhan mo." sagot nito habang naglalakad papalapit sa kanyang mesa. Kinabahan siya ng husto, hindi niya napigilan ang sarili na mag-anticipate sa maaring gawin nito.

Hahalikan niya ba ako?

She licked her lips unconsciously, at bumaba ang mga mata ng binata sa kanyang mga labi. Saglit na napalis ang ngiti nito at nakita niya ang marahang paglunok nito habang nakatitig sa mga labi niya. Hindi niya namalayang tumayo siya sa kanyang kinauupuan at bahagyang lumapit dito. Mesa lang ang pagitan nila pero hindi sapat ang bagay na iyon para pigilan ang atraksyon sa pagitan nilang dalawa. Halos nakalimutan niyang huminga ng tinawid ng binata ang iilang pagitan ng kanilang mga labi upang halikan siya.

AleckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon