Chapter 4: Revenge

4.9K 121 6
                                    

Naka-order na kami ng pagkain at naghahanap nalang kami ng table na pwedeng pagkainan.

"Sa second floor nalang ako maghahanap." Sabi sakin ni Sheena at lumakad na sya sa second floor. Sakto namang nakakita ako ng pwesto na pandalawahan. Ayokong puntahan si Sheena sa second floor, since nagpalitan na kami ng number. Tatawagan ko nalang sya. Kaso habang dala-dala ko yung pagkain ko at habang dina-dial ko yung number ni Sheena. Biglang may nakabunggo saking lalaki kaya nahulog yung cp ko at nabasag yung screen. Tapos yung spaghetti na inorder ko, natapon lang sa puti kong uniform. Tumingin ako dun sa lalaki at bakit si JUNGKOOK pa?!

Nagsi-tinginan yung mga tao saming dalawa at yung iba bumubulong pang "kawawa naman yung babae." Pero mas kawawa sakin si jungkook mamaya sa apartment. Humanda sya sakin!

"Tignan mo yung ginawa mo! Yung phone ko! Yung uniform ko! Bwisit ka talagang lalaki ka~!!!!" Sigaw ko at susuntukin ko sana sya pero hinawakan nya yung kamay ko .

"Wala tayo sa apartment. Nasa school tayo." Bulong nya sakin.

"Wala akong pinipiling lugar!!!" Sigaw ko pero mas malakas sya sakin kaya napipigilan nya yung suntok ko.

"Babae ka ba talaga? Nakakahiya tong ginagawa mo noh!" Sumbat pa ni jungkook. Tinanggal ko yung kamay ko at biglang tumulo yung luha ko sa pisngi.

Kinuha ko yung phone ko at tumakbo papuntang C.R. Sinarado ko yung pinto ng C.R. at umiyak.

"Bwisit yung jungkook nayun! Humanda talaga sya mamaya!" Pinunasan ko yung luha ko at pinunasan korin yung mantsa sa uniform ko. Tinignan ko yung phone kong basag at tinawagan ko si Sheena.

"Sheena, Hindi na'ko kakain. Kita nlang tayo sa room. Bye." Sabi ko at call end agad.

Binuksan ko yung pinto ng C.R. at nakita ko si andrei at anika habang hinihintay yata ako.

"Nakita ko ang lahat. Ayun yung roommate mong mayabang noh?" Ani andrei sakin at tumango ako. "Don't worry, patay sya sakin mamaya." Sabi ni andrei at niyakap nya ko. Nakita kong nagulat si anika katulad ko.

"Oops! Baka mahawa yung damit ni andrei." Singit ni anika kaya bumitaw na kami sa yakap. Alam Kong nagseselos si anika dahil best friend ko yan dati.

"Sige,bye. Pero wag mo nalang gagantihan si jungkook." Bilin ko sa kanya.

"Pero bakit? Dapat ko lang syang--" Tinitigan ko ng masama si andrei kaya napahinto sya ng sasabihin nya. "Hayst! Bakit ayaw mo yata syang masaktan? Crush mo ba sya?" Daretsong tanong ni andrei.

"Kalokohan,Hindi ako tanga para magustuhan ang supladong yun! Kung pwede nga lang pumatay eh. I mean... Gusto ko, ako yung gaganti sa kanya mamaya. Tignan mo! Paglalabahin ko sya ng uniform ko! Sige alis na'ko." Paalam ko at pumunta nasa room namin.

Nakita ko si sheena na naghihintay sakin sa loob.

"Sheena." Tawag ko sa kanya at umupo na'ko sa tabi nya.

"Anong nangyari sa uniform mo? Hinahanap kaya kita sa canteen." Sabi nya sakin.

"Konting kamalasan lang. Kagagawan ng roommate ko. Nakakaasar nga dahil nabasag rin yung phone ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Kawawa ka naman." Bulong sakin ni sheena. Bigla kong naihampas yung kamay ko sa kanya dahil ang pinaka-ayoko, yung kinaka-awaan.

"Aray! Bakit mo'ko hinampas?" Tanong nya pa habang hinihimas yung braso nya.

"Ayoko yung sinabi mo. Dahil mas kawawa si jungkook sakin mamaya." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Jung-- ano? Sino yun? Para kasing pamilyar sakin yung pangalan na nabanggit mo. Sorry kung... Wag mo na ulit mababanggit yung pangalan na yun sakin."

Roommates Where stories live. Discover now