Chapter 26: Valentines Party (part 2)

2.6K 83 5
                                    

Jungkook's P.O.V.

Matagal na araw ko ng hinihiling ang pangyayaring toh. At sa wakas, nangyari na. Ang malambot nyang labi. Bawat pagitan ng paghalik ko ay walang ibang iniisip kundi sya lamang. Alam kong may nararamdaman rin sya sa akin dahil kahit isang beses ay hindi sya umaalis sa mga halik ko.

"Eunha, I love you."
Sunod kong tinignan ang mukha ni eunha, gulat na gulat ang kanyang reaksyon at namumula ang kanyang mga pisngi.

Lahat ng estudyante ay nakatingin samin. Lahat sila ay nakapalibot samin. Isa na nga dito si tzuyu,anika,andrei at yung mga gangsters. Sa sobrang dami ng estudyante na sinabayan ng kanilang mga reaksyon. Hindi namin maiwasan ang mapahiya sa harap nila.

"Eunha,I'm sorry kung nagawa ko yung hali-"

"A-ayos lang. Wag kang m-mag-sorry." Malumanay nyang salita. Wala na'kong sinagot pa dahil nakita ko syang nanginginig. Alam kong nahihiya sya sa mga estudyanteng nakapalibot samin ngayon. Kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay tsaka hinila sya palayo sa mga estudyante.

*********

Pumunta kami sa likod ng isang building, eto yung lugar na pinagtatambayan namin kapag gusto naming magkwentuhan.

"Are you okay? Alam kong kinakabahan ka kanina dahil sa mga estudyante." Sabi ko pero hindi parin sya sumasagot. "Ahm... About dun sa... Ahm... Sa... Kiss ko. Sorry talaga. Alam kong hindi mo inasahan yun at hindi muna kita tinanong kung gusto mong-"

"Hindi, Ayos lang naman sakin."

"S-sigurado ka? Akala ko,hindi mo'ko gusto. B-bakit hindi ka nagalit nung hinalikan kita? Don't tell me-"

"Yes."

"A-anong yes?"

"The sweetest couple is..."

Napahinto kami saglit dahil narinig na namin yung announcer na nagsasalita sa stage. Eto na yung BCC.

"Ahm... W-wala yun. Tara na nga." Sabi ni eunha,tumayo na sya at bumalik ulit sa hall kung saan naganap ang Valentines party. Sinundan ko nalang sya.

Eunha's P.O.V.

"Ayos lang naman sakin."

"S-sigurado ka? Akala ko,hindi mo'ko gusto. B-bakit hindi ka nagalit nung hinalikan kita? Don't tell me-"

"Yes." Mabilis kong sagot. Ngayon ko sana gustong mag-confess ng feelings ko for him pero... Hindi pala ganon kadali ang mag-confess ng nararamdaman.

"A-anong yes?" Tanong nya naman sakin.

"The sweetest couple is..."buti nalang ay nagsalita agad ang announcer at narinig naman Ito ni jungkook.

"Ahm... W-wala yun. Tara na nga." Yun nalang ang sinabi kong pagpapalusot. Sana hindi na sya mag-isip pa. Mukang hindi pa'ko ready na mag-confess,nahihiya ako. Sa lahat ng pagsusungit ko sa kanya, hindi ba ang panget naman kung bigla nalang akong aamin na gusto ko rin sya? Parang hindi ko talaga kayang gawin ang confession.

Sinundan na'ko ni jungkook at umupo na kami sa dati naming pwesto. Kaso wala na si tzuyu.

"Pst, Ang ganda nung scene nyo kanina." Sabi ni hope samin. Hindi nalang namin sya pinansin at nginitian nalang sya.

"Nasaan si tzuyu?" Hindi ko maiwasan ang pagtataka nung narinig ko ang tanong ni jungkook. S-sigurado ba syang gusto nya paring hanapin si tzuyu? Kahit nandito naman ako. Akala ko ako lang? Bakit ganon? Bakit nya pa hinahanap si tzuyu!

Roommates जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें