Chapter 24: Welcome back!!!

3K 90 5
                                    

Jungkook's P.O.V.

"Min,wala ka bang balak sa Valentines party natin?" Tanong namin kay min.

"Ngayon ko lang nalaman na kasali rin pala ang nga gangsters sa party na yun."nakangisi nyang saad.

"Dude,wag ka ngang magpaka-bitter. Alam naman naming kahit isang beses sa buhay mo, na-inlove ka. At bakit hindi tayo sumali sa party ng school natin? Estudyante rin naman tayo dito kaso hindi lang enrolled." Sabay tawa ni jim.

"Na-inlove? Kadiri pakinggan pero matanggal ko ng naranasan yon,at matagal ko naring hindi nararamdaman. Kahit nga pamilya ko, hindi ako mahal eh." Paliwanag nya naman at bakas sa mukha nya ang pagkalungkot.

"Hindi mo talaga mararanasan yan kung hindi ka gagawa ng paraan para hanapin sya." Sambit ko naman.

"Sino namang hahanapin ko? Gag* ka, pamilya ko nga hindi ko mahanap, yung babae na yun pa kaya?" Natatawang paliwanag ni min.

"Bruh, kilala ko kung sino yung babaeng yun, Sya ba si umji? Yung babaeng magaling kumanta?" Tanong ni hope.

"Ha, ahm... Oo. Bakit?"

"Sa school natin sya nag-aaral bro kaso hindi ko lang alam kung meron na syang ka-partner sa party."

"Sigurado akong meron na yun." Sambit naman ni jin.

"Wala akong pake-alam kung meron na syang ka-partner sa Valentines party. Hindi naman ako a-attend." Paliwanag ni min, halatang tinatago nya yung selos na nararamdaman nya.

"How if wala?" Sambit ko naman kay min.

"Wag mo na'kong paasahin! Alam nyo kung gusto nyong pumunta sa party,pumunta kayo... Basta wag nyo nalang akong pilitin na suma-" bigla nalang syang nakabunggo ng isang babae kaya naman napatigil sya. Yung babae ay sobrang lakas ng pagkakatama kay min kaya napaupo sya sa sahig.

"Arayy~ Bakit kasi ayaw mong tuming-" napahinto sya sa pagsasalita  nung nakita nya yung mukha ni min. "Min? Ikaw pala. Hindi mo ba'ko itatayo?" Tanong nung babae. Wait, parang pamilyar yung mukha nya sakin, doon lang yata yung bahay nya eh. Malapit lang sa apartment namin.

"Ay! Sorry!" Awkward na sabi ni min at itinayo na yung babae. Habang kami ay naghihiyawan.

"Guys, Sya si umji. Magkaklase sila nung elem at parang sila yung love team namin sa room dati." Paliwanag ni hope samin. Oo nga,kilala ko yung mukha nung babae pero hindi ko alam yung pangalan. Taga-dito kasi yung babae na si umji daw. Kaya kilala ko yung mukha nya.

*Bzzz-bzzz-bzzz*

"Teka lang guys..." Naglakad muna ako palayo sa kanila at kinuha ko yung cellphone ko.

"Tzuyu? Welcome back?" Bulong ko sa sarili. Dumating na sya ngayon dito sa pilipinas. Sya rin yung ms.cupid representative ng Valentines party namin bukas.

Bumalik na'ko sa mga gangsters na yun at naabutan ko nalang sila na nagkakatuwaan pero wala na yung babae.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.

"Tignan mo toh si min, sobrang awkward kanina. Parang timang na hindi makapagsalita." Paliwanag ni jim.

"Ngayon nya lang kasi ulit nakita yon. Diba? Min?"sambit ni hope.

"Ano? Edi partner sa sila?" Tanong ko.

"Oo bro, Buti nga wala pang ka-partner si umji." Paliwanag ni jin.

"Mukang masaya kayo dyan,Ah?" Tanong ni v na halos kararating lang dito sa tambayan namin. Tambayan sa gilid ng apartment namin.

"Saan ka naman nanggaling?" Tanong ni min.

Roommates Where stories live. Discover now