Chapter 6

296 6 0
                                    

Hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ni Aleck habang nagda-drive. Naka-upo si El sa passenger seat. Sakay sila ng kanyang SUV. On the way sila ngayon papuntang office building sa Makati Headoffice ng Nadal Empire. Doon nila makikilala ang buong project team. Sa totoo lang, hindi naman talaga masyadong kailangan si El, simpleng briefing lang iyon pero ayaw niyang palampasin ang pagkakataon na makasama ito. E ano ngayon? Siya ang boss, wala namang aangal di ba?

Panay din ang sulyap ng dalaga sa kanya bagay na lalong nagpangiti sa kanya. Mukhang umaayon pa sa kanya ang pagkakataon dahil sobrang matrapik ang byahe, halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan at nagmistulang parking area ang kahabaan ng EDSA. Kung sa ibang pagkakataon ay isusumpa niya ang EDSA kagaya ng mga driver ngayon na maiinit ang ulo dahil sa trapik, hindi siya. Halos sambahin niya ang EDSA, kulang na lang magsayaw siya at mag-alay ng manok para mas tumagal pa ang oras na makasama niya si El. Hindi niya napigilan ang mahinang pagtawa sa itinatakbo ng kanyang isip.

Nakita niya sa rearview mirror ang reakyon ni El.
"What's so funny?" tanong nito.
Umiling siya. "Nothing." pero naka-ngiti pa rin siya. Halos mapunit na ang pisngi niya sa kakangiti pero talagang masaya siya. Okay lang kung magmukha siyang tanga, para kay El naman lahat.

Nakita niya ang marahang pag-iling ng dalaga.
"Baliw." bulong nito sa sarili. At hindi siya nakatiis na sumagot.
"Saiyo."

"What?" takang tanong nito.
Nilingon niya ito, "Ang ibig kong sabihin, nababaliw ako saiyo"

Pinagmasdan niya ang unti-unting pamumula ng mga pisngi nito.

Ang cute talaga

"Narinig ko na 'yan." paismid nitong sagot. Natigilan siya. Oo nga pala, maaaring sanay na si El sa mga papuri mula sa mga manliligaw pero totoo naman ang mga sinasabi niya ah? Matagal na siyang baliw sa babaeng ito.

Kung alam mo lang kung gaano katagal

Saglit namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi mapakali si Aleck. Amoy na amoy ang nakahahalinang pabango ng dalaga. Ramdam niya din ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nandoon ang init, ang hindi maipagkakailang chemistry nilang dalawa. One look at her, he might found himself kissing her again.

Alam niya sa sarili kung gaano katindi ang pagtitimpi niya at pananabik sa dalaga. At nangangamba siyang baka hindi siya makapagpigil. One kiss is all it takes to make him beg for more. One touch and he lost control.

How he wish for her to be his completely. Unfortunately, ramdam niya ang pilit na pagtanggi ni El. He should be patient. El deserves a love story. Kung tama ang sinabi nina Kevin, El have promised herself to never fall in love again.

Someone hurt her. Someone made her cry. Someone made her not to believe in love anymore. At nandito siya para ipakita at iparamdam kay El na hindi siya tulad ng lalaking nanakit sa kanya. He is here to make her feel loved and cherish.

"So, aside from managing the restaurants at pagtugtog sa Pub every friday night, may iba ka pa bang pinagkakaabalahan?" tanong niya dito.

Nilingon siya ng dalaga ng nakakunot ang noo.
"Bakit mo naman naitanong 'yan? Getting to know stage na ba tayo? Sorry Mr.Nadal, I don't date." mataray nitong sagot.

Saglit siyang natigilan. Napaisip.
"Tinatanong ko kasi interesado ako saiyo. Gusto kitang makilala ng lubusan. Normal lang naman siguro iyon di ba? Lalo na't ikaw ang babaeng pakakasalan ko." narinig niya ang pagsinghap nito.

Namilog ang mga mata na dalaga at kaagad na hinarap siya. Hinapas siya nito sa balikat at napa-igik siya.
"Hoy! Sinong nagsabi na magpapakasal ako saiyo?"

He looked at her and smiled confidently.
"Ako."

"Ha?!"

"Angel, you kissed me. Natural lang na panagutan kita-" naputol ang iba niya pang sasabihin ng humalakhak ang dalaga.

AleckWhere stories live. Discover now