Chapter 32: Graduation Gift

2.6K 85 4
                                    

Many months later...

Eunha's P.O.V.

"Congrats... Eunha." Bati nila mama at papa sakin tapos niyakap nila ako ng mahigpit.

"Congrats rin po, ate eunha." Bati rin sakin ni Shane.

"Thank you,shane,thank you rin ma at pa."

"Eto, may regalo kami sa'yo ng papa mo. Sana magustuhan mo toh." Sabi ni mama at ibinigay nila ang regalo nila sakin. Excited na'ko na buksan yun.

"Ma, A-ano namang gagawin ko sa ticket papuntang Cebu?" Tanong ko kay mama ng may halong pagtataka.

"Eunha, napag-desisyunan na naming mag-bakasyon tayo sa Cebu. Hindi ka ba masaya? Diba,matagal mo ng gustong makarating dun nung bata ka?" Ahm... Oo, gusto kong makarating sa Cebu pero dati lang yun, pero ngayon... Hindi ko na gusto dahil ayoko naman na mapalayo ulit kay jungkook. Kahit bakasyon lang, Miss na miss ko nga sya kahit nasa Manila lang kaming dalawa. Cebu pa kaya?

"Ma, bata pa'ko nun eh. Pero... Thank you parin po. Kailan po yung flight natin?" Tanong ko.

"Baka mamayang madaling-araw na. Nagulat ka ba? Sorry hindi agad namin nasabi ng papa mo sa'yo."

"Eunha!" Biglang may tumawag sa pangalan ko, Si sheena yun. Bakit kaya?

"Ahm... Sige, dun lang kami sa court ng papa mo at ni shane. Bye." Sabi nila mama at dumating na si sheena sa harapan ko, mukang pagod na pagod sya kakatakbo.

"Eunha, eunha..." Halos hindi na sya makapagsalita sa sobrang hingal.

"Ano ba kasi yun?"

"Basta sumunod ka nalang sakin." At hinila ako ni sheena papunta dun sa direksyon na maraming estudyanteng nagkukumpulan. Bakit kaya? Anong meron?

"Tignan mo, si jungkook.."

Bumungad sakin ang walang-malay na jungkook. "A-anong nangyari sa kanya?!" Tanong ko sa mg estudyanteng nakapalibot samin. Umupo ako sa sahig at ipinatong ko ang ulo nya sa mga hita ko."J-jungkook, babe... G-gumising ka naman please. Hindi ko kaya kapag namatay ka! Babe..." Tapos umiyak na'ko ng umiyak. Tinignan ko yung pulso nya at meron parin syang buhay.

"Kiss mo na kasi~"

"Oo nga naman,eunha!"

"Para magising sya."

"Oo nga naman po ate eunha, parang sa fairytale po, kailangan nyo pong halikan sya para magising." What? Pati pala si shane nandito,akala ko kasama sya ni mama at papa. Anyways, Mukang Fairytale talaga si shane, Wag na kayong magtaka.

"Hindi ba sleeping beauty yung sinasabi mo?" Tanong ko kay Shane.

"Oo nga po,Basta ate eunha, halikan nyo na po si kuya jungkook... Para magising na sya... Please..." Pagpupumilit nya. Okay, pasalamat sya, ayaw kong masira ang paniniwala nya sa Fairytale. At isa pa, mahal ko si jungkook kaya ayos lang na halikan ko sya.

"Ikaw na bata ka, alam mo na agad ang kiss. Pero Sige..." Nagbuntung-hininga muna ako. Noong una ay nagdadalawang-isip pa'ko dahil bakit ko naman hahalikan si jungkook? Eh hindi naman sya si sleeping handsome haha, pero pati fairytale are not real. Bakit naman ako maniniwala dun? Pati hindi naman nalunod si jungkook para i-mouth-to-mouth ko. Pero lahat ng estudyanteng nakapalibot samin ni jungkook ay naghuhudyat ng "I-kiss mo na si jungkook!!!~ baka dumaretso pa yan sa kabilang mundo."

Ha? Ang gulo nila. Para silang mga... Hayst... "Eh kayo nalang kaya gumawa? Parang ang excited nyo eh."

"No, ikaw. ikaw lang naman yung girlfriend nya eh!"

Roommates Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu