Chapter 19

311 5 0
                                    

Warning: Reader's discretion is advised.

Husband and Wife

Hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ni El. Alam niyang nagmumukha na siyang tanga sa kakangiti pero wala siyang pakialam kasi masaya siya. Alam niya din na pansin na ng lahat ng tao sa opisina ang halos mapunit na niyang mga pisngi na kanina pa naka-ngiti. So what? E nasa good mood nga siya ngayon.

Naging masaya at maganda ang takbo ng relasyon nilang mag-asawa nitong nagdaang linggo. Naging magandang simula para sa kanila ang ginawa niyang pag-amin dito tungkol sa kanyang nawawala at kinikilalang kapatid. They are starting to get to know each other again. It's like learning every thing about each other's likes and dislikes.

Dahil aminado siya sa sarili na hindi niya lubos na kilala ang asawa. Wala siyang alam sa mga bagay na may kinalaman dito. Katulad na lamang ng mga hilig nitong pagkain o libangan.

Natatandaan niyang nabanggit nito noon na mahilig ito sa strawberry pero maliban doon ay wala na siyang maalala. Nakakakunsensya sa parte niya na hindi niya man lang inalam ang mga simpleng bagay na gusto nito. Samantalang pansin na pansin niya ang pagiging maalam nito sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya.

Maybe, pwede niya itong bisitahin sa opisina at dalhan ng pagkain. Napansin niya kasi na masayang-masaya ito tuwing ipinagluluto niya pagkain. Marahil sa ganoong pagkakataon maipapakita niya dito ang kagustuhang makilala ito ng husto at mapagsilbihan ito bilang butihing may-bahay.

With that thought, kaagad niyang nilista ang mga dapat bilhin sa supermarket bago umuwi pagkatapos ng trabaho. Nais niyang surpresahin ang asawa ng isang intimate dinner o di kaya ay dadalhan niya ito ng pagkain bukas sa opisina. Napansin niya din na madalas itong umuuwi ng pagod, makabubuti dito ang isang relaxing na massage.

Nasa kalagitnaan siya ng pagpa-plano ng kumatok sa opisina niya si Pinkie. She is looking at her, playfully.
"Pwede ko ba maabala ang pagdi-daydream mo?"

"Daydream ka diyan! Hindi kaya. May mga inaayos lang akong mga plano." pagkakaila niya na siyang ikinatuwa ng husto ni Pinkie.

"Sus! Plano ka diyan. If I know noh? Mga plano yan involving Sir Lecki. Halatang halata sa itsura mo, ang pula ng tainga mo oh! Nangangamatis ang mukha mo, daig mo pa pinagsasampal ng limang bakla sa kanto."

Nasapo niya agad ang kanyang mga pisngi.
"Pinkie!!"

Humagalpak pa ng tawa ang secretary niya.
"You're so naughty Madam! Alam ko iniisip mong plano kay Sir, intimate dinner by the candle, then a massage and ayiii!!!"

"Pinkie! Whatever it is that I want to do with my husband is none of your concern!" pagtataray niya, pero dahil kilalang-kilala siya ni Pinkie lalo lamang siya nitong tinukso. Dahil, totoo naman ang mga sinabi nito.

"Hay naku, wag ka na magpaka-plastic. Kung ako nasa sitwasyon mo mas matindi pa ang gagawin ko. Kasi naman, si Sir Lecki yun eh. Amoy pa lang, ulam na! Ang yummy!" ipinaypay pa nito sa sarili ang mga hawak na papel. Umaktong hihimatayin.

Natatawang umiling na lang siya.
"Pinkie, umayos ka. Nakakahiya sa ibang makakakita sayo."

"Eto naman, pagbigyan mo na akong pagpantasyahan ang asawa mo. Hanggang tingin lang naman kami samantalang ikaw, natitikman mo pa. Nakaka-inggit ka nga eh."

AleckWhere stories live. Discover now