Chapter 18: Maybe

3.1K 84 10
                                    

Eunha's P.O.V.

*Ding-dong*

Hmm.. sino kaya yun? 4 o'clock palang, imposibleng si Jungkook yun dahil 7:30 ang uwi nya. At sobrang imposible naman kung umuwi sya para lang sakin.

Binuksan ko na yung pinto at bumungad sakin si mama. Nagulat ako dahil hindi ko inakalang pupunta si mama dito dahil hindi nya naman alam ang address ng apartment. Bigla nya nalang akong niyakap tapos nginitian nya ko.

"Ma? B-bakit kayo-- p-paano-? Ma? Ano bang ginagawa nyo dito?" Tanong ko kay mama.

"Masama bang bumisita? Eh kung namimiss na kita eh." Sabi ni mama, hindi ko pa sya pinapapasok pero bigla na syang pumasok at nagmasid sa loob ng apartment.

"Ma,Paano mo nga pala nalaman yung address namin?" Tanong ko sa kanya.

"Address...namin? Sino pa bang kasama mo dito? Akala ko isa ka lang na nandito."

Patay,patay na. A-ano nang sasabihin ko?! Ayokong malaman ni mama na may kasama akong lalaki. Baka isipin nyang nakikipag-leave-in na'ko!!! Ayoko! Ayokong isipin nilang babaeng ano ako! Baka isipin ni mama na boyfriend ko si jungkook!? Ayokoooooo!!!!

"Ah,Meron akong kasama dito... Si jungkook pe-"

"Lalaki sya anak?! A-"

"Ma,wait lang,patapusin nyo muna ako bago kayo mag-comment. Si jungkook,Hindi naman po sya ganap na lalaki. He's gay, Bakla po sya. At kung makikita nyo lang po sya,Siguradong mas maganda pa sya sa'yo ma. Tinalo nya pa nga yung beauty ko eh." Paliwanag ko. Sorry talaga,Jungkook. Hindi ka naman bakla pero siguro kaya nya naman na mag-act na bakla.

"Hmm... Sa bagay, May kaibigan rin akong bakla dati,Mababait naman sila." Paliwanag rin ni mama.

*5:30*

*7:00*

"Ah,ma?"

"Yes eunha?"

"Magtatagal pa po ba kayo dito?" Tanong ko kay mama.

"Ahm... Siguro after 30 minutes pagnatapos na tong pinapanood ko." What!? 30 minutes?! Edi' 7:30 na nun at siguradong nandito narin si jungkook. Paano yan!? Ayokong makita nya si jungkook na tunay na lalaki talaga. At baka sabihin ni mama na sinungaling na'ko.

"Ma, kasi... gabing-gabi na yata yon. At tsaka,meron pa'kong tutor mamayang 8." Paliwanag ko kay mama.

"Hmm... Gusto mo na ba'kong umalis? Hindi mo ba'ko namiss?" Hayy~ eto na nga yun, Yung matampuhin moves ni mama. Sure akong nagtatampo na sya.

"Syempre ma,Miss na miss kita." Sabi ko habang niyayakap si mama. "Wait lang po ma, May titignan lang ako sa kwarto ko." Hayst,pero sa totoo nan... Gusto ko lang ichat si jungkook na kunwaring mag-act syang bakla. Kaya nya naman siguro yon, Magaling umarte yun eh,Maarte naman kasi sya. At tsaka,Sana naman pagbigyan nya ko kasi pareho naman kaming sabit dito kapag nalaman ni mama na lalaki pala ang kasama ko, siguradong ma-a-ambush tong apartment na toh. Si mama pa? Eh sobrang strict nya nga sakin pagdating sa mga lalaki. Pati nga bakla,wala pa syang tiwala.

Jeon Jungkook - active 3 minutes ago

Me: Hoy, May maliit na pabor lang naman sana ako sa'yo. Kung pwedeng mag-act ka lang naman na kunwaring bakla ka. Kasi si mama ko,nandito sa apartment natin. Bahala ka,Kapag nalaman ni mama na may kasama akong lalaki dito,Siguradong isusumpa nya ang kaapu-apuhan mo. Haha,joke,Pero parang ganun ang mangyayari kapag hindi mo'ko sinunod. Please... Ngayon lang naman eh.

Roommates Where stories live. Discover now