Chapter 3: Best friend

5K 119 12
                                    

For me, that girl is perfect. Pero sabi nila 'nobody is perfect' kaya naman napa-isip akong baka masungit sya? Or bobita?

"Hey babe." Bati ni Andrei sa kanya.

"Sino sya?" Seryosong tanong nung babae.

"A-ako si eunha." Pagpapakilala ko sa kanya.

"Parang pamilyar yung pangalan mo sakin. Ikaw ba yung best friend ko?" Tanong nya sakin. Hindi ko alam yung sinasabi nya pero kung sasabihin nya muna yung pangalan nya sakin. Baka sya nga yung best friend ko.

"H-hindi ko alam. Sino ka'ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ako si Anika Rosales, May dati akong best friend. Pangalan nya ay eunha tapos sabi nya sakin kapag college na daw kami, dito daw kami mag-aaral. Kaya nga nandito ako eh." Paliwanag nya. Sya nga yung best friend ko. OMG! Bakit sya pa!? Sa dami-dami ng babaeng pwedeng maging jowa ni andrei. Sya pa talaga!?

"Ah, sorry. Hindi ako yun. Baka kapangalan ko lang." Pagsisinungaling ko.

"Pero kasi... Kamuka mo talaga sya. Ikaw nga si eunha." Sabi nya sakin habang palapit at ako naman palayo. Alam kong yayakapin nya ko kaya gusto kong lumayo.

"Hindi nga ako yun. Sorry." Sabi ko sa kanya at umalis na.

"Wait eunha, Alam mo ba kung saan yung room mo?" Pahabol ni andrei sakin. Napatigil ako kasi hindi ko alam kung saan.

"Hindi eh, saan ba yung tamang daan?" Tanong ko kay Andrei at tinuro nilang dalawa yung daan. Ano ba naman yan! Magwo-walk out na nga lang Mali pa!

"Sige, bye sa inyo. Nice to meet you nga pala girlfriend ni andrei." Bati ko at naglakad na palayo.

Bakit ko ginawang magsinungaling sa best friend ko? Dahil ayokong magselos. Alam nya kasing dati pa... Crush ko na si andrei. Tapos sya pala ang magiging girlfriend!? Hayop! Nakakainis! May pasupport-support pa syang ginagawa sakin dati nung elementary kami tapos sya pala yung-- hayst! Bad trip talaga! Inaamin ko, mas maganda sya sakin at mas matalino. Actually nasa kanya na lahat eh! Kaya nga inggit na inggit ako sa kanya. Pati ba naman si andrei kinuha nya.

Binasa ko lahat ng room number at nakita ko narin yung room 142. Tumingin muna ako sa loob at mukang puno na lahat ng silya maliban sa isang upuang natitira. Siguro ako nalang yung kulang, akin talaga yung upuang yun.

Uupo na sana ako pero biglang may humarang na lalali sakin. Umupo sya sa upuang yun na dapat akin.

"Excuse me, Upuan ko yata yan." Sabi ko dun sa lalaki pero hindi nya ko pinansin at nakipag-usap pa sya dun sa isang lalaki. "HOY! BINGI! ANG SABI KO! AKO DYAN!" Naubos na yung pasensya ko sa kanya eh kaya sumigaw ako. Lahat tuloy ng mga classmate namin ay napatingin sakin.

"Sino ka'ba? Hindi ka nga kilala dito eh. Pasalamat ka,babae ka." Sabi nung lalaki sakin.

Bigla namang may nangulbit sakin sa likod ko.

"Halika dito. Masamang magalit yang kausap mo kaya kung ako sa'yo, dito ka nalang umupo. May isa pa namang upuan eh." Sabi nung babae sa likod ko. Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi nung babae. Pasalamat rin yung lalaking maangas, buti nalang kumalma ako.

"Transfer ka ba dito?" Tanong sakin nung babaeng simple lang ang itsura. Maganda sya pero hindi masyado.

"Oo eh. Galing ako sa probinsya at lumipat ako dito sa manila para sa kolehiyo." Paliwanag ko sa kanya.

"Ah, ako si Sheena. Ikaw, Anong pangalan mo?" Tanong nya sakin.

"I'm eunha. Matanong ko lang, bakit parang may mga sayad ang studyante dito? Pero hindi ko sinasabing kabilang ka dun." Tanong ko sa kanya ng seryoso.

"Wag mo namang lahatin kasi baka nasasakto lang na yung mga nakakasalamuha mo, mga tarantado katulad nun."paliwanag nya sakin habang tinutukoy yung lalaking tarantads nga.

"Ano bang problema nun? Mukang siga eh." Puna ko sa kanya.

"Oo ganyan talaga yan. Pero nakapagtataka lang dahil kahit babae pinapatulan nan. Maliban sa'yo. Baka kasi type ka nya haha." Nakakaasar na biro nya sakin.

"May sayad karin ba?" Seryosong tanong ko.

"Haha, Medyo. Parang. Oo na yata." Ewan ko sa kanya. Hindi ko nalang sya pinansin at bigla ng dumating yung teacher kaya tumahimik na ang lahat.

"Class, Bago ang lahat... Merong magpapakilala dito satin." Sabi nung teacher. Wow, Exciting. Sino kaya?

Nagtaka ako nung tumitingin sakin yung teacher na parang sinasabi nyang tumayo na'ko. Tumingin ako kay Sheena at sinabi nyang "Magpakilala kana. Ikaw lang yung transfer dito eh." Bulong nya sakin at tumayo na'ko sa unahan.

"I'm eunha." Maikling pagpapakilala ko sa kanya at umupo na ulit.

"Speechless yata sya. Pabayaan nyo na. Let's start in our lesson." Sabi nung teacher.

3 hours later...

Nag-ring narin ang school bell sa hudyat ng lunch time. Unahan yung iba sa paglabas at pinabayaan muna namin sila. Muka kasi silang aso na nakawala sa kulungan.

"May boyfriend ka na'ba? Baka kasi may kasabay ka sa lunch eh." Tanong ko sa kanya habang nakatayo.

"Muka ba kong may kasabay? May kaibigan? At lalong muka ba'kong may boyfriend? Hayst!" Sabi nya sakin sabay tayo.

"Ex?" Tanong ko.

"Meron isa lang. First love ko at first love namin ang isa't isa pero hindi nag-work. First love never works eh." Paliwanag nito habang naglalakad kami palabas.

"Wow, Grabe naman. May first love ako eh kaso may girlfriend narin yun. Siguro nga tama ka. First love never works." Paliwanag ko rin sa kanya.

"Kung ikaw... Makatagpo ng second love? Aasa ka pa'ba? " tanong nya sakin.

"Ewan ko. Depende siguro kung may magmamahal sakin sa sungit Kong to." Sabi ko sa kanya habang pababa na kami ng hagdan.

"Hindi ka naman masungit ah."

"Masungit ako noh, hindi mo lang alam. Pero paano kung ikaw naman? Makatagpo?" Nakangising tanong ko.

"Wala noh. Hindi na siguro. Ayoko na eh."

"May ex ka di'ba? Malay mo naman, Mahal nyo parin ang isa't isa. Sino ba kasi yung ex mo?" Tanong ko sa kanya.

"Secret."

"Okay, ganto nalang. Describe mo sya sakin. Malay mo naman kilala ko." Sabi ko sa kanya.

"Gwapo at masungit. Yun lang sya." Sabi nya sakin. May kilala ba'kong gwapo na masungit?

Wala yata.

Roommates Where stories live. Discover now