Chapter 21: FAKE BOYFRIEND

3.3K 88 0
                                    

Eunha's P.O.V.

"Ahm... Magandang gabi,pasensya na... Late ako." Biglang nagsalita sa unahan namin yung lalaki. Pero parang pamilyar yung mukha nya sakin, kaso hindi ko naman sya kilala.

"Sige, but next time, wag ng uulitin. Okay?" Sabay tango nya sa teacher. "Baka may vacant chair pa dyan? Pa-upuin nyo muna si---"

"V."

"V? As in victory? Okay, Wala na bang vacant?" Tumingin-tingin ako sa paligid ko kung may vacant chair pa bukod dito sa tabi ko. Kaso wala na talaga kundi yung tabi ko lang. "Ms.Eunha, Bakit ayaw mong magsalita? May vacant pala sa tabi mo." Sabi nung teacher namin.

Hayst! Ayoko pa mandin ng may ibang katabing lalaki. Tumabi na sya sakin at nilagay nya ang bag nya sa gilid ng lamesa.

"Eunha, Diba ikaw yung girlfriend ni jungkook?" Pasimpleng tanong nya sakin para hindi sya mahuli nung teacher.

"Girlfriend? Hindi noh." Sagot ko sa kanya habang nagsasalubong ang dalawang kilay.

"Ah, roommates lang pala."

"Oo, Bakit?" Tanong ko.

"At Bakit kayo nag-uusap? Miss eunha and Mister V? Anong topic?" Nagulat kaming dalawa ni v ng bigla nalang nagsalita sa harapan namin si ma'am.

***

"Ikaw kasi eh! Bakit kasi tinatanong mo'ko kanina, Alam mo namang nag-e-exam!" Sisi ko kay V habang naglalakad kami.

"Eh bakit kasi ang lakas ng boses mo? Kaya nga hinihinaan ko lang--"

Nagulat kami ni v ng bigla nalang may humatak sakin.

Jungkook's P.O.V.

Sa ginawa kong pag-amin kay eunha, Gumaan na rin sa wakas yung pakiramdam ko. Atlis, wala na'kong itinatago. Sinabi ko na kay eunha na crush ko sya. Gusto ko sya.

Papunta ako ngayon sa waiting area ng school kung saan kami naghihintayan ni eunha para sabay na kaming umuwi. Dahil babae sya at wala syang kasama pag-uwi,gabi pa mandin ang uwian namin.

Nang bigla ko nalang nakita si eunha kaso may kasama syang lalaki, Wait!? What the hell,Bakit si V pa? Akala ko ba may yerin na sya! Bakit sila magkasama? No,Hindi ako praning. Ayoko lang na mapalapit si eunha sa mga gangsters!

Mabilis akong naglakad papunta sa kanila habang nagsasalubong yung dalawa kong kilay at seryosong mukha. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang hinila si eunha palayo kay V.

"Hoy bro, akala ko ba may yerin ka na? Bakit mo pa nilalapitan si eunha?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Jungkook! Ano ba! Nagsabay lang naman kami ni v kasi mag-kaklase kaming dalawa sa last period." Paliwanag ni eunha sakin. Classmates? Wow, Galing ha. Oo na,Nagseselos ako. Bakit naman kailangan pa kasi nilang magsabay?

"Talaga bang dapat magsabay? Ako dapat yung kasama mo sa uwian diba?"

"Masama bang sumabay sa iba? Pati kaano-ano ba kita jungkook? Roommates lang naman kita diba? Hindi naman kita boyfriend." Paliwanag ni eunha.

"Masyado kang nagseselos,Bro. Hindi ko naman gusto si eunha. Ipapaalala ko lang sa'yo,meron na'kong yerin." Paliwanag ni V sakin tapos umalis na sya. At bigla nalang hinila ni eunha yung kamay nya sa pagkakahawak ko sabay naglakad na rin sya palayo sakin.

Hindi naman sya siguro masyadong nagalit sakin diba? Oo na, Nagkamali ako. Sorry naman, Eh kasi akala ko... Dala lang kasi ito ng masyadong selos guys, sorry talaga. Sana hindi magalit si eunha sakin.

Sinundan ko lang si eunha at tina-try kong abutan sya sa paglakad kaso binibilisan nya talaga para hindi ko sya maabutan. Nung nandon na sya sa tapat ng apartment,tumigil sya dahil wala naman syang susi ng apartment.

Roommates Där berättelser lever. Upptäck nu