Chapter 7

298 9 0
                                    

A/N: Sorry po sa grammatical errors.

*~*~*

Hindi rin nakapag-concentrate sa trabaho si El kaya minabuti niyang umalis na lamang ng opisina. Umuwi siya ng kanyang condo. Nagbihis saglit at kumuha ng ilang gamit. Kailangan may gawin siya, hindi pwedeng ganito, ayaw niyang mag-isip. Masyadong maraming gumugulo sa isip niya ngayon matapos ng mga nangyari kanina.

Naaalala niya ang mga sinabi ni Aleck, maging ang mukha ni Maverick. Hindi niya akalain na muling magtatagpo ang landas nila ni Maverick. Halos limang taon na ang lumipas mula ng huli silang nagkita. Limang taon na ang lumipas mula ng hindi ito magpakita sa kanya at iwan siya upang magpakasal sa ibang babae. Ang buong akala niya ay nakalimutan na niya ang sakit, pero nagkamali siya. Nandodoon pa rin ang sakit.

Si Maverick Lagdameo kilala bilang Mavy ng mga taong malalapit dito. Nakilala niya ito noong nag-aaral pa lang siya ng college. Saksi ang mga kaibigan niya sa pagtitinginan nilang dalawa. Simula sa panliligaw nito hanggang sa pagtalikod nito sa kanya, alam lahat ng mga kaibigan niya. Si Anthony ang may pinakamalaking galit dito.

Mabuting tao si Mavy. Kahit sinong nakakakilala dito, iyon ang sinasabi. Natatandaan niyang madalas silang kainggitan ng nakararami dahil napakaperpekto daw nilang pares. Campus crush kasi ito. Bukod sa gwapo, matangkad, chinito at matalino nagmula si Mavy sa kilalang angkan ng mga Lagdameo.

Kilala ang mga Lagdameo. Sila kasi ang nagmamay-ari ng ekwelahang pinapasukan nila at may-ari ng isang sikat na foundation na sumusuporta sa mga batang may karamdaman sa pag-iisip. Kung tutuusin, napakaswerte niya kay Mavy.

Mabuti itong nobyo. Maalaga at mapagmahal. Matyaga din siya nitong sinuyo at niligawan bago siya nito napasagot. Wala ka na talagang hahanapin pa. Noong mga panahong iyon, akala niya magiging maayos na ang lahat. Nagsimula ang pagsubok sa kanilang relasyon nang makapagtapos si Mavy ng kolehiyo.

Senior niya si Mavy, ahead ng two years sa kanya. Isa siya sa mga taong pumalakpak ng husto ng tawagin ito sa stage para sabitan ng medalya bilang magna cum laude. Syempre, proud girlfriend siya. Marami silang mga pangarap mag-nobyo. Kasama na doon ang planong pagpapakasal sa oras na makapagtapos siya ng pag-aaral at pamunuan ang Alcantara Medical Group.

Pero nagbago ang lahat ng bigla na lang itong hindi nagparamdam. She tried to reach him sa kahit anong paraan hanggang sa mabalitaan niya sa ilang mga kaibigan ang nakatakdang pagpapakasal nito sa iba. Hindi siya naniwala. Ngunit sadyang masaklap ang katotohanan.
Nakita nila ni Anthony ang balita sa dyaryo, bagamat nandoon na nakasaad ang lahat ng kanyang kailangan malaman, nanindigan pa rin siya na hindi maniniwala hanggat hindi nagmumula kay Mavy ang lahat.

Kaya sa mas masakit na paraan niya natuklasan ang lahat. Pinuntahan nila ni Anthony ang sinasabing lugar ng kasal. At doon nasaksihan niya ang pag-iisang dibdib ng lalaking minamahal sa ibang babae. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi niya alam kung paano siya naka-uwi noon. Marahil kung wala si Anthony sa tabi niya baka kung saan na siya pulutin.

Ang sakit-sakit. Madaming tanong ang nasa isip niya at wala siyang makuhang kasagutan. Hindi niya alam kung ano ang naging pagkukulang niya. Sa tuwing may nagtatanong sa kanya kung ano ang nangyari, wala siyang maisagot kung hindi ang umiyak dahil ang totoo ay hindi niya alam. Wala siyang alam.

At ngayon, matapos ang limang taon muling nagtagpo ang landas nila ng dating kasintahan. Muling nangibabaw ang hapdi at sakit na narandaman niya noon. Ang buong akala niya ay nakalimutan na niya iyon, hindi pala. Nagkamali siya. Natabunan lang pansamantala ang sakit pero naroon pa rin.

Nilisan niya ang condo dala ang ilang gamit. Isinakay niya iyon sa kanyang Ford Ranger. Kailangan niyang umalis upang ituon ang isip sa ibang bagay at ang pagha-hike ang naisip niyang gawin. Ganito lagi ang ginagawa niya kapag nalilito o nalulungkot.

AleckWhere stories live. Discover now