Chapter 6: Weird moments

4.8K 109 0
                                    

Pumasok na kami sa mall at una kaming pumasok sa bilihan ng mga damit at uniforms.

"psst! Ano bang size mo?" Tanong ni jungkook sakin habang natingin ng damit.

"Hindi mo na kailangan malaman! Hindi naman ikaw yung magsusuot diba?" Sabi ko sa kanya.

"Fine. Mamili ka mag-isa mo! Eto yung pera, balik mo sukli tapos kapag tapos ka na, Dun lang ako sa waiting area." Sabi ni jungkook sakin at umupo na sya dun sa waiting area habang naka-dekwatro pa at nagbabasa ng dyaryo.

I don't care. Pumili agad ako ng magandang tela ng uniform at binayad yung bigay ni jungkook.

"Your change is 100 pesos, thank you and come again ma'am." Sabi nung cashier at dadaretso sana ako kay jungkook na nanatiling nagbabasa pero dahil may 100 pesos pa'ko, Naisip kong bumili ng ice cream malapit dun sa shop na binilhan ko ng damit.

"Ahm... Pabili nga ng dalawang ice cream na tig-40 pesos, isang chocolate at isang cookies and cream." Sabi ko dun kay manong. Dalawang ice cream kasi naisipan ko ring bilhan yung jungkook na yun kahit ayoko, Pero kasi sa kanya naman yung pera kaya bilhan ko narin. Kapal lang ng face,Walang paa-paalam eh noh. Bahala sya!

"Grabe, Dalawa agad? Kaya mong ubusin yung dalawang ice cream?" Puna nung vendor, Hayst! Mag-se-serve na nga lang, ang dami pang sinasabi! Kaya walang nabili sa kanya eh!

"Aysha! Isa nalang bilhin ko, Gusto nyo? May kasama pa ko dun eh! Pati hindi naman ako PG noh!" Bwisit sya, Kaya wala na siyang nasabi at kinuha ko na yung ice cream pati sinuklian nya ko ng 20 pesos sabay kuha ko nalang at irap sa lalaking vendor!

"Hoy! Ice cream mo!" Sabi ko kay jungkook ng medyo wala sa mood habang nakatayo sa harap nya.

"S-sinong may sabing... May ice cream na kasama kapag binilhan kita ng uniform? Pera ko ba yung ginamit mo pambili nan?" Tanong nya sakin ng nanlalaki ang mata.

"Haha, Don't worry dahil may sukli ka pa namang bente pesos." Sabi ko sa kanya at hinawakan nya na yung ice cream nya. Binigay ko na sa kanya yung bente pesos at natulala sya sa perang yun habang nasa palad nya.

"Sa tingin mo!? A-anong mabibili ko dito?" Tanong nya sakin. Hehe, ang dami kayang pwedeng bilhin.

"Like cornetto." I said to him. At bakit? Bente pesos yun ah, Sabi ni James Reid kay Nadine.

"Nang-aasar ka ba!? Alam mo bang kalahati na ng baon ko yung binawasan mo!?" Naiinis nyang sabi pero mukang pinipigilan nya lang dahil maraming Tao.

"Dyusko yun lang? Libre nalang kita kahit ano! Para lang sa sukli? Inaaway mo agad yung ice cream? Sayang cookies and cream yung inorder ko sayo dahil katunog ng pangalan mo, jungkook-ies and cream. Haha." Tina-try ko syang patawanin pero hindi sya tumawa. Tsk! Arte nya talaga ah! Totoo namang katunog nya ang jungcookies and cream. So cute.

"Umuwi na tayo." Walang buhay na sabi nya sakin habang naglalakad palayo.

"Ayoko pang umuwi, may bibilhin pa ko." Sabi ko sa kanya habang nakatayo lang at dala ang uniform. Hindi nya ko pinakinggan at dumaretso lang ng lakad "Yung holdaper nga pala, Baka nandyaan pa?" Paalala ko kay jungkook na nagpabalik sa kaya dito. Haha, ang duwag nya sa holdaper na yun, Tanga naman yung holdaper kaya hindi dapat sya matakot dun.

"Hayst! Speaking of... Report natin yun sa police."

"Wag na. Masasayang lang ang oras natin. Let's shopping-shopping nalang for more time." I said with a little wink,That's my symbol na 'shopping is life'. Hinila ko agad yung kamay ni jungkook kaya nabitawan nya yung ice cream at natapon sa sapatos nya. Im dead.

"S-sorry..." Sabay bitaw ko nung paper bag at yung cone nung ice cream ko. Pinunasan ko nalang yung sapatos nya gamit yung panyo ko. Yung mga tao naman ay nakatingin samin.

Roommates Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα