Chapter 30: Bye and Sorry

2.9K 86 11
                                    

Eunha's P.O.V.

"Babe, Gising na~" Biglang nakarinig ako ng boses... Ni jungkook, as always naman sya ang taga-gising ko tuwing umaga.

Gumising na'ko at bumangon. "Good morning,babe." Yun nalang ang nabati ko sa kanya dahil inaantok pa'ko.

"Happy monday morning." Ngumiti rin ako sa kanya, pero nung naisip ko yung sinabi nyang.... Monday... Omg! Shit! Monday na nga pala ngayon! Oras na ng pag-i-impake at pag-alis ko sa apartment. Pero paano ako makakapag-impake kung nandito si jungkook? Tsaka may pasok pa kami sa school.

"Nagluto na'ko ng breakfast,babe. Kumain ka nalang muna kasi medyo late kita nagising dahil mukang masarap yung pagtulog mo kaya nakakapanghinayang kang gisingin." Natatawang paliwanag ni jungkook. Umupo na'ko sa kusina at kumain ng mga niluto nyang breakfast like sandwich with tuna flakes and cheese melt tapos oat drink na strawberry shortcake ang flavor.

"Jungkook, bakit ba laging special yung luto mo? Tapos hindi ko maitatangging sobrang sarap nito." Nakangiting saad ko sa kanya.

"Syempre, kailangan lang lagyan ng love recipe. Sino pa bang iniisip ko tuwing nagluluto ako? Ikaw diba." Nakangising sagot ni jungkook. Eto na naman sya, wala ng ginawa kundi pakiligin na naman ako. Hayst, mamimiss ko yung gantong pagsasalita nya.

Naligo na si jungkook sa banyo habang kumakain naman ako. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko nalang yung pinggan na ginamit ko. Siguro hinugasan na ni jungkook yung ginamit nyang plato.

Nung natapos ng maligo si jungkook,nagbihis na sya sa kwarto. At ako naman ang pumasok sa banyo para maligo.

******

Nandito na kami sa school at unang may bumati kay jungkook. Yung anim na tropa nyang lalaki.

"Uyy~ Magkasama na naman kayo." Nakangising sambit ni v.

"Aba, syempre... Sila na yata." Sambit naman ni hope.

"Oo, kami na ni eunha. Eh kayo naman? Talagang napasok na ba kayo?" Tanong ni jungkook.

"Syempre naman, classmate ko yata si sheena sa isang subject." -hope

"Ako naman katabi ko si yerin, tuwing math period." V.

"Si yuju naman, kasali rin sya sa ballet class namin."jimin.

"Kami ni sowon, magkasama kami sa isang cookery class." Jin.

"Kami ni umji, classmate kami sa chemistry pero naging mas close na kami ulit." Min.

"Eh? Parang ngayon ka lang ulit sumaya ng ganan kasaya." Sambit ni jungkook.

"Eh diba may isa pa kayong kasama? Nasaan yun?"tanong ko sa kanila.

"Ah si boss rm ba? Mukang lilipat na sya sa probinsya, para daw magtrabaho." Paliwanag ni min.

"Uyy~ jungkook, Kawawa naman si boss rm diba? Wala ka na ba talagang kilala dyan? Ma-ireto man lang." Sambit ni v.

"Meron naman, si ate jaz ko."

"Oo nga,babe." Saad ko.

"Pero sabi ni min, aalis na daw si boss rm eh."

"Yun nga kung wala pa syang inspirasyon dito sa school." Sabi ni jim.

"Oo nga naman, para magkasama-sama na rin kayong pito." Sambit ko kay jungkook.

"Sige, ita-try kong kumbinsihin si ate jaz." Sabi ni jungkook at saktong dumating na yung isa nilang member. Si boss rm daw.

"Ahm... Boss, may ibibigay ako sa'yo." Sabi ni jungkook at nakita ko syang kumuha ng piraso ng papel sa bulsa nya.

"Kailan ka pa nagkaroon ng calling card ni ate jaz sa bulsa?" Mahinang tanong ko.

Roommates Where stories live. Discover now