The Son of Demons

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yaya Gloria,wala ho ba kayong napapansin na kakaiba rito sa hacienda?I mean,wala ho ba kayong nakikitang maligno at halimaw,"intresado niyang tanong sa ginang.

Tinawanan siya ng ginang.Halatang may inililihim sa kanya sa kabila ng pag-iwas nitong titigan siya sa mga mata.
"Saan mo ba nakuha 'yan,Ineng?Walang ganun dito.Siguro ay nakakaisip ka lang nang ganun dahil sa taas ng lagnat mo noong nakarang araw,"paliwanag nito.

Ngunit hindi ganoon,eh.Hihintayin niyang

manumbalik ang kanyang lakas.Oras na bumuti na ang panahon,uuwi na siya.Kung,maari lang ay kahit usungin na niya ang masamang panahon makaalis lang.Subalit hindi naman siya basta-basta makakaalis dito.

Ni hindi nga rin niya alam ang daan palabas sa magubat na lugar na 'to.Tila nasa gitna ito ng kagubatan at malayo sa bayan.Bigla ay nasagi sa isip niya ang may-ari ng hacienda.

Kahit na nanghihina siya nang una niyang makaharap ang lalaki,tandang-tanda niya ang ginawa nitong pagbulyaw sa kanya.Trespassing daw kasi siya sa teritoryo nito.

Kahit na Adonis man ito sa kanyang paningin noong una niyang makita,lumabas ang pagkademonyo nito nang sigawan siya.Sa kabila ng kawalan niya ng kamalayan,nagawa pa rin siyang tulungan.

He's the demon in this place!
Ngunit wala pa siyang matibay na katibayan upang ilathala iyon.She must have an evidence to prove that he is an immortal and an evil demon.

~~~

Alas tres nang hapon nakauwi si Jabez.Isinalubong sa kanya ni Yaya Gloria ang isang tuwalya.Tumuloy naman ang lalaki sa kanyang kuwarto paa magpalit ng damit.Tapos bumaba ito at dumeretso sa komedor.

"Ang bisita natin...?"tanong ni Jabez sa ginang.

"Bumaba siya rito kanina.Kumain.Pero pinabalik ko siya sa kuwarto at nakatulog yata.At saka,tumawag siya kanina sa kanila."
Nagkuwento na si Yaya Gloria.
"Nasa Amerika pala ang kanyang mga magulang."

"Kailan daw siya aalis dito?"

"Ano ka ba naman Jabez.Tingnan mong masama ang panahon tinatatanong mo kung kailan aalis ang bisita mo.Ang lakas ng hangin at ulan sa labas,alangan namang paalisin natin siya ngayon."

"Puwed ko siyang ihatid sa terminal."

"Siguro pag maayos na ang panahon.Ikaw talaga.Kaya medyo maglalagi pa siya rito ng kung ilang araw.Kaya kunting pasensiya na muna.Mabait naman siya,e."

"Mamatay siya pag nagtagal pa siya rito."

"Jabez!"matigas na sigaw ng ginang.

"Yaya,hindi tayo nakakasigurado na ligtas nga si Aiden sa poder ko."may halong pangamba ang naramdan ni Jabez.Totoong nag-aalala siya sa babae.

"Pigilan mo ang sarili mo,Jabez.Kung gusto mong maging mortal huwag na huwag kang kakain ng laman ng tao."

"Pero yaya,hindi ko alam ang ginagawa ko kapag naging halimaw ako.Blanko ang utak ko!"

"Meron..ang puso mo Jabez,"ani yaya Gloria.

Huminga na lang siya nang malalim.May puso ba talaga siya?Kung ilang babae na ang kanyang nakain dahil sa kakaiba niyang pagkatao?Hindi naman niya sinadya ang mga sinapit ng mga ito dahil talagang hindi niya alam ang ginagawa niya tuwing nagiging isang halimaw siya.

"Mamaya ay makakasabay natin siya sa hapunan."seryosong tinitigan siya ng ginang.
"Huwag kang maging suplado sa kanya mamaya."

Nagkabit-balikat siya.
"Yaya....."

"Basta umayos ka mamaya."

He sighed.
"Puwede ba 'yon?"

"Puwede!"

"Yaya...."anito

"Mangako ka!"

Walang nagawa si Jabez kundi tumango.Kilalang-kilala na niya ang ginang.Lahat ng sekreto niya at pagkatao niya ay alam rin nito.Hindi lang basta yaya ito para sa kanya.

Kulang nalang ay parang apo siya ng ginang.Kaya hindi niya ito puwedeng suwayin.Karugtong na siya ng kanyang buhay.
Ngunit hindi kaya kay yaya Gloria ang tinig na narinig niya?

Sakanya kaya galing ang boses na iyon?Imposible ngang ito ang pumigil sa kanya....

O meron pang nagmamatyag sa mga galaw niya maliban kay Yaya Gloria?

Sino.....?

The Son Of DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon