Chapter 2

441 7 0
                                    

It's 3pm.
Mahimbing na natutulog si Aleck sa kanyang pad nang pasukin siya doon ng makulit na kapatid.

"Kuuyyyaaaa!!!!" sigaw nito, sabay talon sa kama at dumagan sa kanya. Napa-ungol siya sa sakit.
"Alex... Ang bigat mo!" angal niya dito.
Sa halip na umalis ito sa pagkakadagan sa kanya, lalo pa itong humiga at inihampas sa kanya ang isa sa mga unan niya.
"Bumangon ka na diyan, may ikukuwento ako sayo. Bilis!" sabik na wika nito. Halatang kinikilig pa.

Napa-ungol siya lalo. Alam na niya ang ibig sabihin noon. May ire-reto na naman sa kanya itong babae at malamang nag-set up na naman ito ng blind date para sa kanya. Bagay na mahigpit niyang tinututulan. Hindi niya gusto na magmukhang masama tuwing nagkaka-problema sa mga date niya. Madalas kasi nag-i-expect ang mga ito, he tried to be polite para na rin sa kapatid niyang nag-effort para sa kanya pero sadyang may makukulit na di maka-intindi.

The last date his sister have set was six years ago during college at nauwi sa pagkakaroon niya ng stalker. Pinagbigyan niya ang kapatid na i-date ang kaibigan nito, pero isang malaking pagkakamali iyon dahil naging stalker na niya ito. At first, he doesn't mind, pero habang tumatagal parang nag-iiba na.

Brigette keeps on following him everywhere, anywhere. There were times na nagawang i-threaten nito kahit sinong babae na lumalapit sa kanya, kamag-anak man o kaibigan. That was the time that he have decided to talk to her, at mukha namang natauhan ang babae.

One date. Iyon lang. Isang simpleng dinner lang iyon pero inisip na ni Brigette na sila na.

Dahil doon mas naging maingat na siya. Single siya and he doesn't mind. He have decided to keep himself single and available for her. Simula noong maghiwalay sila ng girlfriend niyang si Irish, hindi na siya pumasok pa sa isang relasyon.

Napangiwi siya. It's a bad break-up. Galit na galit si Irish sa kanya. Though their relationship lasted for only six months, naging masaya din naman sila kahit papaano, pero sadyang may ibang itinitibok ang puso niya.

Tinawag siya ni Irish na isang baliw. Napangiti siya ng mapait.

Tama si Irish, baliw na siya. Nagmamahal siya ng isang babaeng kahit kailan ay hindi siya magagawang mahalin pabalik. Isang babaeng walang pangalan. Isang babaeng hindi siya kilala. Isang babaeng minsan niya lang nakita pero bumihag na sa kanya ng tuluyan.

Hindi niya magagawang magmahal pa ng iba. Kaya naman, ang ideya ni Alex na panibagong blind date ay hindi na pwede. It's a big NO.
He can't.

"No. Babae naman iyan. Ayoko." sabi niya, itinulak niya ang kapatid at kaagad na dumapa, itinakip niya ang unan sa kanyang ulo at bumalik sa pagtulog. Napagod siya dahil magdamag siyang nag-drive kagabi pabalik ng Manila galing Baguio. Kaya sinusulit niya ang araw na ito para magpahinga. Tapos saka naman dumating ang asungot na kapatid.

"Kuya, this is serious. " pagigiit nito.

"Yeah right. That's another case of Brigette Syndrome. Kaya ayoko." bagot na sagot niya.

"But.. Matagal na iyon. College ka pa noon. You never dated anyone after that. You went to States after graduation. You stayed there for two years, still you never date. Tapos pagbalik mo dito sa Pilipinas nalaman ko na lang girlfriend mo na yung Irish na iyon. You never mentioned her, Ni hindi mo siya pinakilala sa amin. Then all of a sudden break na kayo. And all of that happened four years ago. Huwag mo sabihing di ka pa naka-move on sa loob ng apat na taon?"

Hindi niya pinansin ang paglilitaniya nito. Ano bang pakialam niya. Masaya siya sa buhay niya. Ang pakikipag-relasyon niya kay Irish noon ay isang pagkakamali. He thought he could forget her, he thought it was all a simple crush, an infatuation. Kaya naman niligawan niya si Irish para na din mabaling ang atensyon niya dito at makalimutan siya. Pero nagkamali siya, hindi pala iyon ganoon kadali. Nasaktan niya lang si Irish at hindi naging maganda ang resulta.

AleckKde žijí příběhy. Začni objevovat