Chapter 23

254 9 0
                                    

Secrets and Threats

Isang malaking balita sa society pages ang pagbabalik ni Raye. Inasahan na nila ang bagay na iyon bago pa man nangyari ang gabi ng party. Ang tungkol naman sa naging pagtatangka sa buhay niya ay hindi na nailathala pa. Minabuti niyang hindi na palakihin pa ang isyu.

Minsan may perks din na nagagawa ang pagiging kasapi ng isang prominenteng angkan. Si Garett ang nagpatahimik sa media, trabaho niya iyon bilang abogado ng pamilya. Hindi niya nais pang magkaroon ng anumang kaguluhan tungkol doon, she doesn't need a reminder of what could have happened that night. Sapat na ang kaalamang nasa likod na ng bilangguan ang salarin. Bukod pa doon, hindi niya talaga gusto ang publicity.

Nagising si El ng umagang iyon sa mga bisig ng kanyang asawa. Napangiti siya. He didn't let her go kahit sa pagtulog. Nang bahagya siyang kumilos palayo dito ay mas lalong humigpit lang yakap nito sa kanya. Narinig niya pa ang pagprotesta nito.

Dahan-dahan siyang kumilos paharap dito upang pagmasdan ang gwapo nitong mukha habang natutulog. Gamit ang mga daliri, marahan niyang pinaglandas ang mga ito sa mukha ng asawa, mula kilay, ilong, pilik-mata, ilalim ng mata, pisngi hanggang bumaba sa labi.

She traces his lips slowly, loving the soft firm skin against her fingers. Hindi niya napansin ang unti-unting pagmulat ng mga mata nito na nakatunghay sa kanya. Kaya bahagya siyang nagulat ng halikan nito ang kanyang mga daliri.

"Good morning..." bati nito sa kanya bago siya muling ikinulong sa mga bisig.

She smiled and lay there for a while. She loves a morning like this. Cuddling and enjoying each other's warmth. Naramdaman niya ang pagkilos ng asawa, hinalikan siya nito sa labi bago bumaba patungong tiyan niya. Doon, hinalikan naman nito ang umbok niyang tiyan.

"Good morning, babies..." malambing na bati nito habang hinihimas ang kanyang tiyan. She wanted to stay like that forever kung pwede lang. For her, the moment is so perfect.

"Breakfast time." maya-maya ay sabi nito. Sumimangot siya dahil gusto niya pang manatili sa higaan kayakap nito pero nagrereklamo na ang mga baby niya kung pagbabasehan ang ingay na ginagawa ng tiyan niya ngayon.

Natawa na lang si Aleck at sinabihan siyang magbihis at pagkatapos ay daluhan siya sa kusina. Ito na ang bahalang magluto ng almusal para sa kanya. Mabilis nitong isinuot ang boxer shorts at tshirt, sumulyap pa ito sa kanya ng may kasamang pagkindat bago tuluyang lumabas ng master bedroom.

Naiwan siya doon sa silid na nangingiti sa kawalan. Hanggang sa muli siyang bulabugin ng kanyang tiyan. Nagugutom na ang kanyang kambal.

Natagpuan niya ang asawa na abala sa kusina. Naupo siya sa stool na malapit sa kitchen island. Tahimik niya itong pinagmamasdan habang naghihiwa ng mga prutas. Sumisipol pa ito paminsan-minsan. She can't help but imagine if her babies will take up after him.

Napangiti siya. She wanted a little Aleck running around the house. A little boy with a playful yet sweet smile like his father. She can imagine the little boy sneaking into the kitchen grabbing strawberries in the middle of the night. She can also imagine how protective he can be to his twin especially if it's a girl. Her very own little knight with a brave heart and wonderful soul.

"Why are you looking at me like that?"

Napakurap siya ng marinig ang boses ng asawa. Kanina pa pala siya nagdi-daydream. Nakamasid dito ng may ngiti sa kanyang mga labi.

AleckWhere stories live. Discover now