12. Bite in Shining Armor

1.6K 32 1
                                    

You are my sweetest downfall...

- Samson by Regina Spector

--------------------------------------

BITE IN SHINING ARMOR

(EXO Sehun ~ Taglish)

It was already quite late in the evening.

Mag-isa kang naglalakad pauwi sa bahay niyo. Buti na lang bilog at maliwanag ang buwan kaya hindi masyadong madilim lalo na't walang ilaw sa iskinitang dinadaanan mo ngayon.

Pero napatigil ka ng biglang may dalawang lalaki na malalaki ang mga pangngatawan at mukhang adik ang papalapit sa'yo.

Nakaramdam ka bigla ng takot kaya bigla kang napaatras. Kaya na lang you instantly turned your back and started to run.

"Hoy miss! Sandali lang!" Narinig mong sigaw nung isa.

"Lagot ka sa amin kapag nahuli ka namin." Bulyaw naman nung isa.

Binilisan mong tumakbo habang sumisigaw ka ng tulong. Hinihingal ka na at unti-unti na rin sumasakit ang mga paa mo. Pero hindi ka pwede tumigil dahil hinahabol ka pa rin ng dalawang lalaki.

Nilingon mo sila at nakita mong papalapit na sila ng papalapit sa'yo. Ugh di ko na kaya! Pagod na ko.

Hindi mo napansin ang bato sa dinadaanan mo, napatid ka pero di ka natumba ng biglang may humapit sa bewang mo at bigla kang hinila sa isang madalim na sulok.

Hindi mo maaninag ang mukha niya dahil sa sobrang dilim at nakasuot pa siya ng hoodie pero alam mong matangkad siya dahil halos gadibdib ka lang niya. You were secluded in his arms.

"Sino.." Pero di mo natapos ang sasabihin mo ng ilagay niya ang daliri sa labi mo.

"Shhh." He silenced.

Narinig mo ang boses ng mga lalaki na naghahanap sa'yo. Nakaramdam ka ng pangamba na baka makita kayo.

Maya-maya hindi mo na narinig ang kanilang boses.

Inangat mo ang ulo mo, hindi mo maaninag pa rin ang mukha ng taong nagligtas sa 'yo. He freed you from his arms at tumingin siya sa paligid-ligid to check kung andun pa rin ang mga humahabol sa'yo.

"They're gone." Sabi niya.

He has a deep voice.

You felt relieved nung sinabi niya yun. Nilapitan mo siya at doon mo napansin na naka-all black siya. Black na hoodie jacket, pants pati sapatos.

Nakayuko siya habang nakapamulsa pareho ang kanyang kamay.

"Thank you sa pagligtas mo sa akin. I'm Jasmine. And you are?" Inabot mo ang kamay mo sa kanya.

He shook hands with you and your body instantly stiffened because his hands were so cold like ice.

Tinanggal niya ang hood sa kanyang ulo na mas lalo kang na-frozen nung makita mo ang kanyang mukha.

"My name is Sehun." He answered.

Nakakatitig ka lang sa mukha niya. He looked so perfect. His blondie hair, fair skin, thin lips, pointed nose, his jawline -- everything. Ang gwapo niya naman? Is he real?

Pero napansin mo, pula ang kanyang mga mata.

"Naka-contacts ka ba? Your eyes are red." Sita mo.

He instantly pulled away his hands as he took a step backward.

"Ah n-no. Something just came into my eyes a while ago. I guess I rubbed my eyes hard so it turned red." He replied as he tried to avert his gaze from you.

Nagkibit-balikat ka na lang.

"Where do you live? If you want to I can accompany you, it's not good for a girl like you to walk alone. Mahirap na baka balikan ka nung mga lalaking 'yun kanina." Sabi niya

"Okay sige. Since inalok mo naman, hindi na ko tatanggi." Marunong pala siya mag-Tagalog akala ko duduguin na utak ko sa kaka-English niya.

Nagsimula na kayong maglakad sa daan patungo sa bahay niyo. Tahimik lang siya at habang ikaw naman kung anu-ano na kwine-kwento mo sa kanya.

"Teka lang Sehun, bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh." Tanong mo sa kanya.

"Oo. bago lang kami dito. Palipat-lipat kasi kami ng lugar eh." Sagot niya.

"Ah kaya pala."

Nakita mo na pula pa rin ang kulay ng kanyang mga mata pero di mo na lang ulit ito pinansin. Napailing-iling ka na lang.

"Jasmine, do you believe that vampires are for real?"

"No. But I am fan of vampires. Mahilig ako magbasa ng mga novels about them." Sagot mo sa kanya.

"Really? Can you describe to me kung ano characteristics nila?" Tanong niya.

Natuwa ka naman sa kanya dahil kahit papaano eh nakikipa-usap na siya. Kaya lang you find it odd na about sa vampires pa ang napag-tripan pa niya talagang pag-usapan saktong gabi pa. Pero sinagot mo pa rin ang tanong niya habang patuloy kayo sa paglalakad.

"Well, siyempre takot silang maarawan dahil masusunog ang kanilang mga balat. Kaya tuwing gabi lang sila lumalabas. Mahilig din sila magsuot ng mga damit that almost cover their whole body para kung kailangan man nila lumabas kapag may araw eh di masusunog ang skin nila."

"What else?" He asked.

"Hmm well halos lahat sila mapuputi just like the Cullen family sa Twilight. They have this porcelain-like skin. Vampires are also cold blooded which is opposite sa mga werewolves. And most of all, they say that a vampire's eyes turn red expecially when they are....thirsty." Napahinto ka na lang sa sinabi mo. A vampire's eyes turn red especially when they are thirsty.

"Bakit ka napahinto?" Tanong niya. His voice was like whisper.

And as you looked at him, nanlaki ang mata mo sa nakita mo. Your heart beat was going crazy as hell because of fear. Your whole body was shaking as he was moving closer to you. You were about to take a step back but he immediately held firmly both of your arms.

"I'm so sorry Jasmine. But I am really really thirsty. And the scent of your blood was just really mouthwatering." He huskily said as he licked his lips.

Ang mga pulang mata niya na nakatitig sa mata mo, kita ang pananabik. And what's creepiest of them all, ang kanyang mga pangil.

"Sehun parang awa mo na. Huwag mo 'tong gagawin sa akin. Alam ko mabait ka." Pagmamakaawa mo na halos mangiyak-ngiyak ka na. Nginig na nginig na ang buong katawan mo.

"Sorry Jasmine. But I am a vampire. I am thirsty and I need you." He said and in just a snap of a second, you screamed on top of your lungs as he bit you on your neck.

It was extremely painful feeling his sharp teeth penetrating your skin. Every gulped of your blood satisfies his thirst.

"I thought you were my shining armor." It was all you had said as your eyes closed.

--------------------------------------

*A vampire Sehunnie for you @Min_Frost! :) Rawr! I hope it is thrilling enough. Haha! I know I'm lame on Thrill or Mysterious theme. :P I am trying my best.

For those who are non-Filipino readers please just skip reading an Imagine if it's in Taglish. I am so sorry guys but I cannot do a translation for the Tagalog Imagines. Mianhae :(

Well, EXO Imagines is again OPEN FOR REQUEST so please do comment at the first part (EXO Imagines-Format Request) if you want to have an Imagine like this with your bias. :)

THANK YOU!

- GMJM :)

EXO Imagines (CLOSE REQUEST)Where stories live. Discover now