Chapter 17: Love team

3.3K 92 9
                                    

Eunha's p.o.v.

Madaling araw na at nagising ako dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Ang sakit-sakit ng ulo ko... Gusto kong uminom ng gamot kaso hindi ko talaga kayang tumayo.

Si jungkook, Dinala nya ko dito at nilagyan nya ako ng panyo. Kahit may ginawa akong masama sa kanya, Ginawa nya parin sakin toh. Kaya nahihiya na tuloy akong magpakuha pa sa kanya ng gamot. Ako nalang kaya ang kukuha. Sana may gamot pa ako sa bag ko pero sana makatayo muna ako dito.

Pinipilit kong tumayo hanggang sa tumungtong na'ko sa sahig at dahan-dahan na naglakad. Pero nung nasa pinto na'ko ng kwarto. Bigla nalang akong nanghina. Lumagabog ako sa sahig kaya nagising tuloy si jungkook.

"Arayy~" sigaw ko dahil nadali yung tuhod ko.

"Oh! Eunha!" Nagulat si jungkook nung nakita nya ako sa sahig. Pinilit kong tumayo pero mas nauna si jungkook na itayo ako. Ang bilis nya ngang nakababa ng double-deck eh. Hindi naman sya masyadong worried sakin noh?

"Bakit naman kasi naisip mong tumayo? Eh diba, nilalagnat ka!" Sabi ni jungkook habang hawak ako sa braso at inaalalayan na maglakad pabalik sa kama.

"Sorry na, Eh kasi ang sakit na talaga ng ulo ko. Gusto kong uminom ng gamot pe-"

"Dapat ginising mo nalang ako." Seryosong sabi sakin ni jungkook.

"Talaga bang ayos lang sa'yo na gisingin kita?" Tanong ko sa kanya.

"Ssshh~ oo naman. Nilalagnat ka eh. Kahit may atraso ka sakin. Papalagpasin ko muna yun,okay ba?" Tumango nalang ako at kumuha sya ng gamot sa cabinet nya.

Jungkook's P.O.V.

"Inuubo ka diba? Oh,Inumin mo tong gamot ko. Gamot toh sa ubo, Effective yan sakin. Sana sa'yo rin. Kukuha lang ako ng tubig." Lalabas na sana ako kaso bigla akong tinawag ni eunha.

"Pwede bang pakuha narin nung cellphone ko?" Biglang paki-usap ni eunha sakin. No,no,no. Hindi nya dapat malaman yung pinost ko sa WSB.

"Bawal, Bawal sa nilalagnat ang mag-cellphone. Lalong sasakit lang yung ulo mo." Oh diba, pero totoo naman. Bawal talaga ang cellphone kapag nilalagnat. Wala syang nasabi at kumuha nalang ako ng isang basong tubig.

Uminom na si eunha ng gamot.
"Oh,Magpahinga ka naman. Matulog ka na tapos bukas wag ka munang pumasok." Paliwanag ko kay eunha at Buti naman ay tumango nalang sya at humiga.

Nagbuntung-hininga muna ako bago ko sya lagyan ng kumot. Hayy~ hindi naman masyadong kadiri diba? Hindi ko naman kasi girlfriend si eunha,Bakit ba grabe yung pag-aalaga ko sa kanya? Wait,Hindi naman kasi masamang tumulong. Tinutulungan ko lang sya,okay? Walang malisya toh.

Bumalik na'ko sa taas ng double-deck at natulog na'ko.

***

Maaga akong gumising dahil kay eunha, Kailangan nya pang uminom ng gamot. Kumuha ulit ako ng gamot sa kabinet ko at ginising na sya.

"Oh,Uminom ka ulit ng gamot mo." Buti naman, Agad syang nagising at umupo sya para uminom ng gamot.

"Titignan ko muna yung body temperature mo kung bumaba ha." Sabi ko kay eunha.

"Ako nalang, Hindi naman ako bata eh."

"Sige, Magluluto lang ako ng almusal." 

Alam nyo, Sa daily routine namin ni eunha, Medyo nakakadiri tong sasabihin ko pero mukha ba kaming mag-asawa? Yak,kadiri diba. Lagi nalang ganto, Magluluto ako ng almusal, Tapos sya naman ang magluluto sa dinner. Hayy~ talaga bang pinagsama kami ni lord dito sa iisang bubong? Tsk! Nakakainis rin si ate Rhea,Sya yung may ari ng apartment,dapat alam nya ang mga bawal... Tulad ng pagsasama ng babae at lalaki sa isang apartment. Buti nalang, mabait ako. Paano kung masamang lalaki ang nakasama ni eunha? Edi napahamak pa sya Hayy~ mga tao talaga ngayon,Hindi na nag-iisip.

Roommates Where stories live. Discover now