Chapter 21

286 9 0
                                    

Lecki and Lecki

Hindi alam ni El na masyado siyang nabulagan ng kanyang imahinasyon. Napag-alaman niya lamang ang bagay na iyon matapos ng kanilang naging pag-uusap ni Alex.

Inimbitahan niya ang sister-in-law para mamili ng ipangre-regalo para sa darating na pasko. Buong sigla siyang sinamahan ng hipag sa pamimili.

"Hey! I like this. Cute! Bagay to kay kuya, favorite cartoon character niya to." sabi ni Alex habang hawak-hawak ang isang pull over orange jacket. Nasa loob sila ng  department store ng isang mall sa mandaluyong.

"Garfield? Pero di ba he hates that. Si Snoopy ang favorite niya, di ba?" kontra niya. Alex looked at her for a moment bago umiling.

"No. Favorite niya si Garfield. Noon pa man, kung makikita mo lang ang kanyang bedroom sa bahay, punung-puno iyon ng Garfield goodies. Ganoon niya ka-love si Garfield. Even his coffee mug sa office, Garfield din."

Bahagya siyang natigilan at napa-isip.
"Talaga? Akala ko Snoopy. Maybe si Anthony iyon or si Kevin?"

Alex giggled. "Huwag mong isipin iyon. Wala ka naman kasing mapapansin na Garfield items sa penthouse ninyo di ba? Itinago niya iyon tiyak, I used to tease him na nakaka-turn off sa babae ang pagiging fanatic niya kay Garfield. Tinablan siguro, kaya tinago para di mo makita." Tumawa pa ito ng pilya.

Ngumiti siya bagamat sa dulo ng kanyang isipan nandoon ang mga tanong na tama ba ang pagkakakilala niya kay Lecki ? Or baka naman ibang Lecki ang nasa isip niya?

Naalala niya ang minsang sinabi nito noon sa kanya.

I am Lecki but I am not the Lecki you always know

Totoo ba? Tama ba ang asawa niya? Hanggang ngayon ba ay nabubulagan pa rin siya sa imahe ni Lecki na kanyang binuo sa kanyang isipan? Ang Lecki na ito na siyang nabibigay dilim at tumatabon sa tunay na Lecki na nasa harapan niya. Ibig bang sabihin nito ay ibang Lecki ang minamahal niya at hindi ang Lecki na asawa niya?

Kailangan niyang baguhin ang imaheng iyon sa kanyang isipan. Kailangan niya ng mamaalam sa Lecki na bunga ng kanyang imahinasyon. Maaaring ang imaginary boyfriend niyang ito ang kasa-kasama niya noon at kailanman ay hindi siya iniwan ngunit iba na ang sitwasyon ngayon.

Ang pagmamahal ni Lecki ngayon sa kanya ay totoo hindi bunga ng imahinasyon na likha niya sa paniniwalang walang magmamahal  sa kanya ng totoo.

She needs to fix this, seriously, daig niya pa ang may saltik kung hindi niya makikita ang tunay na Lecki na nagmamahal sa kanya.

Abala si Alex na pumipili ng size ng binibiling jacket nang lapitan niya ito ang kausapin.

"Alex, I know it's a bit weird pero I need a favor."

Alex looked at her quietly, a frown marring her forehead.
"Pwede mo bang sabihin sa akin ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa kuya mo? Alam mo kasi sa totoo lang, may mga bagay na hindi ko pa lubos na nalalaman tungkol sa kanya. Gusto ko siyang makilala ng husto."

"You know, I am more than willing to tell you anything na may kinalaman kay kuya." she wiggled her eyebrows suggestively. Hindi niya napigilan ang tumawa.
"Hindi mo kailangan magpaliwanag El, alam ko ang naging circumstances ninyong dalawa bago kayo ikinasal. Hindi kayo nagkaroon ng pagkakataong lubusang makilala ang isa't isa. Sasabihin ko lahat ng gusto mong malaman pero ipangako mo muna sa akin..."

AleckWhere stories live. Discover now