The Son of Demons

Start from the beginning
                                    

"Kayo po ang nagluto?"

"Oo."

"Ang sarap po."

"Tawagin mo nalang akong Yaya Gloria.Iyan ang tawag nila sa akin rito,"nakangiti paring sabi ng ginang.

"May pumasok pong lalaki dito kanina."

"Si Jabez iyon.Pag-aari niya itong hacienda.Siya ang nakakita sa iyo at dinala ka niya rito."

"Siya ho 'yung lalaking natatandan kung nanigaw sa akin bago ako nawalan ng malay.Trespassing daw kasi ako,Yaya Gloria."

Tumango ang Ginang.
"Ganoon lang talaga si Jabez.Pag-aari niya kasi itong hacienda.Pinoprotektahan lang niya ang teritoryo niya."

Siya naman ang tumango.
"Saang lugar po ito?"

"Batangas,Nasugbo,"sagot ng ginang sa kanya.

"Ho?"

"Bakit?"

"Malapit ba iyon sa Balayan?"tanong niya rito.

"Sa pagkaka-alam ko Ineng,medyo malayo dito."

Marahan siyang tumango.

"Doon ka ba galing?"

"Oho..."

"Ano ba ang nangyari at napadpad ka rito sa Nasugbo?"

Tuloy lamang siya sa pagkain.
"Bakasyunista po ako roon.Nag-swimming kami.Nag-renta kami ng bangka para makapag-boating.Medyo umuulan.Iyon pala,may bagyo.Iyon lang po ang huli kong naalala.Tapos pagkamalay ko,nasa dalampasigan na ako."

"May bagyo nga noong nakaraang araw."

She nodded.

"Nabusog ka ba,Ineng?"

"Opo.Salamat ho."nakangisi niyang sagot.

"Ano pala ang pangalan mo,Ineng?"tanong nito sa kanya.

Kanina pa pala sila nagkukuwentuhan ngunit hindi pa pala siya nagpapakilala sa matanda.
"Aiden po.."

"Sige na,Ineng,magpahinga ka na muna uli para manumbalik ang tamang lakas mo."
Kinuha na nito ang tray.
"Maiiwan na muna kita."

"Salamat po,Yaya Gloria.Napakabait niyo po.Babawi po ako sa inyo kapag nasa maayos na po akong kalagayan."
Tuluyan na siyang iniwang ng Ginang.

~~~

"Hindi man lang ba niya naisip na merong mga taong nag-aalala sa kanya?"naisatinig ni Jabez sa kaharap."Imposibleng 'di niya matukoy na merong may cell phone dito at maging landline."

"Jabez,walang dudang magulo pa ang isipan ni Aiden.Hayaan na muna natin siya.Malay mo,bukas lang ay maisipan niyang kontakin ang sino man sa kanyang mga kaanak."

"I want her out of here ASAP!"

"Alam ko kung ano ang tinatakbo ng isipan mo.Huwag ka nang magkaila."

"Yaya,she need to go..hindi siya puwedeng magtagal rito..paano kung...."

"Hindi mangyayari 'yun.Magtiwala ka lang sa sarili mo,hijo.Labanan mo ang nararamdaman mo."putol ni yaya Gloria sa sasabihan pa niya.

"Natatakot ako,Yaya.Natatakot ako sa mangyayari.Ayaw ko ng ganito!Ayaw ko ng pumatay at kumain ng mga inosenteng kababaihan."

"Alam kong gusto mong baguhin ang buhay mo,Jabez.Pero hintayin mo ang tamang panahon.Makakamit mo rin ang ninanais mo."

Mula sa mga payo ni Yaya Gloria ay napapanatag ang kalooban niya.Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana ng gabing iyon.Hindi inaasahan ni Jabez na magiging kabilugan ang buwan ng gabing iyon.

Mag-alas dose ng gabi ng bigla siyang nag bagong anyo.Lumabas ang bilog na buwan sa langit.Kinakabahan si Jabez sa maaring mangyari sa dalagang nasa poder niya.

Ilang minuto ang nagdaan at nagsimulang nagsilabasan ang ang mga pangil niya sa  bunganga.Ang sungay niya at ang buntot at ang paghaba ng kanyang mga kuko.Muli ay nag-anyong lobo siya.

Umalolong si Jabez nang malakas.
"Owoooooh!!!!Owooohhh!!!

Nagtaka si Jabez na imbis na sa kuwadra siya tutungo ay naamoy niya ang sariwang dugo ng isang babae na nasa guess room ng kanyang hacienda.Nangahas siyang pumasok roon.
Handa na niyang kainin ang babaeng mahimbing sa pagtulog.

Magiging ligtas pa ba si Aiden sa mga kamay ni Jabez?Tuluyan ka siyang kainin ng halimaw?

The Son Of DemonsWhere stories live. Discover now