Chapter 23: Gown

3.1K 95 8
                                    

Eunha's P.O.V.

Sabado ngayon ng umaga. Nanonood lang ako ng SpongeBob. Haha, nakakatawa nga eh. Tapos si jungkook, inaasar pa'kong isip-bata. Ayaw nya ng SpongeBob dahil nandun si squidward. Kapareho nya kasi ng ilong si squidward haha.

"Uy, jungkook,bakit ka nandito sa SpongeBob? Haha." Sabay tawa ko ng malakas. "Hayst!!" Narinig ko naman si jungkook na nagbuntung-hininga nalang habang nagluluto ng umagahan.

*Cellphone ringing*

"May natawag sa'yo jungkook!" Sigaw ko para marinig ni jungkook na nasa kusina.

"Sino?" Tanong nya. Lumapit ako sa cellphone ni jungkook na nakapatong sa lamesa. Nakita ko sa screen nya yung pangalan ng tumatawag. "Si-- sinong tzuyu?" Tanong ko kay jungkook.

Buti naman ay lumapit na si jungkook at pumunta dito sa salas para kunin ang cellphone nya. Nagtaka naman ako kung sino yung babaeng yun. At bakit naman sya tumatawag kay jungkook?

"Ahm...tzuyu? Kamusta ka na?... N-nandito ka na? B-bakit? Ah...si-sige... Sige... Bye."

Patapos makausap ni jungkook yung babae, binaba nya na yung cellphone nya sa lamesa at bumalik na agad sa kusina para magluto. Sa sobrang curious ko na kung sino yung babae... Sinundan ko nalang si jungkook para tanungin.

"Sino yung babaeng yun?" Tanong ko sa kanya habang nakasandal sa cabinet.

"Sino? Yung tumawag sakin?" Sabay ngisi habang ipinagpapatuloy parin ang pagluluto nya. "Si tzuyu lang yon." Maikling sagot nya sakin.

"Lang? Si tzuyu LANG? Kung makapag-gamit ka ng salitang 'lang', pero bakit may pangisi-ngisi ka pa dyan?" Seryosong tanong ko. Hindi naman ako nagseselos, Gusto ko lang malaman ang totoo.

"Ah,yung ngisi ko ba? Kasi papunta na si tzuyu dito sa pinas,galing sya sa states at sya yung magiging Ms.cupid representative ng Valentines party natin. At bakit mo nga pala tinatanong? Nagseselos ka ba? Hehe,Sabi ko na nga-"

"HINDI! Hindi ako nagseselos. Gusto ko lang malaman."

"Ah,okay. Tapos alam mo bang si tzuyu lang yung pinaka-kinabaliwan ko noon pa?"

"Hanggang ngayon?"

"Syempre hindi noh! Ikaw na yung crush ko ngayon. Kaya wag ka ng magtampo..."

"Hoy! Hindi ako nagtatampo noh! Aishh~"

"Talaga ba???"

"Oo nga!" Pero...Oo na guys,Nagseselos ako. Kasalanan ko bang nagkagusto na'ko kay jungkook!? Tapos bigla nalang nagparamdam tong tzuyu na toh kay jungkook. Pati Bakit talaga bang dapat pang sabihin sakin ni jungkook na sobrang baliw sya kay tzuyu dati?! Nakakaasar ha! Talaga bang dapat ipamuka?!

"Pero ayos lang naman talaga ako, kahit magkagusto ka ulit don, Mas maganda naman kasi sya kaysa sakin. Diba?"

"Eunha, wag ka ngang ganyan. Mas maganda ka kahit kaninong babaeng nakilala ko." Sabi ni jungkook habang naghahanda ng plato't pinggan sa lamesa. Hindi ko naiwasan ang mag-blush dahil sa sinabi nyang yon.

*Ding-dong* "Teka lang,eunha. baka si ate na yun."

"Ha? Sinong-" Napahinto nalang ako ng salita dahil pumunta na agad si jungkook sa pintuan para pagbuksan yung tao.

Ano daw sabi nya? Ate? May ate pala si jungkook? bakit kaya pumunta sya dito? Ipinagpatuloy ko nalang yung paglalagay ng champorado sa isang malaking bowl at nilagyan ito ng serving spoon. Tapos nakita ko na yung ate ni jungkook na nakaupo sa salas. Wow, medyo kamuka nya si jungkook at maganda sya.

Roommates Onde as histórias ganham vida. Descobre agora