Nagbibiro lang naman ako kay Inang Rosella na meron ako, pero mukhang duduguin nga ako ngayong araw.

Nagulat naman siya nang bigla akong bumangon.

"Can you go out first? I'm gonna fix myself and prepare."

Bigla naman nagliwanag ang mukha niya at napangiti. Naka camiso de chino siya ngayon at nag mukha siyang ordinaryong tao lang. 'Di katulad sa suot niya lagi na pang sundalo.

Aaminin kong may hitsura si George at may hawig siya sa hollywood crush ko na si Leonardo Di Caprio, pero bukod do'n wala akong maramdaman na mga paru-paro sa tiyan ko pag nasa paligid siya.

"Ok, take your time Fely I'll wait outside," sambit niya at umalis na.

Naligo ako at nag-ayos nang kaunti. Nagsuot lang ako ng simpleng blusa na tenernohan ng paldang lagpas tuhod ang haba.

Maganda naman itong tingnan at ito rin naman ang usong damit sa panahong ito, kasama na ang bestida at saya na pang karaniwang kasuotan ng mga babae.

Nilugay ko lang ang buhok ko.

Handa na'kong umalis nang mapadako ang tingin ko sa nalalantang mga bulaklak na bigay ni Nacio.

Wala talagang permanente sa mundo. Lahat kukupas, lahat malalanta, maglalaho hanggang sa mawala na ng tuluyan.

Napabuntong hininga nalang ako kung ano-ano nang kadramahan ang naiisip ko dahil lang sa paglisan ni Nacio.

Nakita ko naman si George na nakaupo sa sala habang nakikipag k'wentuhan kay Ina.

"Oh there she is," sambit ni Inang Rosella at parehas na napadako ang tingin nilang dalawa sa'kin.

Hindi ko naman maiwasang titigan ang mala kulay berde na mata ni George.

"Itong si George lang pala ang makakapag palabas sa iyo anak," sambit ni ina, at inayos-ayos pa ang buhok ko.

"Take care of my daugther, George and don't go home late." Humalik ako sa pisngi ni ina, bago sumakay sa awto ni George.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob, pawang nakikiramdam lang sa isa't-isa.

Gusto ko man basagin ang katahimikan hindi ko naman alam kung saan sisimulan at kung anong sasabihin. Isang oras at kalahating minuto na rin kaming nasa biyahe. May tiwala naman ako sa kaniya dahil kilala naman siya ni Ina at lalong-lalo na si 'Tay Florentino.

Tahimik lang akong nakamasid sa mga nadaraanan naming bukirin. At na papahikab ng paulit-ulit.

"Are you sleepy?" Napatingin naman siya sa'kin habang nagmamaneho.

"A bit," saad ko at napahikab muli.

"You can lay on my shoulder if you want."

Napatingin naman ako sa kaniya at nailang sa sinabi niya.

"Its okay, are we near?"

"Uh yes, 10 minutes more and we're there."

'Di naman siya nagkamali dahil pagkalipas lang ng ilang minuto ay tinigil niya na ang sasakyan sa tabi ng daungan.

"We are going to ride a ferry and a boat to Capul Island."

Tumungo nalang ako dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito. Mukhang mas alam pa ng amerikanong ito ang mga lugar dito, kaysa sa pilipinong tulad ko na labing walong taon ng nakatira sa bansang 'to.

Hindi ko na alam kung ilang oras ang byinahe namin papunta sa islang sinasabi ni George basta't alam ko lang ay ay mula sa ferry na aming sinakyan ay lumipat na kami sa bangka, sunod no'n ay nakatulog na ako at nagising nalang sa balikat niya.

"Hey, we're here Felicita," saad niya.

Agad kong inangat ang ulo ko at napatulala sa ganda ng isla.

Naglalakad lang kaming dalawa ni George hanggang sa makarating kami sa isang bukirin. Napapunas ako dahil 'di na magkamayaw sa pagpatak ang mga pawis ko ng marating namin ang tuktok.

Kung alam ko lang na sasabak kami sa paglalakad at mahabang biyahe hindi na sana ako nagsuot ng palda at nag-abaka.

"Nakakainis, kung sinabi mo sana na sasabak tayo sa ganitong digmaan, edi sana nagrubber shoes ako at nagbaon ng sandamakmak na tubig. Alam mo bang gutom na gutom na rin ako," saad ko nang walang takot, alam ko namang 'di siya nakakaintindi ng filipino.

Napahinto naman siya at napatingin sa'kin.

"Pasensya na gusto ko lang ipakita sa'yo kung saan ako lumaki," diretso, pino at walang accent ang pagkasabi niya no'n na siyang ikinagulat ko. Gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko.

"Halika, malapit na tayo sa kubo namin." Hinawakan niya ko sa palapulsuhan at pinunasan ang mga pawis ko.

Nakatulala lang ako sa pagkabigla habang pinupunasan niya ang pawis ko.

Nakakailang lang ang mga kilos at gawi na pinapakita niya sa'kin. Alam ko namang pinagkasundo lang kami at matagal-tagal na ring panahon na wala siya rito sa Pilipinas. Malabo naman siguro kung iisipin kong may gusto na agad siya sa akin?

Nakarating kami sa isang maliit na kubo at hanggang dito ay hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko.

"Pilipino ang nanay ko, matagal na siyang hiwalay sa Heneral, matapos siyang lokohin nito. Agad naman akong tinakas ng tatay ko at nagtungo na kami sa Estados Unidos," panimula niya.

"Naalala ko noon, minsan lang dumalaw dito ang tatay ko dahil tinatago niya kami sa mga kapwa niya sundalo. Ayaw niya rin na maapektuhan ang pagtaas ng ranggo niya, kaya mas pinili niyang pagtakpan na nagkaanak siya mula sa isang pilipino," pagtuloy niya.

"Marunong ka naman palang magFilipino, pasensya kana kung nagalit ako kanina. Hindi ko rin inaasahan na may dugo kang pilipino," sambit ko.

"Ang totoo niyan walang sinuman sa mga kasamahan kong sundalo ang nakakaalam. Hangga't maaari, ingles ang ginagamit kong wika. Gusto ko lang malaman mo na magaan ang loob ko sa'yo simula no'ng bata pa tayo, kaya inilabas ko ang sikretong ito."

Wala akong matandaan tungkol sa pagkabata ni Lola Ayla, kaya hindi ko malaman kung anong sasabihin.

"Halika, kumain ka muna."

May inilabas siyang mga mangga at saging na mula sa isang cabinet na gawa sa kahoy.

"Pasensya kana 'yan lang ang meron ako rito. Bagong pitas lang 'yan kaninang umaga," Aniya at inabot sa'kin ang mga mangga.

"Ayos na 'to pag may pagkain lamon lang grab the opportunity." Agad naman siyang natawa sa sinabi ko.

Inabutan ko rin siya ng mga mangga,
"Saluhan mo ko Leonardo," sambit ko napinagtaka niya.

"George ang pangalan ko Felicita."

"Kamukha mo kasi 'yung artistang hinahangaan ko. Isa siyang hollywood star."

Kita ko sa kaniyang mukha ang pagtataka at naguguluhan na ekspresyon, "Teka, paano mo nalaman ang mga bagay na 'yan? Wala pa namang telebisyon dito sa Pilipinas at sa Amerika palang mayroon."

Tila kinabahan naman ako at nag-isip nalang agad ng palusot, "A-h, sa mga d'yaryo at teatro. Kumakalat pa rin naman ang balita rito sa amin, galing ibang bansa dahil na rin do'n at s'yempre sa chismis!" saad ko at ngumiti-ngiti nalang.

Napatungo-tungo nalang siya,"Mahilig ka pala sa pagbabasa ng balita. Kahanga-hanga, hindi kasi ako masyadong interesado do'n."

"Ako pa ba," tugon ko at nagpose na pawang nag-iisip at nagbabasa.

Natatawa na lang si George sa mga ginagawa ko. Halos maubos ko na rin ang mga manggang binigay niya.

Iba pa rin talaga ang pakiramdam na pinipilit mong maging masaya sa kabila ng walang kasiguraduhan at sakit.

Mabuti nalang kahit paano naging masaya naman akong kasama si George, kung wala siguro siya malamang nagmumumok pa rin ako sa k'warto.

Pinipilit ko nalang maging masaya...

Parang isang bulaklak na naulanan at unti-unting bumabangon sa kabila ng mga lanta nitong dahon.

--

Take Me Back in Time #Wattys2019WinnerWhere stories live. Discover now