Chapter 5: Holdap

4.8K 105 4
                                    

Una ko palang nakita yung babae,nasusuka na'ko sa pagmumuka eh! Ayoko na tuloy kumain!

Niligpit ko na yung pinagkainan ko at nilagay sa lababo. Pupunta ako sa kwarto namin pero kailangan ko munang dumaan sa salas. Nakita ko si jungkook at si 'FYG' na magkatabi. *WALANG FOREVER!!!*

"Ikaw nalang maghugas nung pinggan." Sabi ko kay jungkook habang naglalakad.

"HOY! Bakit si jungkook my bae yung paghuhugasin mo ng pinggan?!" Tanong nung 'FYG'.

"May kasunduan kami noh!"Sambit ko naman sa kanya ng pabalang.

"Kahit na! Ikaw dapat ang maghugas! Kawawa naman yung jungkookie ko kapag napagod sya." Sabi pa nito. Tangena talaga ang babaeng to! Kalandian!

"Edi' ikaw ang maghugas kung ayaw mo syang mapagod! Palibhasa, wala ka namang alam sa kasunduan namin eh!" Mahinang sabi ko at pumasok na sa kwarto.

Jungkook's P.O.V.

Tatayo pa sana si lucy para makipag-bangayan kay eunha pero agad ko naman syang napigilan.

"Bae, Wag na please. Totoo yung sabi nya, may kasunduan kami at kailangan kong maghugas ng pinggan hanggang sa isang linggo." Paliwanag ko kay yasmin.

"Okay. Isa lang ba kwarto dito? Edi' sabay kayong---"

"Hindi! Double deck naman eh! Wag ka ng mag-isip ng marami." Agad na sabi ko sa kanya.

"Pwede bang tayo nalang? Dun ka nalang sa apartment ko. Tapos sa kwarto ko rin." Ani nya sakin.

"Pero hindi pa naman tayo ah." Paalala ko sa kanya dahil ang totoo nan. Mutual understanding lang kami. Ayaw muna namin ng mabilisan.

"Eh bakit yung babaeng yun? Kasama mo sa kwarto kahit hindi naman kayo!" Nagtatampong paliwanag ni yasmin sakin.

"Kasi... Biglaan lang naman yun. Hindi ko nga inextpect na may makakasama akong babae na ganun ang ugali. Ang sungit."

"Kapag inaaway ka nya, sabihin mo lang sakin. Bae, kahit sino aawayin ko para lang sa'yo." Sabi nya habang hinahawakan ang dalawa kong pisngi.

"Hehe, Sige gabi na." Biglang sabi ko at lumayo ako ng unti para matanggal yung kamay nya sa pisngi ko.

"Pinaalis mo na'ba ako?"

"Hindi naman sa ganun bae."

"Pero sige bye." Sabi nya at tumayo na. Tumayo narin ako para buksan ang pinto pero hindi parin sya nalabas.

"Wala ka bang... Good bye kiss?" Tanong nya sakin.

"Pero kasi... Hindi ba parang mabilis?" Tanong ko sa kanya. Actually, ayoko syang halikan.

Ang totoo kasi nan ay... Hindi ko naman talaga sya gusto. Hindi naman sa manloloko ako pero kasi dahil sa kanya naging famous ako at yun lang yun kaya ko sya nagustuhan ng unti. Pero hindi kasi sya yung babaeng katulad nung ex ko dati. Yung first love ko. Kaso hindi nag-work ang first love. Tama nga sila.

"Sige, Alis nalang ako. Bye." Paalam nya sakin ng parang nagtatampo. Bahala sya.

Eunha's P.O.V.

Narinig kong nagpaalam na yung Bwisita ni jungkook kaya lumabas na'ko sa kwarto.

"Girlfriend mo ba yun? Ang panget ng ugali eh." Tanong ko kay jungkook at umupo ako sa isang sofa at binuksan yung TV.

"Hindi ko yun GF! Ginagamit ko lang sya." Sagot ni jungkook sakin. Napangisi ako sa sagot nya dahil parang proud pa sya na 'manggagamit' sya. Ulol.

Roommates حيث تعيش القصص. اكتشف الآن