☆ Tune Nine :: prince chanak & sleeing chakadal

Comenzar desde el principio
                                    

Naiimagine ko tuloy si Lexa na namatay dahil sa luto namin. Pinagsamang Epic fail.

"oh, lutang nanaman utak mo? "

sabi ni Lexa habang nilalagyan ng kahit ano ang niluluto.

"ah, wala naman may naisip lang ako, ay may assignment ba tayo?"

"wa---"

"K.N!!!!!"

sigaw mula sa labas ng kusina kaya tumakbo kami palabas. Nadatnan namin ang isang lalakeng naka talikod, parang kilala ko 'to.

"sino??"

"oh anja----??? Lexa? Emmy?"

Sabi na eh, kilala ko 'to si sir Mat.

"ah, sir...ano po..*sniff sniff* oh gosh! lexa yung niluluto mo!!!!" bulyaw ko agad namang napatakbo pabalik sa kusina si Lexa naiwan kami ni sir Mat doon. Pinaupo niya muna ako sa sofa at hinintay namin si Lexa na matapos sa kusina.

Makaraan ang ilang minuto ay lumabas ito namasama ang aura.

"anyare?"

"nasunog, ayun wala na sira na."

"asan yung isa?" singit ni sir Mat, umupo sa tabi ko si Lexa at kinalikot ang daliri.

"ah, sir---"

"wag niyo akong tawaging sir pag nasa labas ng school Kuya Mat or what ever nalang"

"ok, po what ever" sagot ni Lexa.

"tss.. ok, bakit kayo andito?"

"pinapasok po kami ni KN" -lexa

"bakit niya kayo pinapasok?"

"kasi hindi pinalabas" -lexa...again.

"bakit hindi nalang kayo lumayas?"

"kasi po hindi naman kami pinapalayas"

Napangiwi si sir Mat sa mga sagot ni Lexa aba, nakakatuwa nga at ganyan siya eh yung namimilosopo, minsanan lang kasi yan eh lalo na at nasunog yung pagkain kaya namimilosopo yan.

"asan si Shaina?"

"malay po namin, hindi po kami hanapan ng nawawalang nilalang"

"isa pa..." bulong ni sir, bulong na abot hanggang tenga ko.

"sir lilipat po ba kayo ng subject kaya nagbilang kayo?" -Lexa

"pusang gala! bakit kasi kayo nandito?"

inis na tanong ni sir poker face naman tong si babae.

"sir simple ---"

"Lex---oh ninong?!"

Naptingin kami sa pinto andoon si KN buhat-buhat si Shaina na walang malay. Bridal style yung pagbuhat kinikilig tuloy ako.

"KEN NATHAN CHAN!!!"

sigaw ni sir tila nawalan naman ng kulay si KN kaya agad-agad nitong nilapag si Shaina sa sofa.

"magpaliwanag ka ngayon din!"

"o-opo ninong"

mag ninong?!

" ninong mo KN?!" singit ko at pinalipat lipat ang tingin sakanilang dalawa.

"Kakarinig lang diba?" sabat ni Lexa 

Okay sabi ko nga diba pahiya ako.

Nag-usao naman yung magninong daw..

Ilang oras ng walang malay si Ina kaya nabahala na ako hindi naman yan matagal kung matulog eh, hindi rin 'to tulog mantika. Sadyang pagod lang siguro kaya mahirap magising.

Nasa normal naman ang temperatura niya walang kakaiba.

"oh, kayong tatlo jan" lumingon ako sa nagsalita si sir Mat pala kasunod si KN.

"sabi ni KN dito kayo titira. Ayos lang ba?"

Tumango kami ni Lexa.

"pero kasama niyo siya dito"

" ayos lang po yun what ever" -Lexa na hanggang ngayon ay nababanas pa.

"pag sa school tawagin niyo akong sir Mat pero pag sa labas na Tito Mat nalang. Ako pala ang ninong netong si KN"

" Eh kung ikaw po ang ninong bakit kung maka asta po kayo para kayong tatay niya"

"kasi, wala yung tatay niya nasa abroad walang mag-aalaga yung mama niya kasi nasa ibang bansa rin nagtratrabaho. Wala naman siyang kapatid kaya ako nalang."

napa-ahhh.. nalang ako at umupo ulit sa tabi ni Ina. Gusto ko na siyang gisingin para hampas hampasin eh kasi naman!

"sige KN alis na ako, girls kayo na bahala sakanya."

tumango kami sakanya bago siya umalis.

" Lexa nakapagluto ka?"

"pag tiisan mo yung sunog na ulam, dahil yan sa ninong mo biglabg papasok at sisigaw"

Napakamot si KN sa batok niya at dumiretso sa kusina. Kami dito lang sa sala, hinihintay na bumangon itong si sleeping beauty. Kailangan ata ng prince charming para magising.

xD

"oh.. prince charming.." sambit ko at tumawa ganun din naman si Lexa kambal kami niyan pagdating sa utak. ..

Pagkatapos kumain ni KN ay dumating na siya ang sabi.

"may i-ooffer ako sainyo, since wala naman na kayong matirhan dito nalang kayo, pero. Pero may kapalit, kailangan niyong maglinis, magluto at gawin ang lahat ng housenhold chores. Aalagaan niyo rin ako pag wala si Ninong."

"pagwala ninong mo?"

"uh..oo kasi every gabi dito siya natutulog para alam niyang safe ako. Over protective siya masyado sa akin. At balik tayo sa usapan, so ano? ayos lang ba sainyo?"

hindi ako sumagot kundi ay tumingin ako kay Ina na mahimbing parin ang tulog. Baka hindi siya sang-ayon hindi namin kayang mabuhay kung hindi kumpleto ang trio magnifico.

"kung hindi parin kayo sure ay bukas ko nalang kukuni  ang sagot niyo, oh, siya, matulog na tayo may pasok pa bukas at hopefuly bumangon ng maaga yang si chakadal"

Sabi niya at naglakad patungo sa isang kwarto.

-----------

(a/n: parang may nawawala jan, di ko ma-pin point kung alin basta parang may kulang. argh!!

salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa :)

-love lots OLS

VOTE and COMMENT po.. :)

The Angels VoicesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora