17. Cookies

1.3K 23 1
                                    

Mahal kita, mahal kita hindi 'to bola

- Ewan by Apo Hiking Society

--------------------------------

COOKIES

(EXO D.O Imagine ~ Taglish)

"Ate Jannah!" Sigaw ni DJ habang papalapit sa'yo.

DJ was D.O's younger brother who is six years old.

"Hello DJ!" Bati mo sa kanya sabay yakap sa kanya.

"Wah Ate Jannah! Buti andito ka at binisita mo ako." Sabi ni DJ na sobrang lawak ng ngiti.

"Hoy tabi diyan! Hindi ikaw binisita niya, ako kaya!" Banat naman ni D.O habang tinutulak palayo ang kapatid niya sa'yo.

"Di ba Jannah? Ako naman talaga ang binisita mo dito diba?" Dagdag niya habang nakayakap siya sa'yo.

"Kadiri ka Kuya! Layuan mo si Ate Jannah!" Sigaw ni DJ habang hinihila papalayo sa'yo ang Kuya niya.

Napailing-iling ka na lang at natawa. Heto na naman ang mag-Kuya na 'to.

"Ang totoo niyan D.O, andito ako para kay DJ. Tinext ako ni Mama mo dahil kelangan daw ulit niya ng tutor."

"Ano?" Hindi makapaniwalang sagot ni D.O.

"Oo nga. Tinext ako ni Tita. Check mo pa." Sabay abot ng phone mo sa kanya.

May business trip ang Mama nila kaya pinakiusapan ka niya na ikaw muna magturo kay DJ.

Agad niya naman kinuha ang phone mo at binasa ang message.

"Yay! So tuturuan mo po ako ulit Ate Jannah?" Excited na sabi ni DJ.

You nodded.

Padabog naman binalik ni D.O ang phone mo sabay tinignan ng masama si D.O. Kainis na bata 'to! Akala ko pa naman masosolo ko si Jannah.

"O halika na sa room mo, madami ka daw homeworks sabi ni Mama mo eh." Sabay hawak sa kamay ni DJ.

"Opo Ate marami nga." He said as he pouted.

"Aww. Wag na sad. Tutulungan ka ni Ate di ba? At tska kapag very good ka, bibigyan kita ng cookies!"

"Cookies?!" Sabay na sigaw ni DJ at D.O.

Natawa ka kasi pareho pa nanlaki mata nila.

"Oo may dala ako." Sabi mo sabay pakita nung dala mong paper bag.

"Wow Ate! Akin lang 'yan ha!" Sabi ni DJ.

"Oo naman." You said as you gently pinched his nose.

"Madaya! Paano naman ako?" Reklamo ni D.O.

"Next time na. Promise magbe-bake ako ng marami para sa'yo."

"Behlat wala kay Kuya!" Pang-aasar ni DJ as he stuck out his tongue.

"Kainis naman! Sige magsama kayong dalawa. Diyan na nga kayo!" Sumbat ni D.O na padabog umalis at naglock sa kuwarto niya.

Bigla ka tuloy na-guilty.

"Hala, nagalit ata Kuya mo DJ."

"Hindi 'yan Ate. Nagprapractice lang 'yan maging best actor. Halika na po sa room ko." He said as he held your hand at pumunta na kayo sa kuwarto niya.

Sinumulan niyo na mag-aral. Matalino at mabilis maka-catch up naman na bata si DJ kaya hindi ka naman nahirapan na turuan siya. After mag-aral ng lessons niya ay tinulungan mo naman siya sa mga homeworks niya.

Napansin mo na panay na ang hikab ni DJ kaya sinabihan mo siya na magpahinga muna at ipagpapatuloy niyo na lang ulit mamaya. Pumayag naman siya. Mabilis naman siya nakatulog kaya iniwan mo muna siya sa kanyang kuwarto.

Paglabas mo nakita mo si D.O na mag-isang nanonood ng TV. Naisipan mo na lapitan siya. Nagtatampo pa kaya?

You hugged him from behind as you wrapped your arms around his neck while he was still sitting at the sofa.

"Nagagalit ata ang boyfriend ko. Sorry na po." Suyo mo habang tinitignan ang mukha niya.

Si D.O aminado na nagtatampo siya kanina pero ngayon mukhang hindi na. Paano mo magawang magalit kung ganito naman kalambing ang girlfriend mo?

"Hindi ako galit, nagtatampo lang. Ikaw kasi eh, alam mo naman na ilang araw na di tayo nagkita. Kaya nga nung tumawag ka kanina umaga na sabi mo pupunta ka dito sa bahay, ang saya-saya ko. 'Yun pala kaya ka andito dahil kay DJ."

"Asus! Sigurado ka na si DJ lang pinunta ko dito?" Tanong mo. Eto talaga pati kapatid niya pagseselosan pa.

"Eh ano pa nga ba?" Sumbat niya.

Napangiti ka dahil halatang nagseselos nga siya. Pumunta ka ngayon sa tabi niya at inabot ang isang box.

"O para sa'yo. Peace offering para di ka na magtampo."

"Ano 'to?" Tanong niya.

"Cookies 'yan." Sagot mo.

His face instantly lit up. "Talaga? Akala ko si DJ lang meron?"

"Pwede ba 'yun? Siyempre meron ka din."

Di niya na tuloy ang mapigilan ang saya niya kaya niyakap ka niya ng mahigpit. "Maraming salamat! Sorry sa inasal ko kanina."

"Asus may cookies lang kasi." Pang-aasar mo.

"Eh kasi naman, alam mo naman na the best ang cookies mo!" Puri niya.

"At nambola pa talaga."

Nagulat ka na lang ng bigla ka hinalikan sa pisngi sabay niya binulong sa tenga mo, "Mahal na mahal kita Jannah. Eto walang halong bola."

-------------------------------

*Boom! Gumaganyan ka D.O ah! :)

A jealous D.O for @JannahMaeRamilo! :)

Sana magustuhan mo. Sorry alam ko matagal ka naghintay. ^_^

- GMJM :)

EXO Imagines (CLOSE REQUEST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon