Chapter 2: Who's that girl?

6.2K 142 3
                                    

Pumasok na'ko sa kwarto namin at nakita ko si jungkook na nakahiga ng pa-side.

"May boyfriend kana pala? Hanep sa sungit mong yan?" Pang-aasar ni jungkook.

"Hindi ko sya boyfriend." Walang buhay na sabi ko habang umaakyat sa hagdan ng double deck.

"Wews. Pero nag-dinner pa kayo." Sabi pa nito.

"Bakit mo alam? Sinundan mo ba'ko?" Tanong ko sa kanya habang nakahiga na.

"Hindi pero alam kong nag-dinner kayo dahil ang lapit lang ng store dito satin, matalas kaya ang mata ko." Paliwanag nya sakin.

"Edi' wow! Matulog ka'na." Ang sabi ko.

"Wala man lang good night?"

"Edi' bad night jungkook, bitter sleep and sleep not well." Masamang sabi ko sa kanya.

"Sungit." Narinig ko syang bumulong sa baba.

"Suplado." Bumulong rin ako para marinig nya.

Jungkook's P.O.V.

Umaga na at bumangon na'ko dahil maaga dapat sa first day. Pagka-apak ko sa sahig, hindi sahig ang naapakan ko kundi yung kamay ni eunha.

"B-bakit ka dyan natulog? Hoy! Gising!" Buti gumising sya at mukang nagulat rin sya.

"B-bakit nandito ako nakahiga? Binuhat mo ba'ko dito?" Tanong nya sakin at tumayo na sya.

"Hindi noh! Baka mas comportable kang matulog dyan? Anyway,Kung sa S.W.A. karin mag-aaral... Sumabay kana sakin. Kaso bilisan mo, ayokong ma-late." Sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto para magluto.

Eunha's P.O.V.

Umirap lang ako sa kanya at inayos ang higaan ko sa taas. Ang gulo rin ng higaan nya, mas magulo pa sakin. Pero mas malikot naman akong matulog sa kanya dahil nakapunta ako sa sahig ng hindi nagigising.

Pagkatapos kong magligpit ng pinagtulugan namin. Lumabas na'ko at nakita ko syang walang damit sa taas pero nakabalot ng tuwalya yung baywang nya habang nagluluto sya.

Yung maputi nyang balat tapos yung malaki nyang muscle,yung napaka-gandang view ng likod nya...

NO! NO! NO! Erase... Isa syang masungit,suplado at mayabang! Yun sya!

"Bakit mo'ko tinititigan ng ganyan? Huh?" Nakangising tanong nito sakin habang nagluluto.

"Hindi naman kita tinititigan! Yung paraan ng pagluluto mo yung tinitignan ko!" Pagsisinungaling ko at pumasok na'ko sa banyo para maligo pero bigla syang nagsalita.

"Ako ang ma-uunang maligo." Sabi ni jungkook sakin kaya lumabas ako.

"Pero nagluluto ka pa naman di'ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga pero malapit na'kong matapos kaya umupo kalang dyan." Sabi nya sakin kaya umupo naman ako sa salas.

Pumunta si jungkook sakin at inabot yung panluto.

"Dahil ako yung unang maliligo, ikaw muna yung magluto." Ang sabi nya sabay takbo sa banyo at sinarado Ito.

Wala akong nagawa kundi magluto. pero... "HINDI AKO MARUNONG MAGLUTO NG PRITONG ITLOG AT HAM!" Sigaw ko para marinig ni jungkook pero mukang hindi sya nakikinig.

Sunog na yung ilalim eh. Ayoko namang lumapit dahil yung mantika tumatalsik. Dahan-dahan kong ibinaliktad yung itlog at yung Ham pero bigla itong pumutok. Yung mga mantika, tumatalsik sakin.

Roommates Where stories live. Discover now