10. Slamdunk

1.6K 35 1
                                    

Pansin ko minsan ang mga lalaki, dinadaan sa pang-aasar kapag gusto nila ang isang babae. :P

-REENA ^^

P.S

First Taglish Imagine requested by @CaptainBulletproof! Sana magustuhan mo at sana magustuhan niyo rin. Wah! Enjoy! :)

--------------------------------------------

PASAN

(EXO Tao Imagine ~Taglish)

"Chloe dalian mo! Ang bagal-bagal mo naman!" Sigaw ni Tao.

Tapos na ang klase at ngayon ay sabay kayong naglalakad pauwi.

"Eto na nga binibilisan ko!"

"Mabilis mo na 'yan? Mamaya pag-uwi natin tapos na yung palabas eh!" Sumbat niya.

"Sorry naman ha? Eh kasi isa lang naman akong lalampa-lampa na di gaya mo na athletic."

Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya ikaw din napahinto.

"O akala ko ba nagmamadali ka?" Tanong mo sa kanya.

"Oo kaya halika na papasanin na kita sa likod ko para mabilis tayo." Sabi niya habang hinihila kamay mo.

"Ayoko nga!" Sabay tulak sa kanya palayo.

"Ang arte mo naman!" Sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Eh kasi naman nakakahiya sa'yo ang bigat-bigat ko. Mauna ka na kaya. Mamaya mamiss mo pa yung episode ng paborito mong palabas. Ang walang kamatayan na replay ng Slam Dunk!"

"Ano ka ba huwag ka nga ganyan! Kahit ilang replay pa 'yun, di nakakasawang panoorin noh. At tsaka wag ka na mahiya saken magpabuhat, eh hindi ka naman mataba. Kung isang sako nga ng bigas kayo kung buhatin. Ikaw pa kaya! Halika na kasi." Pilit niya.

"Oo na alam ko mala-Superman ang lakas mo! Kaso ayoko pa din. Hello? Naka-palda po ako." Rason mo.

"Eh ano naman? Makikita panty mo?"

"Kadiri ka Tao! Ang manyak mo!" Bigla mo siyang pinaghahampas ng bag mo habang siya naman eh todo ilag.

"Hoy Chloe tama na! Ano ba kasing mali sa sinabi ko?"

"May shorts akong suot noh!" Sigaw mo sa kanya. Yung mukha mo ay sobra ng pula dahil sa kahihiyan.

"Ayun naman pala eh! Halika na. Di ko rin naman makikita kung ano man yang ayaw mong ipakita!" Sabay ngisi ng nakakaloko.

"Manyak mo!" At hinampas mo uli siya sa braso.

"Di noh! Gwapo lang!" Hirit niya.

"Ewan ko sa'yo!"

"O ano pasanin na kita? Sige ka 'pag di ka pumayag, aasarin kita lalo." Panakot niya.

"Oo na! Kahit naman umayaw ako, aasarin mo pa rin ako eh. Wala rin akong choice." Sagot mo.

Ngumiti si Tao. Buti alam mo. Galing ko talaga! :P

He lowered himself para maabot mo siya dahil matangkad nga siya. Niyakap mo siya sa leeg while he tuck his arms under your thighs. At dahan-dahan siya tumayo.

"Sabi ko sa'yo magaan ka lang eh. Kumakain ka ba?"

"Yabang mo!" Bulyaw mo.

Nagsimula na siyang maglakad habang pasan-pasan ka sa kanyang likuran.

"Chloe, may gusto akong itanong sa'yo. Okay lang?"

"Nagtatanong ka na nga eh." Sabi mo.

"Sungit mo talaga." Sabi niya sabay nguso.

Napangiti ka dahil ang cute niya tignan.

"Joke lang 'yun. Napaka-matampuhin mo naman na nilalang. Ano ba kasi 'yun?"

"Ahm.. Ano kasi eh.. May nanliligaw na ba sa'yo?" Nahihiya niyang tanong.

Medyo nabigla ka sa tanong niya.

"Ha? Wala naman. Bakit mo natanong?"

Kinabahan si Tao bigla. "P-pwede b-ba k-kita l-ligawan?" Ano ba 'to bakit ako nauutal bigla.

Mas lalo mong ikinagulat ang sunod niyang tanong.

"B-bakit?" 'Yun na lang nasabi mo habang nakukunot ang noo mo at pilit tinitignan ang mga mata niya.

"Anong bakit? Chloe, ano namang klaseng sagot 'yan? Oo at hindi lang naman eh." Iritableng niyang sagot pero halatang kinakabahan pa rin siya.

"Bakit ako Tao? Ibig kong sabihin, bakit mo akong gustong ligawan? Ano pinagtritripan mo lang ba ako ha?"

"Pinagtritripan? Hindi noh. Kaya lang naman kita gustong-gusto na asarin eh dahil crush kita." Bigla siyang namula sa sinabi niya kaya napayuko siya.

Nagulat ka. So crush niya rin ako?

"Ganun ba. O akala ko ba nagmamadali ka. Bakit ang bagal-bagal mo maglakad?"

"Hindi na. Grabe ka 'yun lang ang reaction mo? Ganun ba lang? Chloe, seryoso ako. Wala na akong pakialam kung ma-miss ko mapanood 'yung paborito kong palabas. Basta sagutin mo 'yung tanong ko. Pwede ba kitang ligawan? Oo o hindi? Kapag di ka sumagot. Di kita ibaba!" This time seryoso na ang mukha niya.

"Oo na Tao!" Sigaw mo.

At dahil sa sagot mo, ngumiti siyang ng isang napakalapad na ngiti. "Ayun naman pala eh!"

Bigla na lang niya binilisan ang paglalakad na halos tumatakbo na para bang nakakalimuyan niya na buhat-buhat ka niya. Pero kita mo ang saya sa mukha niya.

"Oi t-teka baka madapa ka at malaglag ako! Dahan-dahan lang!" Suway mo.

"Wala akong pakialam. Maabutan pa natin 'yung Slam Dunk! Ikaw kasi ayaw mo sa madalian, ang dami mo paliguy-ligoy. Oo lang pala sagot mo!"

"Ewan ko sa'yo. Ang yabang mo." Sabi mo pero nakangiti.

"Oo mayabang ako. Mayabang ako dahil ako ang magiging boyfriend mo."

EXO Imagines (CLOSE REQUEST)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ