Chapter 1

871 11 0
                                    

Punung-puno ng tao ang pub ngayong gabi. Karaniwan na iyon dahil araw ng biyernes. Nagkataong long weekend pa kaya mas marami ang gumigimik ngayon kumpara sa mga nagdaang gabi.

Pinagmasdan niya ang buong paligid. Maraming tao ang nagsasayawan sa gitna dance floor. May bandang tumutugtog sa stage. Ang ilang mga naka-upo ay nakiki-jamming sa kumakanta. Ibinaling niya ang kanyang paningin patungo sa bartender at doon nakita niya ang kanyang mga kaibigan kanina pa naghihintay.

"Tara, nandoon sila." yaya sa kanya ng kasamang si James. Sinundo siya nito matapos ma-flat-an ang gulong ng sasakyan niya.

Sumunod siya dito, nang makalapit sa mga kaibigan nila, napansin niya ang isang lalaking nakaupo katabi ni Alexis.

Boyfriend nya ba 'to?

Pero hindi niya isina-tinig ang nasa isip, sa halip nilapitan niya si Alexis at hinagkan sa pisngi.

"You're late. You have me worried. Akala ko di ka na darating. Birthday ko pa naman.." sabi nito sa tonong nagtatampo. Ngumiti lang siya, ang cute kasi nitong tingnan.

"Sorry. Na-flat kasi yung gulong ng sasakyan ko. Kinailangan ko pa ipa-tow. Buti na lang dumating si James para sunduin ako kung hindi malamang mamaya pa ako makakarating. " paliwanag niya dito.

Bagamat nakaharap siya kay Alexis, ramdam na ramdam niya ang mga titig ng lalaki. Hindi niya maiwasang mag-isip na nasa kanya ang buong atensyon nito. Na para bang sa kanya lang umiikot ang mundo nito.

Wait, teka lang, over na yun ah? Tumingin lang sayo, ikaw na agad ang mundo niya?
Napa-ngiti siya sa sinasabi ng utak niya, bagay na napansin ni Alexis na kanina pa pala nagsasalita.

"Hoy! Nakikinig ka ba?" untag nito sa kanya.

"Ha?"

"Ano bang iniisip mo at parang kinikilig ka?"

"Hindi ah!" kaagad na sagot niya, napalakas pa ng bahagya ang boses niya, bagay na kaagad din niyang napansin at naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang tainga.

Narinig niya ang hagihik ng mga kaibigang nakaupo rin sa table na iyon. Napa-tingin siya sa lalaking kanina pa umaagaw ng atensyon niya. Maging ito ay nakatingin rin sa kanya at halatang pinipigil na tumawa katulad ng mga kasama niya.

Ano bang mayroon sa mga 'to?

"May naalala lang ako, at hindi ako kinikilig." paglilinaw niya, pinandilatan niya pa ang kaibigan.

Tumaas lang ang kilay nito at ngumiti ng nakakaloko.
"Whatever you say.."

"Siya nga pala, El. Brother ko."

Agad niyang hinarap ang lalaking kasama ng kaibigan. Ang lalaking kanina pa nagpapa-nerbyos sa kanya.

Ano ba?! Kailan pa ako naging nerbyosa?

"Hi. I'm El." bati niya. Inilahad niya ang kanyang kamay para makipag-kamay dito and a familiar set of eyes met hers. Bigla siyang kinabahan. How can those eyes felt so familiar? Impossible. She is very sure that she had never met him before. Pero bakit parang she know those eyes, somewhere.

"Hello. It's nice to finally meet you." he said. Sa pandinig niya lang ba? O parang may malalim na kahulugan ang mga salitang iyon? And that voice, she heard of it before, pero bakit di niya maalala kung saan. May amnesia ba siya?

Hindi maalis ang mga mata niya na nakatitig dito. She can't look away, its like she's completely captivated, and everything seems to vanish around them. It's like there is only the two of them.

"What?" kaagad niyang sabi. Binawi niya ang kamay na hawak-hawak nito at binalingan si Alexis. Kanina pa pala ito nagsasalita pero hindi niya iyon pansin dahil nasa kapatid nito ang atensyon niya.

Maang siyang tiningnan ni Alexis, natigil din ito sa pagsasalita.

"What did you just say?" pag-uulit niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan siya. Impossible.

"I said, he's my older brother. His name is Aleck Earl Nadal. Everybody calls him Lecki. He is-"

"L-Lecki?" halos pabulong niyang sabi. Napakunot ang noo ni Alexis nang mapagmasdan ang reaksyon niya.

"Is there a problem?" tanong ng kapatid ni Alexis.

Napatingin siya dito, at kaagad na namula ang kanyang pisngi, ramdam na ramdam niya pag-iinit ng kanyang mga tainga. Lalo pang tumindi ang nararamdaman niya ng marinig niyang tumatawa sina James at iba pa nilang kaibigan, parang gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan niya.
Hindi nakatiis si Anthony, ang kaibigan niyang bartender at ito na mismo ang nagpaliwanag.

"Wala namang problema, pre. Memorable kasi kay El ang pangalang Lecki." sabi nito habang naka-ngiti at naaaliw sa mga pangyayari.

"Tingnan mo nga naman, akalain mo bang mabubuhay ang imaginary boyfriend mo?" si James ang nagsalita. Nakangiti ito ang may kung anong naiisip na kalokohan base sa kislap ng mga mata nito.

Alam niya kung bakit, ilang pagkakataon na ba ang nabilang niya sa tuwing ngumingiti ang mga ito ng ganoon. Kilala na niya ang halukay ng bituka ng mga ito. At alam niyang base sa mga ngiti at hagikhik ng mga ito ay pinaplano na naman ng mga ito na i-love team siya sa bagong dating, namely si Lecki, ang kapatid ni Alexis.

Matagal na silang magkakaibigan, sina Anthony, ang bartender at chef ng grupo. Si James na isang Basketball coach sa sariling school na pagmamay-ari ng pamilya. Nakakatuwa lang, may degree ito sa business management pero nagtuturo ng basketball. Anong trip nito?
Si Kevin na isang banker at freelance photographer. Ang tatlong itlog na ito ang mga kaibigan niya at laging kasama sa hirap at ginhawa. Parang mga kapatid na ang tingin niya sa mga ito, at palagi itong nandidiyan para sa kanya, nandidiyan sa lahat ng sandali, bilang sandigan man o pampalala ng sakit sa ulo-tulad ngayon.

"Imaginary boyfriend? " tanong ni Alexis. Napangiwi siya. Baka isipin ni Lecki may saltik siya. Sa tono pa lang ng pananalita ni Alexis halatang gustong malaman nito ang kwento sa likod noon.

"Hindi mo na kailangan mag-imagine ngayon. Single ang kuya ko." sabi nito, at halatang excited sa idea na naiisip, kung anuman iyon, ayaw na niyang patulan.

"She's right, you know. I'm real. Lecki Nadal, at your service. " nakangiting wika nito. Lalo siyang pinamulahan ng mukha, pakiramdam niya sasabog ang pisngi niya at umuusok ang tainga niya sa labis na kahihiyan.

Paano nangyari 'to? Napaka-impossible ng lahat. Si Lecki, ang kanyang imaginary boyfriend since high school happens to be a real person at kaharap niya ito ngayon. Her imagination didn't bring him justice. The real Lecki exceeded her expectations.

The eyes, the voice, the way he smiles, everything about him screams for her attention at ang hirap balewalain.

She have decided long ago to never fall in love again. Her friends told her, wag magsalita ng tapos. Its looks like she's going to take those words back, because meeting Lecki tonight made her long frozen and beat-up heart, beat.

~*~*~*~*~*~

AleckWhere stories live. Discover now