11. One Large Taro

1.6K 32 6
                                    

You got me hypnotize, so mesmerize and I just got to know...

- Crush by David Archuleta

--------------------------------------

ONE LARGE TARO

(EXO Luhan with Sehun ~ Taglish)

"One large Taro Bubble Tea for Regine!"

Ui akin 'yun ha. Tumayo ka na para kunin ang bubble tea mo. Pero may ibang kumuha.

"T-teka akin.. Luhan?" Nabigla ka na si Luhan, classmate mo ang kumuha ng bubble tea mo.

Mukhang nagulat din siya nung makita ka niya.

"Uh-oh! Mukhang may mabubuko!"

Napatingin ka naman sa nagsalitang iyon.

"Oh Sehun?" Si Sehun nga, schoolmate mo na bestfriend ni Luhan.

"Manahimik ka!" Mahinang suway ni Luhan sa kanya.

"Ahm, Luhan, akin ata 'yang bubble tea na hawak mo." Sabi mo sabay turo sa bubble tea na hawak niya.

"Ay hindi ma'am kay Sir Luhan po talaga 'yan. Matagal na po siyang customer dito at laging Regine po ang pangalan na pinapalagay niya." Biglang umeksena si Ate na nasa counter.

Napatingin ka tuloy kay Luhan na pulang-pula na. Nako, paano ba 'to?

"Buking ka na hyung!" Bulong ni Sehun sa kanya tapos sumipsip ulit sa bubble tea niya.

"Bakit Regine?" Tanong mo sa kanya.

"Ha? Eh kasi.. Ano.. Ah.. Paano ba.. Si Regine.. Velasqez! Oo si Regine Velasquez, idol ko siya!" Palusot ni Luhan na halos magmukha ng mansanas sa pula.

"Ah ganun ba?" Tanong mo at tumango naman siya.

"Eto na po 'yung sa inyo ma'am. One Large Taro for you miss Regine." Sabi ni Ate na nasa counter at sabay abot ng bubble tea mo.

"Salamat po."

"Saan ka nakaupo, Regine noona? Pwede ba kami maki-share ng table ni Luhan hyung?" Tanong ni Sehun pero nakatingin ito kay Luhan at nakangisi pa.

Sinamaan siya tuloy ng tingin ni Luhan. Nakakainis naman 'tong si Sehun. Lakas mang-asar eh.

"Sure! Mag-isa lang naman ako eh. Tara!" Aya mo tapos nauna ka para sundan ka nung dalawa kung saan ka nakaupo.

"Pagkakataon nga naman hyung oh. Akalain mo." Bulong ni Sehun.

"Tigilan mo ko. Kapag nabuking talaga ako, malalagot ka sa akin! Di na kita ililibre ng bubble tea!" Pagbabanta ni Luhan.

"Aigoo hyung. Wag ganyan. Dapat magpasalamat ka pa nga at tinutulungan pa kita eh." Pang-aasar niya as he nudge Luhan's side.

"Dito." Sabi mo tapos umupo ka na.

"Ay dito na ko sa kabila. Diyan ka na sa tabi ni Regine noona hyung." Sabi ni Sehun at pinaupo si Luhan sa tabi mo habang siya naman sa kabilang side ng table.

Nakita mo ang pagkindat ni Sehun kay Luhan. Ang weird naman ng mga 'to pero ang cute.

Napangiti ka na lang tuloy. Nakita 'yun ni Luhan kung kaya't di niya rin mapigilan ngumiti. Ang ganda niya talaga. Ugh Luhan! Ano bang pinag-iisip mo!

He shook his head.

"Okay ka lang?" Tanong mo kay Luhan.

"Ha? O-oo. Excuse ma lang ha, punta lang ako washroom."

EXO Imagines (CLOSE REQUEST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon