Chapter 20: In love?

3.4K 91 12
                                    

Eunha's P.O.V.

"Si eunha at andrei, Pasok sila audition?"

"OMG! Bakit kasi si andrei pa yung kasama ni eunha?"

"Oo nga, Kawawa naman si papa jk."

"But wait,jungkook is a member of Westley dance club... At loyal partner nya si... Ahm... I don't know that girl pero kapag nakita ko sya... Nako!Nako! Ayokong masira yung couple na eunkook..."

"Hindi yan, kasi I'm sure naman na nominees sa best couple competition ang eunkook."

"Vote tayo mga besshie~ mas bagay na bagay talaga si eunha at jungkook. Right?"

"Yes, gosh... Si eunha ba yun?"

Nobayan! Ayoko ngang magpakita eh! Parang mga timang tong mga toh! Ako lang naman toh, si eunha. Hindi naman ako artista. Sabi ko na nga ba, pagsisisihan ko rin tong pagpayag ko sa love team eh.

"Hello, Diba kayo na ni jungkook?" Tanong nung isang babaeng hindi ko naman kilala.

"I'm sorry pero,... Hindi eh. Best friends lang kami ni jungkook."

"Status?"

"Slash MU." Sagot ko at tsaka naglakad na'ko ng mabilis para hindi na nila ako tanungin pa. Alam nyo na naman ang totoo diba? Kunwari lang na Mutual understanding kami pero...Hindi naman. Nasabi narin sakin ni jungkook na lahat daw ng may couple sa university, with high scores,good conducts and popularity with many fans... May chance na manalo sa best couple competition. Kung sino mang manalo na couple,silang dalawa ay excepted na sa tatlong final examinations. Oh diba? Eto lang naman ang gagawin ko, magkunwaring gustong-gusto ko si jungkook. Ayos lang naman yun, Makakabawi rin ako kay jungkook ngayon, diba... Crush nya naman ako? Edi yun... Sana lagi syang kiligin sakin. Haha, etchosera! Oo na, Ako rin naman minsan kinikilig kay jungkook.

Lunch time ngayon at papunta sana ako ng library kaso bigla nalang akong hinarangan nung isang lalaking sa tingin ko... Hindi ko naman sila kilala. Sino ba sya para harangan ang daan ko? Hindi ko makita ang mukha nya dahil naka-mask sya naka-sumbrero, hindi rin halatang estudyante sya dito.

"Excuse-"

"Eunha, right?" Seryosong tanong nung isang lalaki sabay tango ko nalang sa kanya. "Kung ganon, ikaw yung roommates ni jungkook. Nasan si jungkook ngayon?" Tanong nya ulit.

"Ahm... H-hindi ko alam! P-pati hindi naman kita kilala kaya pwede bang..."

"Sabihin mo nalang kasi sakin kung nasaan si jungkook!" B-bakit ba ang bilis-bilis nyang magalit? Eh hindi ko naman talaga alam kung nasaan si jungkook. Tapos hinawakan nya ng mahigpit yung braso ko.

"Arayy~ Hindi ko naman talaga alam eh!" Sabi ko habang tina-try na tanggalin ang mahigpit nyang pagkakahawak sa braso ko.

Lahat ng estudyante ay nabaling ang atensyon sa amin. Nang bigla nalang nagpakita si jungkook sakin.

"MIN! BITAWAN MO SYA!" Bigla nalang pumasok sa eksena si jungkook. Pero yung mukha nya, Seryoso at parang galit. "Ako ba hinahanap mo? Oh, eto na'ko. Kaya wag mo na syang hawakan!" Sabi ni jungkook. Dahan-dahan akong binitawan nung lalaki.

"Saan ka ba pumunta?! Diba ang usapan ay usapan."

"Alam ko, Kaya nga nandito na'ko diba? Hindi ba pwedeng nahuli lang ilang minuto? Pati isang beses mo pang hawakan si eunha... Sigurado ako-"

"Jungkook, ayos na. Wag mo na syang awayin." Awat ko kay jungkook at Buti naman ay nakinig sya sakin.

"Sige,Basta mag-iingat ka la-"

Roommates Where stories live. Discover now