Chapter 15: REVENGE 2

3.3K 84 6
                                    

Eunha's P.O.V.

"Pwede bang mamaya na kayo mag-usap tungkol sa RELATIONSHIP nyo. Pati bakit nga pala nandito ka? Kapal mo rin noh." Sabi ni andrei kay jungkook. Eto na nga ba sinasabi ko eh,Simula na toh ng world war 3. Pati hindi na lasing si andrei,Sana naman... Wag na silang mag-away.

"Ehem, Excuse me... Hindi naman kasi ikaw yung pinunta ko dito. Ayoko ng away." Shu,Parang si jungkook na yata ang umiiwas sa gulo ah. "Ah,Oo eunha. Ako na yung umiiwas para hindi magkasugat ang mala-anghel kong mukha." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Nagtataka tuloy ako kung nababasa nya ba lahat ng iniisip ko.

"Nababasa mo ba yung nasa utak ko?" Tanong ko kay jungkook at umirap naman si andrei dahil sumingit ako sa pag-aaway nila.

"Eunha,I'm not a mind reader as you expected. Halata naman kasi sa mukha mo na ngumingisi ka dahil sinabi kong ayoko ng away."

"Teka lang,Bakit ba ang daldal mo masyado?" Andrei.

"Pake-alam mo ba? Masyado ka ng epal eh!" Jungkook.

"Anong epal! Kung hindi mo lang kasi inagaw yung girlfriend ko,edi sana... Hindi kumukulo yung dugo ko sa'yo!"

"Kasalanan ko bang mas gwapo ako sayo? Kaya naging crush ako ni anika."

Oh no,Biglang nag-punch si andrei sa pisngi ni jungkook. Pero Buti nalang,Naka-iwas sya. Pero si jungkook naman yung kumuha sa braso ni andrei at pinilipit ito. Sabay kuha naman ni andrei sa kwelyo ng damit ni jungkook at nilukot ito ng mahigpit. Habang ako? Nakatayo at putlang-putla ang mukha. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Gusto ko silang awatin pero baka naman masuntok ako nung dalawa. Pero alam nyo,erasures ko lang ha,Hindi naman pala sila nagsusuntukan. Nagpipilipitan lang sila ng damit kaya napangisi ako dahil mukha silang mga bakla. Kapag hindi nila itinigil ang away na toh,Ako na talaga ang susuntok sa kanila. Hayst! Bahala na sila Dyan,umalis nalang ako at naglakad palayo. Oo nga pala,Sakin pinahawak ni andrei yung gitara nya kaya bumalik ako sa kanila.

"Oh! Gitara mo andrei, Pwede mong gamitin panghampas kay jungkook." Sabay ngiti. Iniwan ko lang yung gitara sa sahig at tumigil silang dalawa pero magkahawak parin sa isa't isang damit. Effective naman dahil narinig ko silang bumulong...

"Sure ba syang hindi nya tayo aawatin?" Andrei

"Eunha? Wait for me." Jungkook.

Hayy~ isa pa tong si jungkook. Hindi pa ako nakakalayo ng hinabol nya ko at hinawakan nya yung braso ko para pigilan sa paglalakad. Problema nito?

"J-jungkook,bitaw! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Sobrang nagtataka na kasi ako... Eto na nga,Crush nya ba ko? Kaya naiilang na naman ako eh. "Si andrei? Wait la-" pupuntahan ko sana si andrei kaso hinila nya ulit ako. "Problema mo ba!? Sasamahan ko si andrei."

"Pwede bang kahit ngayon lang, Ako muna yung samahan mo." Sa ginamit  nyang mahinahon na boses,at sa nagmamakaawa nyang mukha... Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi sa fallin' love,Kinakabahan kasi ako kay jungkook. Parang may gusto syang sabihin na ikakagulo ng buhay ko. Nahh! Ang gulo! Ang hirap! Ano ba yun!?

"Bakit? May gusto ka bang sabihin?"

"About dun sa... Sinabi kong hindi pa magiging tayo sa ngayon pero magiging tayo rin.... Kasi sa totoo nan... Kasi..."

"Ano? Crush mo ba'ko?"

"Haha! Kasi JOKE LANG YUN! HAHAHAHA! HAHAHAHA!"

What the!!! Alam nyo yung feeling na gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko. Sobrang assuming ko pala,hayst! Bakit ko kasi tinanong yun! Eh si jungkook pa? Magkakagusto sakin? Eh lagi nya nga akong inaaway eh. ARGHHH!!!! NAKAKAHIYA! NAKAKAINIS! ARGHHH!!! BWISIT KA JUNGKOOK!

Roommates Where stories live. Discover now