Chapter 3

312 4 0
                                    

7pm
Nanginginig ang buong katawan ni Aleck. Kinakabahan siya. Aminin niya man o hindi, halatang-halata na excited siya na makilala ang babaeng sinasabi ng kapatid.

Biglang nawala lahat ng antok at pagod niya kanina ng makita ang picture na naka-display sa screen ng cellphone nito. Napakaraming tanong ang nabuo sa kanyang isipan katulad ng paano ito nagkakilala ng kanyang kapatid? Anong tunay niyang pangalan? May boyfriend na kaya ito? Single? Baka naman masungit? Kung anu-ano pa.

Mukhang nabasa ng kapatid niya ang maraming tanong sa kanyang isipan. Ngumiti ito nang may halong kulit.
"Her name is Angel Elisha Alcantara. Siya ang bagong hire na President ng kumpanya. Exclusively appointed siya ni Daddy at may mataas na recommendation from the board. As far as I know, siya dapat ang CEO at Chairman ng Alcantara Medical Group, pero sa di malamang reason ayaw niyang tanggapin ang position. Then pinasok niya ang food industry with a group of friends. Daddy is very interested in partnership lalo pa't grandfather ni El ang isa sa mga major stockholder natin."

"You were so busy with the expansion ng Nadal Hotel, so nag-decide si Daddy na i-appoint siya. Nagkakilala kami after some time sa Makati sa isang party ng Business Club. We became friends since then."

Aaminin niya, medyo naiinggit siya ng very very light dahil nauna itong nakilala ng kapatid niya kaysa sa kanya. Kung tama ang kalkulasyon niya, nagkakilala ang mga ito noong nasa New York siya para sa isang photo exhibit.

Natatandaan niyang kinukumbinsi siya ng kanyang ama na bumalik na ng bansa para humalili dito pero tumanggi siya. That was after his break-up with Irish.

Eh di sana matagal na kaming nagkakilala.

Naputol ang daloy ng kanyang pag-iisip ng makita ang paparating na kapatid. Nasa isang restaurant sila sa Mall of Asia, doon nila napag-usapang magkita, dahil may dinner daw ito kasama ni El at mga kaibigan nito.

Nauna siyang dumating at naghihintay sa pagdating ng kapatid. Nakaka-ilang baso na din siya ng tubig na naiinom dahil sa sobrang kaba. Nanlalamig ang mga kamay niya. Ito na ang araw este gabing kanyang pinakahihintay.

Bumati ang kanyang kapatid, nagkwentuhan sila saglit nang paisa-isang dumating ang mga sinasabing kaibigan ni El.

Naunang dumating si Anthony, sinundan iyon nina James at Kevin. Napag-alaman niyang ito ang mga kaibigan ni El na kasamang bumuo at nagtatag ng Heaven's Pot Chain of Restaurants na pinondohan at sinuportahan ng Nadal Empire. Matapos ng nangyaring partnership kung saan major stockholder ang kanilang ama, napagpasyahan ng buong board of directors na kay El ipamahala ang Heaven's Pot.

"Si El?" tanong ni Alex kay Anthony.
Umiling ang binatang tinatanong.
"Hindi siya sumasagot. Kanina pa busy ang cellphone niya." sagot nito.

Halata ang pagkabalisa ng tatlo sa sinabing iyon ni Anthony.
"Hindi naman nale-late iyon." si Kevin ang nagsalita. Halatang nag-aalala na din ito.

Kanina pa natapos ang kanilang dinner pero hindi pa rin dumadating ang hinihintay nila.

"Subukan ko ulit tawagan." sabi ni James. Kaagad itong tumayo at lumayo pansamantala sa grupo.

Madali niyang nakapalagayan ng loob ang mga ito, marahil ay dahil na rin sa pare-parehas sila ng hilig. Photography.

"So, Aleck. Single ka ba?" walang pasakalyeng tanong ni Anthony.
Napa-ngiti siya. Hindi niya inaasahan ang tanong nito.
"Bakit mo naman naitanong yan?" sagot niya.

Doon lamang napansin ni Aleck na inaabangan ng tatlong ito ang kanyang isasagot.
"Seriously? "

Hindi napigilan ni Alex ang tumawa.
"Guys. Come on. Single ang kuya ko. Kaya ko nga siya sinama dito. " she said, sabay kindat sa kanya.

Bahagyang kumunot ang noo niya sa mga nangyayari.

"E di mabuti. Kung tama ang sinasabi ni Alex tungkol sayo, pare.. Thumbs up ako sayo." sabi ni Kevin.

"It means they approved of you, para kay El. " pagpapaliwanag ng kapatid niya.

What? Bakit kailangan pa ba ng approval sa mga ito?

Magsasalita sana siya para sabihing wala siyang pakialam pero dumating si James para sabihin na hindi makakarating si El sa restaurant at nagbilin na susunod na lamang ito sa pub.

Pub?

Hindi nagtagal pinapasok na nila ang maingay at masayang disco-bar sa Makati. Nalaman niya din mula sa kapatid na personal na pagmamay-ari ng magkakaibigan ang pub na iyon. Ito ang unang project nila bago nagpasyang pasukin ang pagtatayo ng restaurant.

Mamaya-maya pa, dumadating na si James. Humiwalay ito sa kanila kanina para daw sunduin si El.
And there she is. The woman of his dreams. The very same woman he longed for so many years.

Hindi niya alam pero parang tumigil saglit ang pag-ikot ng mundo niya. Hindi niya napansin na napahigpit ang pagkakahawak niya sa basong naglalaman ng kanyang inumin. Tanging kay El lang nabaling ang buo niyang atensyon. May narinig siyang humahagikhik, at alam niyang ang kapatid niya iyon at sina Anthony pero hindi niya iyon pinansin.

Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Samut-saring emosyon. Pinagmasdan niya ang paglapit nito sa mesa nila.

Shit. Ang ganda niya.

Napalunok siya. Napansin niya ang karamihan sa mga kalalakihan sa pub. Ang lahat ng mga ito nakatuon lang ang atensyon sa magandang babaeng pumasok at naglalakad patungo sa kanila.

She held her hair in a bun. Fringes framed her angelic face. Some ebony locks escape flowing gently on the side of her face. Her skin is a fair as he remembered. No hint of make up on her face, just a simple lip gloss adoring those sexy lips. She's wearing a black shirt with a sign 'Not you're average chick'  - he smiled on that. Her long legs were outlined with black jeans, and finally high cut converse shoes.

Those jeans showed a lot of her figure. She may not be aware of it, but he find her choice of clothing- sexy.

She was breathless ng makarating sa table nila. Kaagad nitong binati ang kanyang kapatid at naaliw siyang pagmasdan ang paulit-ulit na pagsulyap nito sa kanya.

"Ano bang iniisip mo at parang kinikilig ka?" narinig niyang tanong ni Alex dito.

"Hindi ah!"

Lalong lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang pamumula ng mukha nito.

Nakaka-aliw itong panoorin.

"Siya nga pala, El. Brother ko."
Kaagad niyang inabot ang kamay nito. At ganoon na lamang ang pagdadasal niya na hindi sana nanginginig ang kamay niya o kaya'y pinagpapawisan.
Hindi nawala ang mga mata niyang nakatitig dito. Napakatagal na panahon ang hinintay niya para mangyari ang mga sandaling ito kaya't lulubus-lubusin niya na.

May pinag-uusapan ang mga ito tungkol sa isang imaginary boyfriend na parehas ng pangalan niya. Hindi niya nais ipahalata pero ang totoo, natutuwa siya.

Shit. Kinikilig ako.

"Is there a problem?" tanong niya dito, umiwas ito ng tingin at halatang nahihiya.

No. Don't look away.

Pinilit niyang kunin muli ang pansin nito pero sadyang umiiwas ito marahil ay dahil na rin sa panunukso ng mga kaibigan nito lalo pa't inihayag ni Alex na single siya at available.

"She right, you know. I'm real. Lecki Nadal, at your service." pagsang-ayon niya. Muli, tumingin ito sa kanya at muling nagtama ang kanilang mga mata.

Damn. I'll never get tired of those eyes.

*~*~*~*~*

AleckWhere stories live. Discover now