Chapter 1: Meet him

9.3K 157 6
                                    

Dalawang oras na ang nakalipas pero mabagal parin ang usad ng mga sasakyan dito dahil sa traffic. Ako na ang nagpasya na maglakad at wag ng hintayin na mawala ang traffic.

"Manong? Magkano po ba bayad dito? Aalis nalang po ako, eto' yung bayad." Sabi ko at ibinigay ko na yung bayad ko. Dala-dala ko yung dalawa kong maleta at sabay takbo ko na kahit nakakahiya na yung ginagawa ko. Pati meron namang ilan na naglalakad rin.

"Putsa! Yung sukli ko nga pala sa taxi driver!" Napahinto ako ng takbo at bumalik ulit dun sa taxi. Hindi ko naman babalikan yun kung hindi malaki yung sukling naiwan ko.

Pero wala na yung taxi? Nawala narin yung traffic kaya naglakad nalang ako sa gilid.

"Bakit malas yata ako dito? Nakakainis!" Bulong ko sa sarili at nakita ko na yung address nung hinahanap kong apartment. May nakita rin akong matandang babae, mukang sya yung may Ari.

"Nandyan kana pala, eto yung magiging apartment mo." Paliwanag nung babae. Nagmasid ako sa labas ng apartment at parang may tumira na dito.

"May nakatira na po ba dito?" Tanong ko dun sa babae.

"Oo eh, sorry kung hindi ko sinabi pero eto sya." Sabi nya sabay bukas nung apartment.

Bumungad samin ang isang lalaking... Gosh... Naka-boxer lang sya? At bakit ako nag-ba-blush? First time ko lang kasing nakakita ng half-naked person like this... Tapos may abs sya at yung muscle nya... Mamamatay na ba'ko? Ang gwapo nya pa...

"S-sino naman Yang babaeng yan?" Tanong nung lalaki habang nakatingin sakin.

"Uhm... P-pwedeng mag-damit ka muna?" Natatarantang tanong nung may Ari.

Umalis naman yung lalaki at pumunta sa kwarto para magbihis.

"Kahit ako, hindi ako makapag-concentrate kapag nakikita ko syang ganun." Bulong sakin nung babae.

"Ano po bang pangalan nya? At bakit lalaki pa po yung kasama ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Sya si jungkook pero w-wag kang mag-alala kasi wala naman syang gagawing masama sa'yo dito." Paliwanag nya.

"Muka syang manyak na--- pero sige ayos lang, muka rin syang masungit katulad ko. Nasaan nga pala yung kwarto ko?" Tanong ko dun sa babae habang nagmamasid.

"M-magkasama kayo sa isang kwarto." Kinakabahang sagot nya sakin na ikinagulat ko.

"Wow,ang laki-laki ng apartment na to' pero hindi kayo nakapag-pagawa ng isa pang kwarto?" Puna ko sa kanya.

"Pero double deck bed naman yun. Kayo nalang bahala kung sino sa taas at sa baba. Ilagay mo narin yung mga gamit mo sa kwarto nyo tapos--"

"Ako na yung bahala sa kanya." Biglang singit nung lalaking yun.

"Okay pati bukas--"

"Alam ko naman po yun, pati hindi ko naman sya papabayaan. Bye ate Rhea!" Sabi nung lalaki na si jungkook yata, habang pinagtutulakan sa labas yung may ari ng apartment. Sinarado nya yung pinto at tumingin sakin ng masama.

"Sino ka ba? At bakit makikihati ka sa apartment ko?" Tanong nya ng seryoso.

"Ako si eunha, galing ako sa province pero mag-aaral kasi ako dito kaya umupa ako ng apartment." Paliwanag ko sa kanya.

"Saang school? Wag mong sabihing... Sa school ko rin, ikaw papasok? Tama ba?" Tanong nya pa. Sa totoo lang, paubos na talaga yung pasenya ko dito eh.

"Ano bang pake-alam mo kung sa school mo ako papasok? Bakit ikaw ba yung may ari ng school? Ikaw ba may ari netong apartment?" Supladang tanong ko sa kanya at pupunta sana ako sa kwarto kaso bigla nya akong hinawakan sa kamay.

Roommates Where stories live. Discover now