Chapter 25: Valentines Party (part 1)

3.5K 93 19
                                    

Eunha's P.O.V.

Ngayon,ngayon na ang araw ng Valentines party namin! At take note, Hindi naman ako masyadong excited para gumising lang ng maaga. Hayst, kasi si ate jaz, tinawagan nya ako ng maaga dahil pupunta daw sya ngayon dito para ayusan nya ako. Napaka-supportive ate nya nga diba? Kasi ako yung ka-partner ni jungkook,gusto nya daw na bongga at special ako sa lahat ng babae dun sa party. At take note, Hindi daw sya papayag na matalo ako bilang ms.cupid of Westley university. Oh diba? Lalo naman daw si jungkook,gusto nya daw na maging Mr.kupido of the year yon. Shacks,Kinakabahan tuloy ako ngayon.

Dahan-dahan akong bumaba ng double-deck para hindi magising si jungkook na mahimbing na natutulog sa kama nya. Pumunta muna akong banyo at nag-tooth-brush tapos naghilamos.

"Psst! Eunha, Wag kang maingay kay jungkook, baka magising yon." Mahinang sabi ni ate jaz na nakasilip sa bintana. Pinagbuksan ko nalang sya ng pinto at dahan-dahan na isinarado ulit. "Bakit hindi dapat makita ni jungkook na-"

"Psssh... Para surprise. Parang kasal lang yan. Kailangan pagkakita ni jungkook sa'yo,BOOM! Inlababo sa'yo yun!" Biro ni ate jaz.

"Nah~ hindi na po kailangang ma-inlove sakin yun!" Sambit ko.

"Ayy~ basta! Kailangan ayusan parin kita! Maligo ka muna,okay? Ako na bahala kay jungkook." Paliwanag ni ate jaz,tumango nalang ako at kumuha ng twalya tsaka dumaretso sa CR para maligo.

Ate Jaz's P.O.V.

Edi yon, nagulat sakin si jungkook nung ginising ko sya. Akala nya daw hindi pa tapos yung bangungot nya. Luko talaga toh. "Bakit ba kasi...? Ang aga pa. Ba't ka nandito?" Inaantok pang sabi ni jungkook sakin habang nakahiga parin sa kama nya.

"Hoy! Valentines party nyo yata ngayon!?" Nakasigaw kong sabi ko sa kanya.

"Ha? Mamaya pa namang gabi yun ah?"

"Tungaw! Maaga, maghapon yun!"

"Eh? Oh bakit ka nandito?" Tanong nya parin habang nakapikit ang mga mata.

"Tsk!! Syempre, Ako yata ang mag-aayos sa baby kookie ko ngayon. Kaya bumangon ka na dyan!!!" Sigaw ko habang pinipilit kong bumangon sya.

"Naah~ ate naman eh! Oo,babangon na'ko." Sabi ni jungkook at umupo na sya sa kama habang kinukusot ang mata. "Hayy~" OMG,Naalala kong nandon pa pala si eunha sa banyo at bahagya lang nakasara ang pinto. Ngayon ay papasok na si jungkook dun... Sana hindi pa huli ang lahat...

"W-WAIT LANG!!!" Sigaw ko kay jungkook para mapatigil sya sa pagpasok nya sa banyo. Buti naman ay agad syang lumingon sakin bago pa sya makapasok sa banyo.

"B-bakit?" Tanong ni jungkook sakin. Habang ako naman ay pasimpleng sinasarado ang pinto banyo. Hayst, Bakit kasi hindi nagsasarado ng pinto toh si eunha, siguro akala nya na tulog parin si jungkook.

"Ah,w-wala lang. Ahm... Naliligo pa kasi si eunha. Kumain ka nalang muna. May dala nga pala akong kimbap. Alam kong favorite mo parin toh, diba?" Sabi ko habang binubuksan yung mga pasalubong kong kimbap sa kanya.

"Hmm... Ate jaz, Mas maganda siguro kung ako nalang yung nagluto,para hindi ka na nag-abala pa."

"Wow naman~ May worries ka pa pala sakin??" Namamanghang tanong ko sabay yakap ko kay jungkook. "Baby kookie ko~"pagmamalambing ko kay jungkook pero umirap lang sya sabay ngisi.

"Ate jaz naman, Kahit jungkook nalang itawag mo sakin! Hindi na'ko baby!" Naaasar na sabi nya. Tinigil ko  na ang pagyakap ko at kunwari'y nagtatampo sa kanya. "Oo noh! Pero kapag si eunha ang tatawag sayong 'baby', gustong-gusto mo!" Nagtatampo kong saad sabay cross ng arms.

Roommates Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt